Chapter 11

1.8K 71 7
                                    

Katrina's POV




"Lalabas muna ako." Paalam ko kay Adriana na tahimik na nanonood ng tv sa sala. Kakaalis lang ng mga bakla at ngayon lalabas muna ako para kunin ang hiniram kong pera kay Sophie.

"Sit down first." Umusog ito kunti at tinapik-tapik ang sofa.

"Bakit?" Agad naman akong tumabi sa kanya. "Mabilis lang ako promise. May bibilhin lang ako." Baka akala na naman nya iiwan ko sya, kahit pa naiinis ako sa ginawa nya kaninang pagnanakaw ng halik.

"Take this." Inabot nya ang isang passbook at atm card.

Nagtataka ko syang tiningnan. "Anong gagawin ko dyan?"

"Just take it. This is for you." Nilagay nya sa kamay ko ang dalawang bagay na yun.

"Para sa akin?" Binuksan ko ang passbook. Halos lumuwa ang mata ko sa nakitang numero, teka 25 million? Naduduling na yata ako, sobrang laki ng pera na to ah. "A-ano namang gagawin ---."

"Password is 340901. Gawin mo lahat ng gusto mo sa perang yan. It's all yours."

Teka baka makalimutan ko 34-09-01.. Tama.

"Adriana nababaliw ka na ba?"

"No. I'm serious. I'm sorry if i make you uncomfortable by giving you that money. But i'm really serious, i'm not thinking of anything." Hinawakan nya ang kamay ko. "Please Katrina. Isipin mo na lang na pasasalamat ko yan sa lahat ng ginawa mo sa akin." Ramdam ko ang pagiging sincere nya sa sinabi.

"Teka hindi naman ako nanghihingi ng bayad sa mga ginawa ko. Tsaka sa tingin ko sobra-sobra naman ---."

"I'm begging you, please take it." Nagsusumamo ang kanyang mga mata.

Hindi muna ako sumagot at nag-isip ng malalim. Tatanggapin ko ba o hindi? Feeling ko tuloy nananaginip ako ngayon.

Ang hirap naman.

"Kat take it, ok?" Nakangiti nyang wika.

"Ayoko. Baka isipin mo pa na mukha akong pera."

Mahina itong tumawa. "Of course not. Bakit ayaw mo ba?" Nanunukso ang mga tingin nya. Hmm.. Sira to.

"Sigurado ka ba na hindi mo to babawiin kapag nag-away tayo?" Teka maninigurado muna ako. Mahirap na, minsan may tuyo rin tong kurimaw na to. "Tsaka baka may kapalit to Adriana ha. Naku, wag na lang." Inirapan ko sya. 25 million tapos ibibigay nya lang ng ganun-ganun? Kahit pa magtrabaho ako buong buhay ko eh malabo ko tong makita.

Alam ko maganda ako pero hindi ko sukat akalain na may magbibigay sa akin ng ganito kalaking pera. Daig ko pa ang nanalo sa lotto.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisnge. "Just stay with me always." Sheemms.. "You're my girlfriend and i want to give you all the best in the world."

'Ok, maghunustili ka Katrina. Maging praktikal ka at wag kang hunghang. Tanggapin mo na ang pera.' Bulong ng masama kong ugali sa kaliwang tenga.

'Besh wag. Kusa ang pagtulong mo sa kanya dahil may mabuti kang kalooban.' Bulong naman ng anghel kong ugali sa kanang tenga.

"B-bahala ka." Tumayo ako. "Sige na nga tatanggapin ko na. Basta wala ng bawian ha, gagastusin ko talaga to sinasabi ko na sayo. Marami pa naman akong utang."

Why not. Susundin ko muna ang devil side ko. Maging praktikal at wais.

"Yeah, yeah. Do whatever you want, that's yours." Hinila nya ulit ang kamay ko at pinaupo sa tabi nya. "Basta wag ka lang magtatagal sa labas. Mamimiss kita agad."

The story of Katrina discovering her gender identity *pak* (gxg) Adri❤KatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon