Chapter 26

451 10 0
                                    

Hiyang hiya ako kina Jonas saka Jason ng makarating kami sa unit ko. Titig na titig sila sa higaan ko na halos ako lang ang kasya at talagang wala pa sa kalahati ng kama ni Jonas.

"Amm... siguro dun muna ako matutulog sa bahay ng isang kakilala ko mukhang di tayo kasya dito eh"-me

Di naman sumagot si Jonas saka Jason. Siguro nag dadalawang isip narin sila kung matutulog pa sila dito oh hindi. Kakahiya naman.

"Dont worry babalik din ako dito ng maaga bukas. Kayo na bahala kung saan niyo gusto matulog"-me

Kinuha ko ang bag ko at umalis dun. May tiwala naman ako kay Jonas na alam niyang babalik ako at alam kong di niya naman siguro susunugin ang unit ko.
Tumingin ako sa orasan at na stress ako nung nakita ko ang oras. Lagpas 2am na pala. Tapos wala pa akong tulog at may pasok pa ako bukas.

*tok tok tok*

Nakita kong bumukas nang bahagya ang kurtina sa bintana ng hardware na kinatukan ko. Binuksan ni Mikey ang pinto.

"Oh... ano nangyari? Anong oras na ah"-Mikey
"Mahabang kuwento Mikey. Puwede ba ako matulog dito?"-me
"Tara pasok"-Mikey

Pumasok ako dun at nakita ko si Ella na natutulog na sa sofa. Bali sa sofabed natutulog si Ella at si Mikey sa kama.

"Ikaw na lang sa higaan ko."-Mikey
"Pahiram na lang ako siguro ng unan saka kumot. May titignan pa kasi ako baka mga alas tres na ako makatulog."-me
"Oh sige."-Mikey

Pinag latag ako ni Mikey ng kutson at linagyan ng unan saka kumot.

"Ok lang ba na nakapatay ang ilaw"-mikey
"Oo"- me

Bumalik na si Mikey sa higaan niya at nilabas ko ang laptop ko sa bag ko saka ang aking earphone.

"Anong aasikasuhin mo Marie? Project sa school?"-Mikey

Kinuha ko ang Hard Drive ni Jonas sa bag ko at sinaksak sa laptop ko.

"Amm.. hindi may che-check lang ako."-me

Lumabas na ang device at agad ko toh kinlick. Iisang folder lang ang andun at nakapangalan sa folder ay HLE
Binuksan ko yun at may dalawang video. Yung isa corrupted at ang isa ay mukhang gumagana. Hinanda ko ang sarili ko para sa video na mapapanuod ko. Huminga pa ako ng malalim at nag sign of the cross bago iclick yun dahil mukhang mahalaga.

"Ok marie ready"-me

Bulong ko sa sarili ko at saka ko pinlay yun

(Video clip)
Nasa isang kahuyan at may mga lalaking nakaharang sa camera at nag lalakad.

*laughing together*

"Sino ba kayo? Pakawalan niyo na ako parang awa niyo na. Bigyan niyo ako ng pag kakataon makausap ang mga anak ko saka ang asawa ko"

Sambit ng isang babae na nakatali ang nga kamay sa likod at tinutulak ng pinaka nasa harap para makapag lakad. Puro galos na ito at punit punit ang damit. Nakatalikod at napaka tangkad saka maputi.

"Paanong nangyari na pareparehas kayo mukhang masasarap ng mga anak mo?"

Sabi nung nag vivideo na pamilyar sa akin ang boses. Napatakip ako ng bibig ng itulak nila ito ng malakas sa isang puno at humampas eto doon at saka bumagsak. Nagulat ako sa nakita ko.

Siya yun..oo siya yun...

Yung nanay ni ella na sinasabi nila Mikey na pinatay nila Jonas.

"Batang bata itsura kahit may edad na"

Banggit nung isang lalaki. Ang sabi ni Mikey sila Jiyo ang nasa video pero hindi naman. Di ko kilala ang mga ito.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now