KABANATA 13

269 8 0
                                    

A/N: Theme song of this story and chapter... Way back into love by: Hugh Grant & Haley Bennett

HERA'S POV

PAGKAALIS NI FRANCO. Parang nanghina ang tuhod ko napahawak ako sa dibdib ko at naguunahan maglabasan ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sobrang sakit! Sobrang sakit makita siya na nasasaktan dahil sakin. Feeling ko ang sama sama kong kaibigan.

Bago pa ako mapaluhod sa buhanginan may sumalo na agad sakin.

Si Diana at Isaac.

"You will be okay Hera..." Bulong sakin ni Diana habang nakayakap sakin at nakasubsob sa braso ko.

"Hindi ko alam kung ano nangyari pero i can say na nasaktan si Franco sa sinabi mo. Diana told me everything dahil nakita ko din kayo ni Franco nung hinila ka niya palayo sakin but all i can see is your mutual feelings for each other" Rinig kong sabi ni Isaac. Hindi ako sumagot umiyak lang ako ng umiyak sa kanilang dalawa.

"I really love him so much... And i hate seeing him hurting because of me" I said between my tears. Franco im sorry hindi kita pwedeng ipaglaban dahil meron tao na umaasa at naghihintay sayo.

EVERYTHING is smooth and okay. Busy ang lahat sa Isla this past few days.

2 days na simula nung nangyari yung samin ni Franco.... 2 days ko na din siya di nakikita naririnig ko lang sa mga staff na madalas daw mainit ang ulo ni Franco. At hindi siya ganon sa tagal na namin na nagtatrabaho dito sa Hotel isa siya sa pinaka-patient na boss dito sa Hotel.

Lagi siyang kalmado, oo perfectionist siya pero hindi siya yung masungit at istriktong Manager. Sana mali yung naiisip ko sana hindi ako yung dahilan kung bakit siya nagkakaganon ngayon. I felt bad.

Dumaan ako sa HR Office para magpasa ng documents na nagawa kong proposal para sa event next month ng mapadaan ako sa office ni Franco.

"I want this on my table after lunch. Gusto ko walang mali at detalyado lahat! Wag mo na dagdagan ang iniisip ko Vincent. Ang tagal mo na ginagawa to bakit mali mali ka pa? Get out of my office now" Rinig kong sigaw ni Franco dahil medyo nakabukas yung pintuan ng office niya. Sobrang lakas din ng sigaw niya.

Nagbulungan naman mga empleyado na naglalakad at narinig din ang sigaw ni Franco.

"Grabe si Sir Franco nung mga nakaraang araw mainitin ang ulo"

"Baka naman break na sila ni Mam Stella?"

"Hala eh diba ikakasal na sila? Sayang naman bagay pa naman sila"

Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Franco ng lumabas si Vincent. Nakita niya ako kaya binati niya ako at tumango. Ngumiti lang ako at tumango.

Lumakad ako sa harap ng opisina ni Franco. Ewan ko kung ano ginagawa ko dito pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon ko lang ulit siya makikita simula nung pinagtabuyan ko siya.

Aalis na sana ako don ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Franco. Nagulat siya nung una na nakita niya ako pero kaagad din bumalik sa pagkapoker face ang mukha niya.

Napalunok siya at umiwas ng tingin sakin bago lumakad at nilagpasan ako.

Tinignan ko naman siya habang naglalakad palayo sakin. Siguro nga hindi na kami mababalik sa dati, siguro nga hindi na kami yung dating Hera at Franco na magkasangga.

Akala ko okay na ako pero sobra akong nasasaktan pa din. Parang mas masakit tong nararamdaman ko ngayon kesa nung makita ko si Liam na pinagtataksilan ako.

Franco.... Mahal kita.... Bulong ng puso ko.



FRANCO'S POV

"SWEETHEART... Guess what? I'm coming home tomorrow! Pwede mo ba ako sunduin? I miss you so much!" Stella happily said. Bakit diko magawang maging masaya.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now