KABANATA 7

307 8 0
                                    




HERA'S POV

"HIS ASSHOLE! Tara samahan mo ako France sisilaban natin ng buhay ang Liam na yon" Sabi ni Iya at ready na sumugod. Napailing na lang ako sa kabaliwan ni Iya at sumimsim na lang ng kape na inorder ko dito sa Mi Paborito Café.

Umalis ako sa Isla para makapag isip. Nandon pa din kasi si Liam at si.... Franco. Gusto ko muna ng katahimikan sa isip ko dahil hindi ko yon magagawa kung napapaligiran ako ng dalawang lalakeng gumugulo sa isip ko.

I know ako nagsabi kay Franco na kalimutan ang nangyari samin pero ako itong hindi makalimot. Konti na lang talaga bibili na ako ng kwarto sa Mental Institution dahil feeling ko don ang bagsak ko.

"Easy Iya ipaassinate na lang natin siya. Less hustle pa" Sabi ni Francine. She is Francine Miranda we simply called her France and Iya Recto is my circle of friends in College.

Kablockmate ko sila sa isang subject at naging instant close kami dahil pareparehas kaming mga luka luka and we understand each other. Actually apat kami wala lang ngayon dito si Laviña Romualdez na busy sa negosyo. Samin apat siya ang pinakabusy dahil siya din ang pinakamayaman.

Siya ang kaibigan namin na nagmamayari ng boutiques and cosmetic all over the world. Wala siyang ginawa kundi lumangoy sa pera pero pag kailangan naman namin siya she is one call away nagkataon lang ngayon na lilipad siya papuntang Europe para umattend ng big event doon.

Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari pero hindi kagaya nung una hindi na masyado sumisikip ang dibdib ko twing naalala ko ang nasaksihan ko. Naubos na yung luha ko sa chopper habang papunta ako dito sa lungsod.

Minus about what happen between me and Franco hindi pa ako handa sabihin sa kanila yon...

"Hera? You sure you okay? Kasi kung hindi ka pa okay magiisleep over talaga ako sa inyo" Pukol ni France sa atensyon ko. Napakurap kurap ako at tumuwid ng upo.

"Ano ba kayo okay lang ako. Naiyak ko na lahat kanina habang papunta ako dito ayoko kasi umiyak sa harap niyo habang kinukwento ko yung nangyari. You know me" I said with a little smile on my face.

Napatango tango at napahalumbaba si Iya tapos tumingin sakin.

"Still the same Hera we know. Pero friend hindi naman masama minsan na magpakita na mahina ka tao lang tayo nadadown, nasasaktan at nagkakaproblema pero it doesn't mean na your not strong enough to conquer those problem with you. Okay lang na magpakawasted ka pero ipapromise mo sa sarili mo na magiging okay ka after that" Iya said. I just nodded to her.

"Thank you sa inyong dalawa gumaan yung loob ko nung nakausap ko kayo" Simple kong sagot. Nawawalan nako ng words dahil sa dami ng iniisip ko.

"Iya is right friend, don't hide your true feelings and emotion dahil lalong bibigat ang pakiramdam mo beside nandito naman kami para sayo you know us one call away dear...." Inabot ni Francine ang kamay ko ang pinisil yon nginitian niya ako na parang sinasabi na naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Ngumiti lang ako.

"....pero buti naisip mo na umalis sa Isla kahit isang araw lang alam ko na masakit sayo na umalis sa Isla because you love that Island so much. Alam ko na iniiwasan mo lang si Liam and we're here for you what are friends are for right?" Francine said. I just nodded and smile.

"Tama ka I love that Island so much at babalik ako don" Sabi ko. Ibang love ngayon ang nasa isip ko sa Isla pero pinagsawalang bahala ko muna yon.

I just need a time for myself. Para makamove on sa sakit na ginawa ni Liam sakin tsaka ko na iisipin ang munting halimaw na nabuo sa puso ko dahil alam ko na isang pasakit na naman yon sakin.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now