KABANATA 6

300 6 0
                                    


ENJOY!!!! ❤️❤️

HERA'S POV

NAGISING ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot ng ibabang bahagi ng katawan ko. Sinapo ko ang ulo ko dahil kumirot din ito.

Minulat ko isa kong mata at kaagad din na nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ko ang kwarto kung nasaan ako. Shit! Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang isang matitipunong braso na nakadagan sa tiyan ko.

Tumingin ako sa lalakeng mahimbing na natutulog sa tabi ko at napanganga ako ng maalala ko ang kagagahan na ginawa ko kagabi! Shit! Hera ang gaga gaga mo! Ano na lang mukhang maihaharap mo sa taong to lalo na sa girlfriend niya na kaibigan mo din. Shemaaay.

Maingat kong inalis ang braso niya na nakadagan sa tiyan ko. At walang ingay na bumangon sa kama kasama ng kumot na pinantapi ko sa hubad kong katawan bago pa ako makalakad napahinto ako ng sumakit ang gitnang bahagi ng hita ko. Shit! Huhu.

Maingat akong lumabas ng kwarto para hindi magising si Franco. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya ngayon feeling ko ang landi landi ko inakit ko siya mygosh! Ano na lang sasabihin ni Stella sakin.

Nakita ko yung damit ko na nakakalat sa sala at mabilis na sinuot yon. Akmang lalakad na ako palabas ng may biglang nagsalita sa likod ko.....

"Where do you think your going?!" Anang baritonong boses sa likod ko. Shit! Ano ba yan. Nanatili akong nakatalikod at hindi humarap sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang yabag niya palapit sakin.

"....Hera look at me" Parang may pumintig sa puso ko nga marinig ko yung boses niya na kakaiba hindi gaya nung wala pang nangyayari samin. Shit! What to do.

"Ahh ano kasi Franco... Aalis na ako babalik na ako sa unit ko kasi ano... Ahm may trabaho pa ako tsaka...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinihit niya ako paharap sa kanya. Puno ng hindi ko malaman na emosyon ang mata niya habang nakatingin sakin.

"I'm sorry.... I'm sorry Hera. I'm just I'm just....." Parang hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin. Tumingala saglit si Franco tapos bumaba ang tingin sakin.

".....shit! Natakot lang ako na baka nga maghanap ka ng iba baka mas lalo kang mapahamak at----" Pinatigil ko siya sa pagsasalita. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit awkward na awkward nako.

"You don't need to say sorry Franco. Kasalanan ko ang lahat ng to tinukso kita at inakit.. Mabuti pa na kalimutan na lang natin itong nangyari satin isipin mo na lang na na ... Isang bangungot ang lahat ng to" Mahinang banggit ko sa last words ko.

Bangungot? Aminin mo man o hindi sa sarili mo Hera nagenjoy ka at nasarapan wag kang magsinungaling sa sarili mo kahit sa sarili mo lang.

Pero mali eh! Hindi dapat. Hindi pwede. Napatingin ako kay Franco na tahimik lang at mataimtim na nakatingin sakin. Gosh! Awkward ano ba to. Hindi ako pwede magpaapekto sa nangyari samin dalawa.

"....please Franco wag mo pahirapan ang sarili mo sa pag iisip ng nangyari satin. Mas okay to para sa ating dalawa" Mahina ko ulit pagsasalita. Malakas na bumuntong hininga si Franco at tumingala saglit tapos mataimtim na tumingin na naman sakin. Shemaay! Ano ba tong nararamdaman ko.

"Fine. Kung ayun ang gusto mo pero wag mo kakalimutan na ako pa din to ang kaibigan mo... Ang bestfriend mo hindi magbabago yon kaya kung ano man ang problema mo just don't hesitate to tell me" Puno ng di malamang emosyon na sabi ni Franco. Ngumiti ako ng tipid at bahagyang tumango.

"Salamat Franco. Mauuna na ako" I said. Bakas ang pagtutol sa mukha ni Franco pero wala na siyang nagawa kundi tumango na lang.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now