Chapter 22

506 7 0
                                    

(Jiyo Povs)
Nakasalong baba si Jonas habang nakatulala sa TV na hindi naman naka bukas. Mag isa siya sa sala at di ko nanaman alam kung bakit siya lutang.

"Psst hoy"-me

Sabay upo ko sa tabi niya kaya umayos siya ng pag kakaupo at sumandal sabay cross arms. Di pa nga ako nag sasalita parang badtrip na siya.

"Ano yung sinasabi sa akin ni Jason na paalis na daw siya ngayon?"-me

Di lang siya nag salita. Mukhang alam niya na ang tungkol dun.

"Hoy kinakausap kita. Saan siya pupunta?"-me

Tumingin lang siya sa akin at sinampal ako ng mahina.

"Bumili kana lang ng puwedeng makain"-Jonas

Sabay lakad niya paakyat.

"Parang tanga."-me

Lumabas ako ng mansyon at nakita ko si Up na nakatambay sa taas ng punong narra sa likod ng mansyon ko.

"Up."-me

Pagkatawag ko sa kanya saka siya tumingin sa akin.

"Oh?"-Up
"Anong problema ni Jonas?"-me
"Ahh yun ba? Pinag hiwalay kasi sila ng  family niya. Kinukuha na si Jason ng tita niya na nasa ibang bansa. Balak sana kausapin pa ni Jonas pero hayop ngayon na pala aalis. Sa message lang man nag paalam si baliw"-Up
"ANO?!"-me

What the hell?

Akala ko aalis lang na pupunta sa school o kaya papunta dito. Aba gago yun ah.

"Hindi puwedeng ganun. Halika sumama ka sa akin"-me
"Bakit? Pipigilan mo?"-Up
"Hindi. Nanakawin natin"-me

Sabay lakad ko paalis at rinig ko naman ang pag kalampag mula sa likod ko.

"Ouch"-Up
"Kung saan saan kasi umaakyat"-me

Ginamit namin ang sasakyan ko at saktong dumating si Jonas sabay katok sa windshield ko kaya binuksan ko ito.

"Bibili na kami ng pagkain"-me
"Sama ako"-Jonas
"Maiwan ka dito walang mag babantay nasa court sina Taya."-me
"Iwan mo na lang si Up dito ako na lang isama mo"-Jonas
"Ayoko kasama ka. Bibili na lang ako pag kain mo"-me
"BigMac ah"-Jonas

Sinara ko na ang windshield. Tss paano niya nagagawang umasta ng ganun eh ilalayo na ang kambal niya sa kanya. Alam kong nasasaktan na siya ng sobra at tinatago niya lang. Feeling strong talaga yun kahit kailan.

(Jason Povs)
Mag isa akong nag aabang kay Jonas sa 7/11 bago ako umalis. Gusto ko siya makausap dahil alam kong masama ang loob niya sa akin at ayoko ng mag hiwalay kami ng ganun.

"Nakapatay pa ata cellphone niya"-me

Nadismaya naman ako. Tumakas pa naman ako sandali sa bahay para lang makipag kita sa kanya.

"Grabe nga yung kinamatay niya eh kinain siya ng zombie"

Napatingin naman ako sa dalawang lalaking nag uusap na pumasok sa loob. Napatingin sa akin ang isang lalaki na di katangkaran.

"Ah...."

Huling buka ng bunganga niya at parang gulat na gulat siyang nakita ako. Di ko naman siya kilala. Baka galing siya sa Klaydom Univeristy at alam niyang kaibigan ako nila Jiyo at kapatid ko si Jonas.

Di ko alam pero habang tinitignan ko ang mata ng lalaking yun ay nawiwirduhan ako. May kakaiba sa kanya na di ko masabi. Never ko siya nakita dati pero bakit parang mag kakilala kami?

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now