KABANATA 3

298 8 0
                                    



Franco's POV

"YOW bro!" Nagkamay kami ni Liam at nagtapikan ng braso nung sinalubong namin siya sa pagdating niya sa Isla.

Nakangiting bumaling si Liam kay Hera na nasa tabi lang niya kaagad niya itong inakbayan at hinalikan sa gilid ng noo. Kaya napangiti ako seeing my best friend happy is making my heart more happy.

Kung masasaktan siya mas masasaktan ako dahil she is like a sister to me after all.

"Namiss kita love" Sambit ni Hera habang nakayakap sa bewang ni Liam na nakaakbay sa kanya. Napangiti si Liam.

"I miss you more love" Nakangiting sabi ni Liam habang malamlam ang matang nakatingin kay Hera.

"Hi guys! Oh my gee! Ang sweet naman!!" Biglang singit ni Stella at kaagad na yumakap sa bewang ko. Napangiti ako at umakbay sa kanya.

"Edi maging sweet din tayo sweetheart panindigan natin yung endearment natin" Sabi ko naman. Nagkatawanan kaming dalawa at napatingin kay Hera at Liam na magkahawak kamay na.

Lumayo ng bahagya sakin si Stella at napapalakpak.

"Since kumpleto na tayo. What are we waiting for? Let's celebrate na daliii!" Excited na sabi ni Stella at humawak sa braso ko. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na natawa.

Bumaling ako kay Stella at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Sweetheart mamayang gabi pa tayo magcecelebrate alone time muna ni Hera at Liam tapos kung gusto mo tayong dalawa naman pupunta sa Villa what do you think?" Sabi ko sa mahal kong girlfriend. Napanguso naman siya pero kaagad din napalitan ng ngiti.

"I'd love too sweetheart... See you later Hera and Liam I'm excited clubbing with you guys" Baling ni Stella kay Hera at Liam. Ngumiti naman yung dalawa.

"Sure Stella sa unit ko ikaw pumunta mamaya chikahan muna tayo" Sabi ni Hera. Masayang tumango naman si Stella.

"Paano ba yan? Alone time muna namin ng love ko. See you later guys?" Nakangiting sabi ni Liam.

"See you later bro" I said with smile on my face. Tumango silang dalawa nagkatinginan at magkahawak kamay na umalis na.

Bumaling ako kay Stella na kinikilig habang nakatingin sa papalayong si Hera at Liam.

"Hey?" I said and I embrace her in her waist. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Nakakakilig si Hera at Liam bagay na bagay sila sweetheart" Halata sa mata niya na nasisiyahan siya para sa kaibigan namin.

Tumingin ako saglit sa daan na dinaanan ni Hera at Liam tapos nakangiting bumaling kay Stella.

"Halata naman na gustong gusto mo si Hera para kay Liam sweetheart. Pero forget about them let's focus about us sulitin natin ang araw na to dahil aalis kana" Malungkot kong pagsasalita. Sinakop ni Stella gamit ng kamay niya ang mukha ko tapos tinignan ako ng taimtim sa mga mata ko.

Ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang bewang niya.

"Babalik naman ako. Gusto ko pag bumalik ako mas lalo natin mahalin ang isa't isa" Nakangiting sabi ni Stella. She is so being sweet and charming.

Ngumiti ako at nilapit ko pa lalo ang katawan ko sa katawan niya. Siniil ko ng halik ang kanyang mga labi pagkatapos pinagdikit ko ang noo naming dalawa.

"I love you Stella. Only you" Sabi ko pagkatapos maglapat ng labi namin. Ngumiti siya at pinanggilan ang pisngi ko.

"Ang gwapo gwapo talaga ng heart ko... Tara na nga sakay tayo speed boat ha? Hihi" She giggled tapos lumayo siya sakin at hinila na ako papalapit sa dalampasigan kung saan nandon ang mga speed boat na gagamitin namin papunta sa Villa De Cuevas.

Hidden Love (Completed)Where stories live. Discover now