Chapter 7

855 24 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at napapaisip sa gagawin ko. So ang mangyayari ay parang mag nanakaw ako ganun?
Hayyyss.. basta kung ano man ang mangyari ngayon para kay Mikey toh. Mahirap man pero wala akong magagawa kundi mag tiwala sa Jonas na yun kahit na nakakapag takang bigla siya nag karoon ng pake kay Mikey.

*tok tok tok*

Binuksan ni Mr.K ang pinto. Bakas sa mukha niya ang lungkot at stress. Nakakaawa naman.

"Ikaw pala. Bakit?"-Mr.K

Alam kong malungkot siya sa mga oras na toh pero pinipilit niyang huwag ako pag buntunan ng galit.

"Hinatiran ko po kayo ng pagkain"-me
"Salamat"-Mr.K

Sabay kuha niya sa bag na dala ko at sara ng pinto. Naiwan naman akong tulala at napanganga. Di ko man alam ang sasabihin ko pero napa katok na lang lamang ako.
Muli nanaman bukas ang pinto.

"Bakit?"-Mr.K
"Puwede ko ho ba kuhaan ng ideya ang unit niyo para sa magiging design ng unit ko?"-me

Shocks ano klaseng palusot yon? Halata sa mukha ni Mr.K ang pag tataka

"I mean. Nasabi kasi sa akin ni Mikey na maganda daw ang pag kakaayos ng bahay niyo"-me

Ayoko na gusto ko na umalis. Nakakahiya pinag sasabi ko.

"May gusto kabang sabihin na mas mahalaga pa diyan?"-Mr.K

Hayyys..

"Kung pag bibigyan niyo po sana ako gusto ko lang po makatulong sa pag kawala ni Mikey"-me

Mabuti naman at naramdaman narin ni Mr.K ang totoong intensyon ko. Pinapasok niya ako sa loob at dun na ako umupo. Di hamak na hindi ito kalakihan kumpara sa unit ko.

"Hinati itong unit para maging office ko at tirahan namin."-Mr. K

Napatungo naman ako at tumingin sa paligid. Ang daming medal at award ni Mikey. May dalawa ring babae pa na nasa family picture nila. Masyado ng luma yung picture pero nakilala ko agad si Mikey at Mr.K dahil parehas na parehas ang hulma ng mukha ng dalawang toh. Napatingin ako sa babaeng katabi ni Mikey sa picture na mukhang mas matanda sa kanya.

"Si ella yan. Ate niya."-Mr. K

ang ganda ng ate niya. Maputi at chinita pero ang payat.

"Nasan na po siya?"-me

Di sumagot si Mr.K baka may issue o kaya patay na.

"Na-na-nasan po ang asawa niyo kung puwedeng malaman?"-me

Alam ko talagang masyado ng out of hands mga tanong ko lalo nat di ko naman kaclose si Mr.K , landlord ko lang naman siya.

"Namatay siya sa pag bubuntis kay mikey"-Mr.K

Sabi na eh patay na. Eh yung ella kaya? Nalungkot naman ako.

"Condolence po"-me
"Maupo ka muna"-Mr.K

Umupo ako at napatingin sa mga photo album sa ilalim ng mesang nasa harap ko. Naalala ko bigla si Jonas.

"Ano nga pala gusto mo gawin para makatulong? Di naman kita pipigilan."-Mr.K
"Amm.. may update na po ba about kay Mikey?"-me
"Nakita siya sa CCTV na lumabas ng unit tapos pumasok din. Di na siya nakitang lumabas pa pero wala na siya sa bahay. Ibig sabihin nilabas siya sa bintana dito"-Mr.K

Sabay bukas ni Mr.K ng isang pinto. Napatayo naman ako at sumilip dun. YUN. Eto yung kwarto ni Mikey. Wala na yung kumot pero andun pa ang ibang gamit.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now