Chapter 33

448 13 0
                                    

Sumunod naman ako sa kaniya. Pumunta kami sa canteen at umorder saka umupo

"So...Ilang taon kana?"-Chaeyoung
"Parehas lang tayo"-me
"Wow. Amazing. Feel ko mag kadugo tayo"-Chaeyoung
"Half korean ka? Ibig sabihin pure korean ang mother mo tapos ang father mo half russian half filipino?"-me
"Exactly dear. Ikaw?"-Chaeyoung
"Pure Filipino ako base sa certificate ko pero sabi ni dad may konting ibang lahi daw kami pero di ko alam kung anong bansa."-me
"Ahh.. feel ko talaga mag kamag anak tayo kasi yung dad ko may kapatid pa na isang lalaki pero matagal na daw sila hindi nag kikita."-Chaeyoung
"Ahh siguro nga noh? Gusto ko mameet family mo"-me
"Feels great. I hope that will happen. Kaso nasa Russia sila eh."-Chaeyoung
"Ganun ba? Baka kilala ka ng dad ko. Malayo kasi kami sa mga kamag anak eh."-me
"Why?"-Chaeyoung
"Ewan kay dad"-me
"TAMA NA!"

malakas na kalabog ang narinig namin kung saan kaya agad kami napatingin duon. Nag kakagulo ang mga tao kaya naman napatayo narin ako.

"What's that?"-Chaeyoung

Agad kami nag tungo duon at nakipag siksikan. Nakita namin si Jonas na naka patong kay Daniel na nakahiga sa sirang lamesa.

"Traydor ka! Subukan mong wag mag salita!"-Jonas
"Uy Jonas"-me

Kitang kita ko kung paano sana kukunin ni Jonas ang baril sa tagiliran niya pero masyadong maraming tao at baka mamaya makulong pa siya pag nalaman ng iba na nag dadala siya ng baril sa school.

"Jonas wag mo itutuloy"-me

Napatingin din siya sa akin. Masyado ata siyang nawala sa kontrol kaya di niya na namalayan na maraming tao. Agad siya tumayo at tumingin sa paligid. Ikaikang bumangon si Daniel at maraming pasa sa mukha.

"Wag mo susubukang tumakas"-Jonas
"Teka wait"

Lumapit si Chaeyoung kay Daniel

"Ayos ka lang?"-Chaeyoung

Agad siya tinulak ni Daniel palayo.

"ANO PANG TINITINGIN TINGIN NIYO?!!"-Jonas

Agad nag alisan ang mga studyante sa paligid namin at nag balikan sa mga gawain nila.

"Traydor ka. Wag na wag ka aalis sa panigin ko kung ayaw mong patay--"-Jonas

Agad pinigilan ni Jonas ang sarili niya dahil nasa iskwelahan siya.

"Mukha paba akong makakatakas sa lagay ko?"-Daniel

Agad siya hinila ni Jonas paalis duon.

Naku po wag naman sana sila mag patayan

"Who is that girl ba?"

Galit na galit na lumapit sa akin si Chaeyoung

"Kilala mo si Daniel?"-me

Sino ba tong babaeng toh? Baka mamaya kasamahan din nila Hansel toh.

"Answer me...teka wag mo sabihin yung boyfriend nung babaeng yun na tinutukoy mo ay si Daniel? OMG! Noway! She is so aggressive. She can't have Daniel. She doesnt deserve him. I am more deserving"-Chaeyoung

Inis siyang umalis. Gaga ba siya? Bakit naman jojowain ni Jonas si Daniel? Mas maniniwala pa ako kung si Jiyo at Jonas ang may secret relationship kesa kay Daniel na yun.

Tumakbo ako palapit kay chaeyoung at hinila siya pabalik.

"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta."-me
"How dare her to hurt my Daniel?"-Chaeyoung
"Wag ka ng lumapit dun baka madamay kapa"-me

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now