KABANATA 9

344 9 0
                                    

FRANCO'S POV

"HERA. It's me Franco I know nandyan ka so pwede mo ba ako pag buksan ng pinto i just want to check if your okay" Sabi ko pagkatapos kumatok sa pintuan ng unit ni Hera. Naririnig ko ang yabag mula sa loob kaya alam ko na nandito siya.

Nung hindi siya sumagot at hindi niya buksan ang pinto. Kumatok ulit ako ng tatlong beses.

"...pag hindi mo to binuksan mapipilitan akong sirain tong pintuan mo!" Pananakot ko baka sakaling buksan niya ang pinto.

Napangiti ako ng marinig ko ang yabag papalapit sa pinto at binuksan niya yon. Nagtama ang mata namin dalawa at may kung anong halimaw na naman ang nabuhay sa loob ng dibdib ko.

Hindi ko kailanman naramdaman to kay Stella basta ko na lang nalaman sa sarili ko na mahal ko siya. Hindi kagaya nitong nararamdaman ko para kay Hera na parang babaliw sakin pag hindi ko pa pinaramdam.

"Okay ako Franco... You don't need to worry baba na din ako dahil may kailangan pa ako tapusin sa opisina" Napatulala na pala ako sa mukha niya habang nakatitig sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"I think you need to rest ako na muna bahala sa trabaho mo it doesn't matter bukas kana bumalik sa opisina mo" I said. While staring at her nakatingin din siya sakin pero hindi niya natagalan makipagtitigan.

Umiwas siya ng tingin at nagsalita.

"Pumasok ka muna gagamutin ko yung sugat mo nakakahiya naman kasi dahil sakin kaya nagkaron ka nyan" Sabi niya tapos tumalikod na para pumunta sa maliit niyang sala.

Ngayon ko lang naramdaman ang sugat ko sa gilid ng labi at sa kilay na pumutok dahil sa suntok ni Liam.

Napangiti ako well at least okay naman siya sakin at hindi siya galit. Sumunod ako sa kanya at nilapat pasara ang pintuan niya.

Nakita ko siya na nakaupo sa mahabang sofa habang inaayos yung gamot sa medical kit. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makaupo ako sa tabi niya hindi siya lumayo sakin kahit sobrang lapit ko sa kanya na kinatuwa ng puso ko.

Humarap siya sakin at napatigil dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Tumikhim siya tapos lumayo ng konti sa akin.

"Dapat hindi mo na pinatulan si Liam. Wala naman kasi halaga kapag pumatol ka pa sa kanya" Sabi niya habang nakatingin sa sugat ko na maingat niyang ginagamot gamit ang bulak na may betadine na nakaipit sa tiyani.

"Hinalikan ka niya Hera... Pinipilit ka niyang sumama sa kanya ano sa tingin mo ang gusto mong gawin ko? Hayaan ka para masaktan ka naman ng dahil sa kanya" Napatigil siya sa pag gamot ng sugat ko tapos sinalubong ang tingin ko. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Franco..... Nagpapasalamat ako na concern ka sakin na pinapahalagahan mo pa din ang friendship natin. Pero hindi naman ako sasama sa kanya hindi ko naman na hahayaan ang sarili ko na masaktan ulit dahil masyado pang sariwa ang sakit na nararamdaman ko" Mahinahon niyang pagsasalita. Kinuha ko yung kamay niya at pinisil yon.

"Hera.... Mahalaga ka sakin kaya hindi ko kaya na masaktan ka na naman dahil mas nasasaktan ako" Masuyo kong sabi habang nakatitig sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya tapos umangat ang tingin niya sakin.

"Franco.....Gusto ko kalimutan mo yung nangyari satin at bumalik tayo sa pagiging magkaibigan lang hindi ako sa sanay na ganto ang pakikitungo mo sakin----" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya hinatak ko siya papalapit sakin.

Hinuli ko ang tingin niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Hera... Kahit anong pilit kong kalimutan yung nangyari satin hindi ko magawa.. Sabihin mo na ako kung ano ano pero ayun yung nararamdaman ko para na akong mababaliw at hindi ko na alam ang gagawin ko sana naman wag mo akong iwasan dahil mas lalo akong mababaliw" I softly said while caressing her chin. Sinalubong niya ang tingin ko.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now