KABANATA 11

270 9 0
                                    


FRANCO'S POV

Its been 1 fucking month since nung nabusy kaming lahat sa Hotel at sa bagong open na Villa, everything is smooth and normal that we used to. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi sa 1 month na yon madalang kong makita si Hera busy din siya sa outside events and i heard may inorganize siya na isang ball ng mga sikat na artista last week.

At 1 week from now uuwi na si Stella. Everything will not be the same but i guess tama nga si Hera it's just a plain sex. Kailangan ko ifocus ang sarili ko kay Stella dahil siya naman talaga ang babae na pinangakuan ko ng pagmamahal. Tama lang na hindi ko ibigdeal ang munting nararamdaman ko.

"Just focus to the papers Franco you can do it" I said to my self.

"Yeah you can do it!" Napatingin ako sa nagsalita na walang pakundangan na pumasok sa opisina ko at umupo sa visitors chair sa harap ng table ko at dumikwatro pa.

"Coffee please Cuevas" Sinamaan ko siya ng tingin at pinindot ang intercom na nakaconnect sa secretary ko na si Kheila. Nakaleave kasi si Donny ngayon.

"A cup of coffee in my office Kheila" Pagsasalita ko ng masagot niya tawag ko pagkatapos non pinatay ko na ang tawag at tumingin sa bwisita ko.

"What brings you here?" Tanong ko sa pinsan kong malakas ang sapak.

"Nabobored ako. Magpapasama sana ako sayo magtrekking" Parang cool na cool lang siya na di alintana ang ga bundok na papeles sa ibabaw ng lamesa ko.

"Pwede ba Isaac tignan mo naman. I have many things to do. Hindi ba halata?" Sabi ko naman at tinuon ang atensyon ko sa papeles.

"Hindi ko pinapansin yung ganyan ko sa opisina eh kaya yeah diko halata" Sabi naman ni Isaac. Siguro nga nabuburyo na to sa negosyo niya at nanggugulo dito sa isla.

"Palibhasa nandon naman si Chloe na sekretarya mo buti di non kinukuha ang sweldo mo as boss niya kasi halos siya nagawa kahit trabaho mo" Sabi ko naman. Natawa naman ang loko.

"Exactly boss kasi ako" Isaac said. Diko na lang siya pinansin hanggang sa dumating ang kape niya. Makikikape na lang dito pa sa opisina ko.

A moment of silence between the two of us ng basagin niya ang katahimikan.

"I saw Hera bago ako pumunta dito sa opisina mo" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang pangalan niya. Kasasabi ko lang na magfocus pero bakit narinig ko lang pangalan niya nawala na naman ako sa sarili.

"She's busy. Kung busy ako mas busy yon" I said covering my emotions.

"Yeah alam ko pero naalala ko lang yung kinwento ni Simon about sa ex-fiancé niya na si Liam. Okay na ba siya? Well tinatanong ko to kasi hindi na din iba sakin si Hera at bestfriend mo siya" He asked. Daldal talaga ni Simon tss!

"Ang daldal talaga ni Simon" Bulong ko natawa naman si Isaac sa harap ko malamang narinig niya. "Well, i guess she's fine kasi as i said busy siya madami siya ginagawa inside and outside the company siguro di niya na naiisip yon" Napangiti naman si Isaac sa sinabi ko. Kakaiba yung ngiti niya diko maexplain.

"I guess its my time" Isaac said. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Anong its my time?" Pinilit ko itago ang emosyon ko.

"Hera is a lovely girl, she is pretty, nice and intelligent. I guess hindi naman masama kung i asked her to date with me, we're both single" Ngiting ngiti na sabi ni Isaac. Bakit parang diko gusto yung sinabi niya?

Naramdaman ko na lang ang pagkuyom ng kamao ko at di nagsalita tumingin lang ako sa papeles ko.

"So Cuevas see you around salamat sa pacoffee" Hindi niya na hinintay ang sagot ko tumayo na siya at umalis ng opisina ko.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now