KABANATA 4

272 8 0
                                    

Note: MATURED CONTENT.


FRANCO'S POV

"OH SWEETHEART. You behave here huh? No monkey business tandaan mo may mata ako. And it's Hera kaya malalaman ko kung anong ginagawa mo habang wala ako" Bilin sakin ni Stella habang hindi pa siya pumapasok sa Departure Area. Natawa ako at bahagyang ngumiti.

"Yes my sweetheart at sisiguraduhin ko na walang maisusumbong si Hera sayo dahil mabait ako" Sabi ko habang nakapamulsa na nakatitig sa kanya.

Natawa siya at pabirong sinampal ako sa pisngi pero kaagad din niyang masuyong hinawakan ang pisngi ko.

"I will miss you sweetheart, 2 months lang ako don pero baka pag nainip ako baka magpaalam na agad ako kay Manager you know me" She said with her smile on her face. Malambot ang matang tumingin ako sa kanya at masuyong hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

"Baka naman magalit sayo yang Manager mo" I said with my worried tone. Umiling siya bago nagsalita.

"Hindi ah palagi ko naman ginagawa yon" Nakangiti niyang sabi. Pinisil ko ang kamay niya tapos hinalikan yung likod non bago nag angat ng tingin sa kanya.

"Hihintayin kita sweetheart. Just call me if you reach in Italy kahit busy ako mag uusap tayo o kaya naman magskype tayo para hindi kita masyado mamiss. Okay ba yon?" Bilin ko sa kanya. Napatulala siya saglit sa mukha ko bago kumurap at tumango.

"Yes sweetheart I'll do" Nakangiti niyang sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang may gusto siyang iparating pero hindi ko na lang pinansin yung kakaibang damdamin na yon.

She pulled her self away from me and she kiss me on lips. Masuyo kong hinawakan ang mukha niya.

"I love you Franco" She whispered between our lips.

"I love you too Stella" I whispered also.

Binilinan niya ako ng kung ano ano like she usual do twing magkakahiwalay kami. Bago siya tuluyan pumasok sa departure area lumingon siya sakin at nakangiting kumaway sakin tinaas ko yung kamay ko para kumaway pero hindi niya na ata nakita kasi pumasok na siya agad. Habang nakatingin sa pinasukan ni Stella may kung anong dumagan sa puso ko.

May kung anong kaba ang naramdaman ko pero pinagsawalang bahala ko na lang yon. At kaagad akong umalis sa airport para pumunta sa Cuevas Building kung saan naghihintay ang chopper na maghahatid sakin papunta sa Isla.

I will wait for you my... Stella.

HERA'S POV

SA PAGHAHANAP ko kay Liam. Nakasalubong ko si Tina sa may lobby tinawag ko ang pansin niya para tanungin kung nakita niya si Liam wala na siya cottage na nirentahan niya narinig ko din sa isang staff na dumating na yung mga kasamahan niya na magcoconduct ng Seminar kaya pagkatapos ng meeting ko with the Big Boss and other Department Manager. Lumabas kaagad ako para hanapin si Liam.

"Tina? Dumating na yung mga business man na magcoconduct ng seminar sa Function Room E. Yung mga kasamahan ni Liam?" I asked. Nakangiting tumango si Tina.

"Yes, Mam Hera nandon na din po yung mga staffs na nag aayos ng Function Room E. Nasa Room 405 to 408 po yung mga magcoconduct ng Seminar kache-check in lang po nila about to 30 minutes ago" Paliwanag ni Tina. Tumango tango ako bago nagtanong ulit.

"Yung boyfriend ko nakita mo ba? I mean si Mr. Liam Montemayor na nakacheck in sa Cottage 3 near the beach?" Tanong ko. Tumango tango si Tina.

"Yes Mam I saw Sir Liam kanina po nung dumating yung mga kasamahan niya. Pero nakita ko po siya kasama ni Mam Madonna Leviste. Ang alam ko itutour daw po niya si Mam habang hindi pa nagsisimula ang Seminar nila. Gusto niyo po bang itanong ko sa Security...." Hindi ko na pinatuloy ang sinasabi ni Tina. Ngumiti ako at tumango.

Hidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon