Chapter 49

445 12 0
                                    

(Daniel Povs)
Mag iilang minuto na ata nasa labas si Marie. Naka order na kami lahat lahat ni Jasmin at halos di na nga nakapag hintay etong kasama ko at kumain na.

"Sandali"

Tumayo ako sandali sa kinauupuan ko at lumabas. Obligasyon ko si Marie na bantayan dahil ayun ang huling hiling sa akin ni Jonas pag katapos niya sabihing di na nila ako papakailaman pa kahit kailan.

"Marie?"-me

Pag labas ko sa canteen ay napatingin ako sa paligid. Tanging mga studyante lang na nag lalakad at nag uusap usap.

Asan na yun?

Mag lalakad sana ako papunta sa room namin pero agad ako napatigil ng may napansin akong kung ano sa basurahan na naka bukas.

Cellphone ni Marie toh ah

Dinampot ko ito at pinasadahan ng tingin. Kay Marie nga. May missed call pa kay Jonas.

"Shit"-me

Agad ako tumakbo papunta sa room namin at mabilis na kinuha ang gamit ko pati narin ang gamit ni Marie.

*kriing kriing*

Nag riring nanaman ang cp ni marie. Tumatawag si Jonas. Agad ko naman eto sinagot.

(On call)
"Gago kaba? Bakit di mo sinasagot kanina? Pinapakaba mo ako"-Jonas
"Jonas"-me
"Teka..sino toh?"-Jonas
"S-s-si Marie nawawala yung cellphone niya nakita ko sa basurahan"-me
"ANO?!"-Jonas

Agad na end call ang tawag.

"Tangina"

Patay ako neto kila Jiyo nanaman. Daniel naman kasi bakit lagi kana lang tatanga tanga. Nakakainis.

Tumakbo ako palabas ng room namin at kung minamalas ka nga naman nakasalubong ko pa si Mr.Tapang

"Yes Mr.Velazquez? what's with that bags? Are those things of Ms.Woller?"-Mr.Tapang

Badtrip naman tong bakla na toh oh. Sasapukin ko na toh eh. Mapapahamak ako sa pakikialam niya. Shit talaga. Baka mamaya alam na ni Hansel na kakampi na ako nila jiyo.

"Sorry sir I need to go"-me

Sabay iwas at takbo ko paalis.

"Heeey!"

Di ko na nilingon si Sir. Shet naman kasi sino kayang kumuha sa kaniya?

"Daniel"

Nakasalubong ko si Up ng makalabas ako ng building ng school.

"Nawawala si Marie."-me
"ANO?!"-Up

Agad akong tumakbo papunta sa motor ko at siya namang sunod sa akin ni Up at sakay din sa motor niya.

"Paanong nawawala?"-Up
"Di ko alam. Basta nakita ko na lang yung cellphone niya nasa basurahan at di ko na siya nakita"-me
"Shit. Baka sila ang kumuha"-Up

Napakunot ako ng noo at tinignan si Up

"Sino?"-me
"Di mo ba alam na nakalaya si Chaeyoung kagabi lang? Pumunta ako dun para icheck kung ano na balita sa kaniya at sabi pineyensahan siya ng tito niya"-Up
"Si Edgar Larmiento?"-me
"Oo ganun na nga."-Up

Nag maneho na kami paalis ng school.

"Saan tayo didiretso?"-me
"Dumaan ka kila Jiyo. May pupuntahan ako"-Up

Sabay iba ng daan ni Up. Sinunuod ko na lang siya at dumiretso na ako kila Jiyo kahit na alam kong tatadtarin ako ng mura at baka may halo pang pananakit.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now