Chapter 9

2.1K 78 11
                                    

Katrina's POV




Isang linggo.

Dalawang linggo.

Tatlong linggo.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Sabi nila kapag raw nasa coma ang isang tao hindi mo malalaman kung kelan sya magigising. Hindi ka pwedeng umasa pero pwede kang magdasal. Kaya bago ako umuwi sa bahay dumadaan muna ako sa simbahan para magdasal na sana dinggin nya ang hiling ko. Na sana magising na si Adriana at bumalik na sa normal ang mga buhay namin.

Sa araw-araw na pagbabantay ko kay Adri tanging si Thalie lang ang nakita kong dumalaw sa kanya. Wala man lang kahit ni isa sa pamilya nya ang nagpakita.

"Miss Katrina." Bungad agad ng nurse pagkarating ko sa 3rd floor ng hospital. Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit ko.

"B-bakit?" Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Gising na po si miss Rivera." Masayang balita nito.

"Gising na si Adriana?" Ulit ko sa sinabi nya. Teka, gising na si Adriana? Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng mapagtanto ang sinabi nya. "G-gising na -- t-talaga?" Gusto kong umiyak at magtatatalon sa tuwa. Dali-dali kong tinakbo ang kwarto ni Adri.

"Ad---." Napatigil ako sa sasabihin ng makita ang dalawang doktor at isang nurse sa tabi nya.

Naka-higa si Adriana at parang blangko ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga doktor. Tela hindi nya maintindihan ang nangyayari.

Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon nya. "A-adriana." Hindi ko pinansin ang ibang tao at nakatuon lang ang mga mata ko sa kanya. Maingat kong hinawakan ang kanyang kamay. "Tumingin ka sa akin."

"I-i can't move." Nagtatanong ang kanyang mga mata. "What's happening to me?"

Tiningnan ko ang kanyang katawan pababa sa kanyang mga paa. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Katrina. We need to talk." Wika ng doktor. Di ko maiwasang kabahan sa tono ng kanyang boses.

Iniwan ko muna si Adri at kinausap ang doktor sa labas.

"Ano pong nangyayari sa kanya?"

"You don't need to get panic. Halos dalawang buwan syang nakahiga kaya hindi nya pa kayang igalaw ang mga paa. Pero as time goes by, maaayos rin ang lahat. Gusto kitang kausapin sa mas seryosong sitwasyon ng pasyente." Hindi ako nagsalita.  "Kelangan nya ng atensyon sa mga panahon ngayon. In the coming days she will be out of focus."

"Ano pong ibig nyong sabihin? May problema ba sa utak nya?"

"Katrina just trust me." Bumuntong hininga ito. "Ikaw lang ang nakikita kong mapagkakatiwalaan pagdating sa kanya. Bring her to me regularly for her check-up and i will explain it to you. Please be patient to her. Yan ang kelangan nya sa ngayon."

Tumango-tango ako. "Sige po dok gagawin ko po yan." Hindi pa klaro sa akin ang sinabi nya pero kelangan ko syang pagkatiwalaan dahil sila ang mas nakakaalam sa nangyayari kay Adriana.

---


Pagkalipas ng apat na araw naka-labas na rin si Adriana sa hospital.

Agad kaming dumiretso sa kanyang condo kasama si Thalie.

"So paano yan mauuna na ako." Wika ni Thalie pagkatapos naming maihiga si Adriana sa kama.

"Salamat Thalie." Nakangiti kong wika.

"Adri uwi na ako ha. Magpagaling ka."

Hindi naman nagsalita si Adri at tumagilid lang ng higa. Wala kaming nagawa kundi magkibit balikat na lang.

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon