Chapter 44

425 15 0
                                    

(Jonas Povs)
Kinagabihan ay nag tungo na kami nina Jiyo,Up,Taya,Seun at Dane sa sinasabi nilang bahay ng mga larmiento. Hininto namin ang aming sasakyan ilang metro mula sa bahay upang hindi ito mahalata.

"Up. Ano handa kana?"-Jiyo

Tumungo si Up at saka na ito lumabas suot ang black na coat niya.

Sumenyas sa akin si Jiyo at saka naman ako lumabas. Ako ang naatasang maging bantay ni Up sa pag pasok niya sa bahay at maging taga update sa bawat isa sa kanila. Umikot ikot ako sa mga puno at kitang kita ko kung gaano kabilis na nag tago si Up ng may dalawang bantay na dumaan at nag uusap.

"That car are always been here. What do you think about it?"
"I dont know. Lets try to check"

Agad ko minessage sila Jiyo na umalis at sakto namang umalis na ang sasakyan. Ngayon kami ni Up ang maha-hustle kung sakaling mahuli kami.

"They leave"
"Do you think they are a spy?"
"Spy from whom?"
"I dont know but maybe from the family and friends of our hostage"

Hostage? Si Ella ba yun? Confirm buhay si Ella.

"If they comeback again I think we had to do something"
"Like telling it to Mr.Larmiento?"
"Maybe yes."

*whistle*

Nakita ko si Up sa ibabaw ng bubong ng bahay at sumipol eto. Sumenyas siya sa akin na pumunta sa kabilang area ng bahay.
Tahimik akong nag iikot sa mga Puno at  umiiwas sa mga CCTV na sinasabi nina Seun at Dane

Pag lipat ko sa kabilang area ay nakita ko ang isang bantay na nakatayo sa isang bintana na balak pasukan ni up

(On text)
"Anong gagawin ko?"-Up
"Mag isa lang ba sa loob?"-me
"Di ko alam. Di ko puwede silipin makikita ako"-Up

Di ko alam ang dapat gawin at sabihin. Nakasilip pa sa bintana ang nag babantay at tumitingin sa paligid

(On text)
"Kukunin ko ang atensyon. Bilisan mong sumilip"-me
"Copy"-Up

*whistle*

Sumipol ako ng mahaba hanggang sa mapatingin sa gawi ko ang bantay. Agad itong umalis sa puwesto niya ng mag tama ang panigin namin sa isat isa.

(Up Povs)
Langhiyang Jonas yun pinapahamak yung sarili niya.

Agad ako sumilip sa bintana at wala ng tao sa loob. Mabilis akong pumasok dun at nag kabit ng camera.  Lumabas ako sa kuwartong yun at bumungad sa akin ang hallway na napaka laki. Balita ko wala daw na detect na CCTV si Seun at Dane dito kaya naman dali dali akong lumabas. Ngayon ay pinag iisipan ko kung paano ko ichecheck ang bawat silid dahil mahirap na pag--

"Sino yun?"

(Jiyo Povs)
Alalang alala ako kung ano na nangyayari dun sa dalawa. Masyado na kaming malayo dun sa bahay at di namin sila natatanaw.

"Jiyo may isa ng camera ang nakabit"-Seun

agad ako tumingin dun.

Isang bakanteng kuwarto lamang na may bukas na bintana at alam kong si Up ang pumasok dun. Kamusta na kaya si Jonas?

"Lalabas ako"-me
"Huh? Bakit?"-Dane
"Masyado tayong malayo sa kanila paano pag may nangyari na kay Jonas sa labas?"-me

Agad ako lumabas ng kotse at tumakbo sa kahuyan.

(Maries Povs)
Bumangon ako sa kama kung saan katabi ko si Mikey na natutulog.

Andiyan na kaya sila Jonas?

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now