KABANATA 14

304 7 0
                                    

FRANCO'S POV

NAPANGITI at napatingin ako sa hawak kong bouquet ng flowers and chocolates habang sakay ako ng chopper pabalik sa Isla.

Hindi ko nasaktan si Stella. I feel relieved magiging malaya na kami ni Hera at maayos ko na ang lahat sa amin.

Hindi ako susuko hindi ko susukuan si Hera dahil she deserve to love and fight for.

Tinignan ko ang cellphone ko na ang wallpaper ay si Hera.

"I love you so much darling wait for me i make you mine forever" Bulong ko sa picture niya.

"Sir Franco mukhang nagkakagulo sa Isla" Sabi ng pilot ng chopper na sinasakyan ko.

Kaagad ako kinabahan at napatingin sa ibaba kung saan nagkakagulo ang mga tao sa Isla habang pababa kami natatanaw ko si Simon, Isaac, Alfonso at Diana na parang di mapakali.

Hindi pa tuluyan nakakalapag ang chopper ay bumaba na agad ako habang hawak ang ibibigay ko kay Hera. As a General Manager concern ko ang nangyayari dito sa hotel.

"Kuya Franco ohmygod!" Tumakbo si Diana sakin payakap kaya yumakap din ako sa kanya.

"Hey whats wrong ano problema dito?" Tanong ko. Tinignan ko isa isa ang mga pinsan ko.

"Tol sorry wala kami nung nangyari to nandon kami sa Villa De Cuevas kasi nagyaya si Diana" Sabi ni Isaac. Bago pa ako magsalita ay sumingit na si Tina.

"Sir Franco si Mam Hera po tinangay ni Sir Liam" Tina said. Parang dinurog ang puso ko sa sinabi ni Tina.

"What?! What did he do? Bakit kayo nagkakagulo?" Tanong ko. Kasi halos lahat ng staffs at guard ay nagkakagulo kung sumama lang si Hera kay Liam bakit kailangan nila magkagulo? Hindi kaya....?

"Sir may baril po si Sir Liam. Sumakay po sila sa bangka hindi ko po alam kung saan siya dinala" Parang maiiyak na sabi ni Tina.

Nabitawan ko ang mga hawak ako at ready na bumalik sa chopper ng magsalita si Alfonso.....

"Delikado ka Franco mag isa sasama ako sayo" Sabi ni Alfonso. Tumango lang ako.

"Tatawag kami ng pulis" Pahabol ni Simon. Nagmamadali kami sumakay ni Alfonso sa chopper para hanapin si Hera ko.

Hindi ko mapapatawad si Liam pag may ginawa siyang masama kay Hera. I will kill him.

"Ayon sa detect ko sa cellphone ni Hera nandon sila sa Isla berde yung Isla na masukal pa at wala pang tao. Sunod na Isla malapit sa Villa De Cuevas. Well siguro don lang kaya ni Liam makapunta dahil bangka lang dala niya" Sabi ni Alfonso. Diko siya pinansin dahil kinakabahan ako baka anong gawin ni Liam kay Hera hindi ko siya mapapatawad.

"Paano nakapunta ang hayop na yon dito sa Isla?!" Sabi ko. Agad naman sumagot si Alfonso ready siya sa lahat.

"Base on my research. Matagal na si Liam sa Isla Berde simula nung umalis siya dito sa Hotel De Felicidad" Sabi ni Alfonso. Pinlano niya talaga to tarantado siya.

Wait for me Hera.....



HERA'S POV

UMIIYAK na lang ako at nagdadasal habang tinatali ako ni Liam sa isang puno. Hindi ko na alam kung saan lugar to pero sana naman matunton nila ako.

Sana iligtas ako ni Franco...

"Sssssh wag ka na umiyak Hera ha? Hindi na kita sasaktan pero dyan ka lang sa puno para di ka umalis at tumakas" Bulong ni Liam habang hinihimas ang mukha ko gamit ang baril. Natatakot ako sa pwede mangyari natatakot ako kay Liam.

Hidden Love (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum