Chapter 8

802 19 1
                                    

Nakakatakot man ay inantay ko talaga mag dilim bago ako makalabas. Lumabas ako ng apartment at tumingin sa paligid. Wala ngang CCTVs. Nag tungo ako sa daan kung saan dumaan si Mikey saka yung kumuha sa kanya sabi ni Mr.K.
Andun parin yung phone. Nalaglag ata nung dinala si Mikey. Kinuha ko yun at agad umalis duon. Dumaan muna ako sa 7/11 at bumili ng pagkain.

"Miss dito na lang po tayo sa kabila"-cahsier

Di ko napansin na di pala available ang cashier sa pinipilahan ko. Bago pa man ako lumipat dun ay may naka bungguan ako na lalaki na mukhang mag babayad din.

"Sorry"

Sabay naming pag kakasabi. Napatitig ako sa mukha niya. Parang...

"Sorry miss. Sige mauna kana"

Ani nung lalaki. Natauhan naman ako bigla.

"Huh? Amm. Ano sige hindi. Mauna kana"-me
"Sige salamat nag mamadali kasi ako eh"

Base sa istura niya ay mukhang mabait siya at maamo. Bagsak ang buhok niya at matingkad. Para siyang korean o japanese pumorma. Naka eyeglass at naka jacket habang naka fited pants. Siguro kung wala akong iniisip na krimen sa mga oras na toh at nasa tamang pag iisip ako siguro na love at first sight na ako dito.

"Sige ikaw na"

Sabay ngiti niya sa akin at labas. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa sumakay na siya sa bike niya at umalis.

"Maam"

Natauhan naman ako. Oo nga pala mag babayad ako. Nilapag ko na ang mga oorderin ko.

"Kilala niyo po ba yun?"-me

Di ako malandi ah. Para lang kasing may something sa lalaking yun.

"Di ko po alam pangalan niya pero lagi po siya dito kasama yung kambal niya"-cashier

Napa wow naman ang bunganga ko. May kambal siya? Aba doble pogi. Suwerte naman ng pamilya nun

"Yung kambal niya kabaliktaran niya"-cashier

Tinawag ang cashier na yun ng isang staff. Binilisan niya ang pag balot at pag sukli sa akin.

"Eto na po"-cashier

Sabay alis neto. Kinuha ko yun at umalis. Di ko muna inisip yung pogi kanina. May pogi rin naman sa room which is si James. Pero iba yung charisma nung lalaki kanina kumpara kay James. Si james parang nakakaumay yung ka gwapuhan pero yung lalaki kanina tila husband material na ang sarap tignan tuwing nag luluto o nag lilinis. PUWE ano ba tong iniisip ko?

Pag dating ko sa bahay ay naligo na ako at saka pumwesto sa kama. Inopen ko ang laptop ko at nanuod ng movie habang kumakain. Di ko pinatay ang ilaw dahil gusto ko tignan ang larawan nina mikey. Karamihan ay puro bata pa siya at lagi kasama ang ate niya. Maganda ang ate niya, cute si mikey. And ganda ng lahi nila habang ako eto wala na ngang kapatid mukha pang patatas.

"Ella & Mikey birthday"-me

Pag kakabasa ko sa isang picture dun. Birthday nila? Mag ate ba sila o kambal?
Tinignan ko pa ang picture. Nangilabot ako sa nakita ko.

"Namatay siya sa pag bubuntis kay mikey"

Alalang alala ko pa yun na sinabi ni Mr.K. duhh tanga ba ako? Bakit ngayon ko lang naisip? Kung namatay yung nanay nila nung pinag buntis si Mikey edi dapat wala siya sa pictures kanina saka sa mga pictures ngayon kasama si Mikey.
Naritong buhat buhat pa nung nanay niya si Mikey, pinapaliguan, sinusubuan tapos kung ano ano pa.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now