Chapter 28

442 13 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan ni ella. Tatlo kami dito sa likod nina ella at jason habang si Jonas ay nag mamaneho at nakaupo si Jiyo sa harap.

"Parang di ka naman marunong mag drive"-Jiyo
"Amm Jonas dahan dahan baka mabangga tayo. Masyadong mabilis"-Ella
"Parang motor lang toh"-Jonas

Motor? WTF? Ang layo layo ng way ng pag mamaneho ng motor sa kotse. Wag niya naman imaneho na parang siya lang ang nakasakay.

"MABABANGGA TAYO MABABANGGA TAYO!!"-Jiyo

Sigaw ni Jiyo sabay lagay ng sitbelt. Napa sigaw kaming tatlo sa likod ng may makasalubong kaming truck.

"Punyeta"-Jonas

Sabay iwas ni Jonas dun at patuloy sa pag mamaneho. Nakahinga naman kami ng maluwag.

"Jonas naman"-me
"Wag mo kami patayin!"-Jiyo
"Nahihilo ako. Parang nasusuka ako itigil mo"-Jason

Napatingin naman kaming tatlo kay Jason except kay Jonas na nag mamaneho.

"Parang awa mo na tiisin mo yan!"-Jiyo
"Ang sakit ng tiyan ko kakatapos ko lang kumain"-Jason
"Dahan dahan lang kasi jo--"

Di na natuloy ni ella ang sasabihin niya ng biglang huminto ang sasakyan at nag lag lagan kami sa likod sa mga upuan namin habang si Jiyo ay nasakal sa sitbelt niya .

"Andito na tayo tara na"-Jonas

Sabay labas ni Jonas ng sasakyan.
Napahawak kami sa katawan namin sa sobrang sakit ng lumabas kami ng sasakyan habang si Jiyo ay umuubo ubo at hawak hawak ang leeg niya.
Tuluyan ng nasuka si Jason sa basurahan.

"Dapat pala kotse ko na lang ginamit para ako na nag maneho"-Jiyo

Hiniram kasi nila Taya ang kotse niya

"Bakit buhay naman kayo huh?"-Jonas

Gustong gusto namin sagutin si Jonas pero baka sigawan lang kami.

"Eto naba yung school?"-Jason

Sabay lapit ni Jason na parang nahihilo pa.

"Kaya mo pa ba?"-ella
"Sasama kapa ba? Baka mahilo ka pa lalo"-me
"Hayaan mo siya mag suka sa school"-Jiyo

Susugurin pa sana ni Jonas si Jiyo kung di lang siya inawat ni Jason.

"Ayos lang ako. Tara na"-Jason

Nag simula na kami mag lakad papunta sa gate ng school.

"Sino kayo? Bakit wala kayong mga ID?"-Guard

Napa hawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala.

"Kuya mag eenroll po kami"-ella
"Ahh ganun ba? Dun ang office"-Guard

Napanganga ako at napatingin kina ella. Shocks pinapapasok na kami.

"Salamat po"-ella

Nakapasok na kami.

"Ang galing mo"-me

Sabay kapit ko sa braso ni ella at nginitian niya lang ako. Bakit ganun? Ang uutak nila mag kakaibigan?

"Walang pinag bago"-Jiyo

Napatingin sa paligid si Jiyo,Jason at ella. Oo nga pala dito sila nag aral dati saka sina Up.

"JONAS!!!"

Nagulat kami sa boses na narinig namin.

Shocks si Jasmin

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now