KABANATA 8

291 10 0
                                    

HERA'S POV

BAGO pa lumalim ang halikan namin kahapon ni Franco sa chopper nagpapasalamat ako na tumunog yung cellphone niya kaya mabilis ko siyang tinulak palayo sakin at nagpatay malisya na parang walang nangyari. Hindi ko na din tinignan ang ekspresyon ni Franco dahil baka maulit na naman at kung saan pa mapunta.

Nung bumaba ang chopper mabilis akong bumaba at nagdirediretso sa unit ko. Simula kahapon iniwasan ko na magkita o magkasalubong kami hanggang ngayon.




"TINA?" Tawag ko sa pansin ni Tina. Lumabas ako saglit sa opisina ko dahil nakaramdam ako ng gutom gosh! Hindi nga pala ako nakapagdinner kagabi at lunch kanina.

"Mam Hera? Ano pong kailangan niyo?" Nakangiting baling sakin ni Tina. Napahawak ako sa tiyan ko tapos nakangiwing napangiti kay Tina.

"I'm so hungry. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom pwede ba makisuyo sayo?" Sabi ko.

"Sure po mam ano po yon?" She asked nicely.

"Ahm pwede bang ikaw muna ang magemail ng mga designs and plan ko sa isang client? Kailangan na daw kasi ngayon e gutom na gutom na talaga ako" Iyak tawa kong sabi. Napangiti at tumango si Tina.

"Sure po Mam nasaan po ba ang laptop niyo?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Nasa opisina ko ikaw na bahala isesend mo lang naman yon" Sabi ko. Tumango siya at ngumiti.

NANG makapasok na siya sa opisina ko kaagad ako naglakad papunta sa elevator habang sapo sapo ang tiyan ko. Grabe kasi talaga ako gutumin alam niyo yon parang may buwaya ako sa tiyan.

Pinindot ko yung down button. Tumunog ang elevator at ganon na lang ang gulat ko ng magkasalubong ang mata namin ni Franco na kahapon ko pa iniiwasan. Gosh ano ba yan ang malas ko dapat tiniis ko na lang gutom ko.

Inayos ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid tapos walang imik na pumasok sa elevator habang hindi pinapansin ang titig ni Franco. Naiilang na ako sa mga titig niya kakainis.

Buti hindi lang siya ang sakay ng elevator kaya medyo kumalma naman ako. Hindi ko na lang siya tinapunan ng tingin wala na ako pakealam kung makahalata niya basta matakasan ko ang munting halimaw na nabuo sa puso ko.

Dahil hindi tama.... Bulong ng isip ko.

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas yung mga sakay... Akala ko lalabas din si Franco pero hindi naiwan siya hanggang sa magsara na yung pinto.

Ngayon kami na lang dalawa ang nandito sa elevator shocks!

"Hera...." Shit! Pinakalma ko ang sarili at bumaling sa kanya na nakangiti.

"Franco? Ikaw pala yan. Sorry di kita napansin" Nakangiting pagsisinungaling ko. Hindi siya ngumiti seryoso lang siyang nakatingin sakin habang nakapamulsa.

"As if hindi mo alam na nakatingin ako sayo kanina pa.... Common Hera iniiwasan mo ba ako?" Puno ng hinanakit na sabi ni Franco tapos yung mata niya nandon yung emosyon na hindi ko na naman mabasa.

I cleared my throat tapos taas noong sinalubong ang tingin niya sakin na para bang may gusto siyang sabihin sakin na para bang nahihirapan siya.

"Of course not... Busy tayo.. Busy ka din naman hindi naman issue kung hindi tayo magkita o magkasalubong man lang diba?" Sabi ko. Pinutol ko na mga gusto ko pang sabihin dahil baka pumiyok nako dahil sa tense.

"Issue yon Hera dahil may nangyari satin ayun yung nakikita kong rason para iwasan moko! Common Hera ---" Galit na sinalubong ko ulit ang mga tingin niya kaya napatigil siya sa pagsasalita.

Hidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon