Chapter 12

2.2K 89 12
                                    

Katrina's POV





"Dok salamat." Wika ko sa doktor ni Adriana. Pangatlong beses na ng check-up nya ngayon at sabi ng doktor lalo pang bumubuti ang kanyang lagay. Salamat naman at nakaka-rekober na sya.

"Don't thank me Katrina. Ikaw ang dapat pasalamatan dahil sa ginawa mong pag-aalaga sa kanya ng maayos. I've done my part as her doctor, nothing else. But your effort has a great impact to her recovery, your sincerity and your patience makes her to do well and cooperate."

Napangiti ako. "Ganun po ba. Masunurin din kasi kaya wala akong problema pagdating sa pag-aalaga."

Nag-paalam na ako at pinuntahan si Adriana sa labas ng clinic. Tapos na rin ang physical therapy nya. Sa pabalik-balik namin dito sa hospital bumalik na rin ang dati nyang lakas at nakakalakad na sya ng maayos.

"Saan tayo?" Tanong ko. Hinayaan ko lang ang kamay nyang naka-akbay sa akin habang naglalakad kami papunta sa kotse.

"Ikaw wala ka bang gustong puntahan?"

"Wala naman." Tiningnan ko sya. "Ai oo nga pala pupunta ako sa salon. Bibisitahin ko ang mga bakla." Nung naka-uwi si nanay sa probinsya namin wala na akong ginawa kundi ang mag-alaga kay Adri at pumunta sa salon. Ngayon medyo busy ang mga alipores ko dahil sa dalawang branch ng salon na pinapatayo ko. Pero of course kasama ko parin si Sophie sa partnership. Di pwedeng mawala ang beshy ko, sa hirap at ginhawa dapat laging magkasama.

"Ok i'll take you there."

"Ihahatid mo lang ako?"

"Yeah. Pupunta muna ako sa office, may aasikasuhin lang ako saglit."

"Ah sige."

Hindi ko lang sinasabi pero nung isang araw ko pa sya napapansin na parang may palaging iniisip na malalim. Lagi pang may kausap sa cellphone nya, hindi ko naman alam kung sino tsaka ayoko ring magtanong baka tungkol sa trabaho.

Hinatid nya lang ako sa tapat ng salon at hindi na bumaba.

"Hoy mga pasaway. Anong trip to?" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok sa loob ng salon.

"Maaammsshh." Ganun na lang ang gulat ni Perdro ng makita ang naniningkit kong mga mata.

Agad kong kinuha ang unan at binato sya. "Umiinom kayo dito? Kaya pala ang tahimik."

Isang emperador at isang pitsel ng chiser na juice ang nakalapag sa mesa, may chicharon pa.

"Maamsh sorry patawad. Birthday ko kasi ngayon." Pinagdikit nya ang mga kamay. "Sorry mamsh, medyo uminom lang. Ngayon lang naman kami gumawa ng ganito dito eh."

Taas kilay ko silang pinasadahan ng tingin. Nakayuko naman ang ulo ni Sacramento at Ricardo at hindi makatingin sa akin.

"Mga kupal kayo. Akala ko busy kayo sa mga inutos ko pero yun pala nagkakasiyahan kayo dito." Naiinis akong umupo. Maya-maya ay kinalma ko ang sarili. "Bakit hindi mo pinaalala sa akin na birthday mo pala ngayon?" Kumuha ako ng chicharon at kumain. Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan ko sa nakikitang inumin.

"Eh kasi akala namin mamsh busy ka. Ayaw ko naman na maka-isturbo sayo."

"Oo nga mamsh, ang dami mo na kasing ginagawa kaya hindi na sya nag-abala pa. Kaya patawad na mamsh." Support naman ni Cardo.

"Paki-kuha nga ng baso ko Scarlet." Kalabit ko sa braso ni Sacramento na kanina pa tahimik. "May amats ka na yata, baklang to."

"Broken hearted yan mamsh wag mong inaano." Si Cardo na ang tumayo at kumuha ng baso ko.

"Sino dun?" Sa dami ng jowa nya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.

Tumagay si Cardo at binigay sa akin. "Sureness iinom ka?"

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now