Chapter 3

5.7K 146 35
                                    

Kat's POV

Tatlong araw!

Tatlong araw na akong wala sa sarili. Pucha!!!

"Katrina andito si Alvis sa labas." Sigaw ni nanay sa labas ng kwarto ko.

Si Alvis?

Mabilis akong napatayo sa higaan at tiningnan ang sarili sa salamin.

Gosh, bakla yung eyebags ko pumuputok sa laki. Bwesit naman kasi, tatlong gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos.

"N-nay sabihin nyo maliligo muna ako."

"Bahala ka, aalis na'ko sa palengke ikaw na ang bahala dito."

Pumadyak ako sa inis. Ano ba, ang aga naman nyang pumunta dito.

Haist..

Kinuha ko ang towel ko at lumabas ng kwarto.

"Good morning mahal." Nabigla ako ng makita itong nakaupo na pala at nagkakape. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at faded jeans.

"A-ang aga mo yata mahal." Tinakpan ko ang katawan ko ng towel. Wala pa naman akong bra.

"Eh ihahatid sana kita sa salon. Wala kasi akong pasok ngayon sa mall kaya naisipan kong pumunta dito." Tumayo ito at lumapit sa akin. "Hindi ka kasi nagrereply kagabi kaya nag-alala ako."

"Ahmm.. Sorry mahal. Ninakaw kasi yung lod ko kaya di na'ko nakareply." Pagsisinungaling ko.

Shit, nakakakonsensya.

Paano ba naman kasi napaka-kulit ni Adriana, tawag ng tawag kaya di ako makareply. Tapos kung ano-ano pa ang mga sinasabi.

"Ah ganun ba. Ok lang mahal. Namiss lang talaga kita." Lalapit pa sana ito pero umatras agad ako.

"A-ah teka. Maliligo muna ako mahal ha, uminom ka muna ng kape mabilis lang naman ako." Ganito talaga ako kapag nag-uusap kami, mahinhin at malumanay.

"Ok mahal." Ngumiti ito saka tumalikod.

Dali-dali naman akong umalis at tinungo ang banyo. Naghubad ako ng damit at pinaagos ang tubig sa balde.

"Woooh!" Sigaw ko ng maramdaman ang lamig ng tubig. Grabe, napilitan tuloy akong maligo ng maaga.

Hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Pagkatapos ng kunting sabon at shampoo nagbanlaw na agad ako.

Ai pucha, nakalimutan kong magdala ng extra t-shirt. Andyan nga pala si Alvis sa labas. Huhu..

"M-mahal anong ginagawa mo?" Pasigaw kong sabi. Nasa labas pa lang ako ng pinto. Nahihiya naman akong dumaan sa harap nya na naka-towel lang.

Wala akong narinig na sagot. Anong ginagawa nun?

"Mahal andyan --."

"Hey baby." Halos lumawa ang mata ko sa pagkagulat ng makita ang bumubwesit sa akin. Nakasuot ito ng shorts at v-neck white tshirt.

"H-hoy Adriana. Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti itong lumapit. Aatras sana ako pero pader ng pinto na pala ang nasa likod ko.

"Relax. Di ba sabi ko kagabi sabay tayong kakain ng almusal." Hindi na nga ako nakapalag ng mas lumapit pa ito at dinikit ang katawan sa akin. "That's why i am here my girlfriend." Nilapit nito ang mukha na parang hahalikan ako. Shit.

"A-ano ka ba!" Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya. Bwesit naman kung makatitig, parang manyak na manyak. "Adriana tumigil ka nga, andyan ang boyfriend ko sa labas. Mahiya ka naman." Napalunok ako ng hinaplos nya ang kaliwang kamay sa hita ko. My goodness wala akong panty.

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatWhere stories live. Discover now