Chapter 30

539 11 0
                                    

Kasama ko si ate, si jason saka si marie ngayon sa silid ni Jonas.

"Di ko na tinapos yung video. Pakiramdam ko ako yung binababoy"-ella

Ani ni ate kaya naman nalungkot ako. Napuno ng galit ang puso ko para kay hansel.

"Mag babayad rin sila sa mga kasalanan nila"-Jason
"Tama"-Marie

Tumungo naman si ate bilang pag sang ayon.

"Wag na muna natin pag usapan sila. Ahh... saka nga pala binabalak nina Jiyo pumunta sa russia"-ella
"Huh bakit?"-me&marie
"Dun nila nakita ang mga larmiento"-ella
"Huh? Ano?"-me

Gulat na gulat ako sa sinabi nila. Paanong doon? Hindi maari. Nasa iskwelahan sila.

"Papaano? Ang alam ko nasa school sila. Nag aaral dun si Hansel saka nag tuturo ang tatay niya"-me
"Matagal na simula nung umalis sila"-Jason
"Hindi... nag kita pa nga kayo marie diba?"-me

Sabay tingin ko kay marie. Umukit ang malaking katanungan sa mga mukha nila at naiwang nakatingin sa akin.

"Hindi..."-me

Hanggang sa may naalala ako.

(Flashback)

"Nasaan ang ate mo?"-papa

Inis na inis akong umiiwas kay papa sa kusina dahil kanina niya pa ako kinukulit tungkol kay ate.

"Mikey ano?"-papa
"HINDI KO ALAM!"-me

Bakit ba ako ang kinukulit niya? Ano bang alam ko? Wala akong alam nasa kuwarto lang ako mag damag.

Umalis ako sa kusina at tumakbo papunta sa kuwarto ko sabay sara ng pinto. Iyak ako ng iyak habang nakayakap sa mga unan ko. Naalala ko yung huling araw na halos mag hahating gabi na ako umuwi at nakita ko sila papa at ate sa sala na masayang nag kukwentuhan habang nanunuod ng TV. Wala silang pake alam kung nasaan man ako o anong nagaganap sa akin. Pero pag si ate ang wala pa ay parang lumalabas na kasalanan ko pa.

*kriing kriing*

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa unan at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Tsk"-me

Inend call ko yun ng makita ko ang pangalan ni ate.

"Bahala ka sa buhay mo"-me

Inis na inis ako kay ate.. gusto ko na siyang mawala sa totoo lang. Dati nung mga bata kami at buhay pa ang step mom ko ay ayos lang ang lahat. Pero simula nung lumaki kami at masyado siya naging masipag sa pag aaral ay halos sa kaniya na lang napunta ang atensyon ni papa. Akalain mo nga naman na yung step mom ko pa na namatay dahil kila Hansel ang mas nag mamahal sa akin kesa sa tunay kong ama..

*kriing kriing*

Muli kong tinignan ang phone ko at ngayon ay si Daniel na kaibigan ni Hansel na ang tumatawag.

(On call)
"Hello?"-me
"Mikey. Nasaan ka?"-Daniel

Rinig na rinig ko ang malakas na buhos ng ulan sa kabilang linya kaya napa tingin ako sa bintana..may bagyo ata.

(On call)
"Nasa bahay ako bakit?"-me
"Kailangan kita makausap tungkol sa ate mo"-Daniel

Sa di inaasahang dahilan ay agad ako napabangon sa higaan ko. Bigla na lang lamang ako nakaramdam ng kaba.

(On call)
"Ba-ba-bakit?"-me
"Magkita tayo sa labas ng coffee shop malapit sa university"-Daniel

Sabay end call niya.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now