EPILOGO

395 11 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Dito na nagtatapos ang kwento ni Franco at Hera. Yes! No part 2 kasi Series to. Ayun talaga ang balak ko sa bawat series it contains 15 chapters per series lang siya. Well, imaginin niyo na lang nagbabasa kayo ng pocket book na more than 15 chapters lang din. Natagalan ko siya isulat dahil nablanko ang isip ko nitong mga nakaraan pero may napanuod ako na Series din ngayon ngayon lang kaya nainspired ako tapusin ang story ni Franco at Hera.

Magkita kita po tayo sa Book 2 ng Isla De Felicidad. Sino ang bida sa book 2? Secret muna.

For now on enjoy this EPILOGUE!








5 years later....

HERA'S POV

"HELGA nasaan si Freya? Kanina ko pa hinahanap ang batang yon" Tanong ko sa kapatid ko. Nandito kasi kami ngayon sa bahay namin dahil inenrol ko na si Freya sa school. She is already 5 and kailangan niya na masanay sa school hindi na pwedeng home study lang.

"Ewan ko ate tumakbo don sa likod eh magpeplay lang daw sila ni Chuchu" Sabi ng kapatid ko na busy na naglalaptop sa sala.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa anak ko dahil kilos lalake siya. Mas nageenjoy siya maglaro ng panglalake na laro kesa sa pangbabae. Palibhasa nung baby siya mga tito niya ang nag aalaga sa kanya sa Isla.

Wala naman ngayon dito si Franco dahil may kabusiness meeting siya ngayon sa Manila kasama si Isaac.

Dali dali akong pumunta sa likod ng bahay namin wala don ang anak ko pero nakita ko si chuchu na natahol at nakatingin sa taas ng puno ng mangga. Lumapit ako don tumingin si chuchu sakin tapos tinaas niya nguso niya sa taas ng puno at tumahol.

"HI MOMMY!" Muntik na ako atakihin sa puso ng mapansin ko na may hagdan sa puno at nakita ko ang anak ko na nasa taas ng puno.

"Ohmygoodness Freya!!! Down here. What are you doing there?!" Sigaw ko at natataranta hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita ko naman pababa na si Freya sa puno kaya kaagad ako lumapit sa hagdan at hinawakan yon.

Nang malapit na makababa si Freya kaagad ko siyang kinarga pababa. Naghahalo halo ang emosyon ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko taasan siya ng boses at pinagsabihan.

Nakayuko lang siya at alam kong nakikinig siya sakin.

"What are doing there Freya?! You know its dangerous there. Napakatigas ng ulo mo ha! Hindi na kita papayagan maglaro ulit sa labas naiintindihan mo?!" Pangaral ko sa anak ko kaagad siyang tumango pero hindi pa din siya tumitingin sakin.

"Sorry mommy" Mahina niyang pagsasalita.

"Look at me! And say it again!" Utos ko sa kanya medyo kumalma na ako.

"Hey whats wrong here?" Kaagad na sumulpot si Franco at lumapit samin mag ina. Nakita ko na kaagad tumakbo si Freya at yumakap sa tuhod ni Franco.

Napabuntong hininga ako at tinignan ko ang mag ama ko. Freya is a daddys girl well i don't doubt it because Franco is a good and caring father ako pa yung medyo strict.

"Kausapin mo yan anak mo Franco" Sabi ko at umalis na don.

FRANCO'S POV

LUMUHOD ako sa harap ng anak ko na nakatungo pa din. Kaya hinawakan ko ang baba niya at tiningala sakin nakita ko may luha sa mga mata niya.

Hidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon