KABANATA 2

350 11 0
                                    


A/N: Magsesearch pa ako ng pwedeng portrayer ni Franco melabs. Yung anim ang abs sana? Hihi.

----

Franco's POV

"GOOD MORNING sweetheart!" Mula sa bundok bundok na papeles napaangat ang tingin ko sa babaeng pumasok sa opisina ko. Kaagad pumintig ang puso ko ng makita ko ang mahal kong si Stella, I smiled.

"Good morning sweetheart, so how's your tour in Hotel?" I asked. Umupo siya sa gilid ng swivel chair ko at naglalambing na yumakap sa leeg ko.

"Enjoy. Ang ganda ganda ng Hotel at even the Resort sobra sobrang modern ng facilities gusto ko nga sana sumakay sa zip line kaya lang di ako mag eenjoy kasi hindi kita kasama" Nakangusong sabi ni Stella. I faced her and stare her intently, I softly caress her face.

"Sweetheart I'm really sorry if I can't join you. Honestly, I want to spend my time with you habang nandito ka sa Isla nagbabakasyon. May responsibilidad ako dapat gampanan sa Hotel ayoko ma-disappoint sila Papá sa pagbigay sakin ng pwesto dito sa hotel" I said. Napabuntong hininga si Stella at pilit na ngumiti tapos hinawakan ang pisngi ko.

"Yeah I know sweetheart and proud na proud ako sayo because of that, kaya nga twing vacation dito ako napunta sa Isla para kahit papaano makita kita. I enjoyed my stay here pero mas masaya kung kasama kita that's my point pero I understand you already kahit ako naman may top priority pa din. Pero don't forget that I Love You So Much my heart" She sweetly said and give me a peck kiss on my lips. Napapikit pa ako at dumilat kaagad ng maglayo ang mga labi namin.

"I love you more than anything else you know that sweetheart" I softly said while staring at her. Ngumiti siya at tumingin sa mata ko.

"By the way. Pumunta ako dito kasi hindi ko makita si Hera. At para na din sabihin sayo ang sinabi ni Manager Rose...." Kaagad bumadha ang pagtutol sa puso ko alam ko na ang kasunod nito kung kaya ko lang pigilan siya ginawa ko na para hindi siya umalis sa tabi ko pero ayoko naman maging hadlang sa kaligayahan niya, pinilit ko ngumiti.

"...I'm leaving sweetheart 2 months. May pinirmahan na naman kasing kontrata si Manager Rose. It's a 5 big events in Italy at I don't say no" Humihingi ng permiso na sabi niya. Nalungkot ako pero kaagad din ngumiti para hindi na bumigat ang dalahin ni Stella.

"Paano ba yan? Mamimiss na naman kita?" Nakangusong sabi ko kaya tumawa ng mahina si Stella at pinanggilan ang pisngi ko.

"I will miss you too handsome.. Sige ganto na lang pagbalik ko pag usapan na natin ang kasal natin what do you think?" Masigla niyang sabi. Kaagad akong ngumiti at tumango.

And I softly caress her chin.

"Really? I loved to. Basta mag ingat ka ha? Wag ka titingin sa mga gwapong lalake don dapat ako lang gwapo sa paningin mo" I possessively said and she laughed. Beautiful.

"Ikaw lang ang gwapo sa paningin ko alam mo namang simula highschool crush na kita. Kundi dahil sa pagiging Cupid ni Hera hindi tayo magkakatuluyan and she even said na fan daw siya ng love team natin!" Natawa kami parehas ng maalala yon. Kaagad ako napangiti ng maalala ko ang best friend ko.

"Yeah and naging Cupid din tayo para sa kanila ni Liam nung una galit na galit siya satin pero look at her now she is truly madly in love with Liam" Natatawang sabi ko. Natawa din si Stella. Sarap balikan ang panahon na yon.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano ng may kumatok sa pintuan ng opisina kasabay non ang pagpihit at pagbukas ng pinto, parehas kaming natigilan ni Stella.

Pumasok si Hera na nakangiti sa amin. Kaagad rumehistro ang kasiyahan sa mukha namin dalawa lalo sa akin.

"Nakaistorbo ba ako sa lambingan niyo mga bes?" Nakangiting sabi ni Hera habang naglalakad papalapit sa table ko may hawak siyang folder.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now