Chapter 31

452 10 1
                                    

(Jonas Povs)
Bigo kami na mahuli ang mga larmiento dahil tuluyan na silang naka alis sa tinitirahan nila at sabi sabing ilang oras na daw nang umalis sila.

Pabalik na kami ng makatanggap ng mensahe si Jiyo dahilan para lahat kami ay mag panic

"Kukunin daw nila ulit si Ella"-Jiyo

Mangiyak ngiyak si Mikey habang naka angkas sa motor ko. Di ko alam kung paano siya patahanin. Alam kong masakit sa kaniya na malamang muling mawawala sa kaniya ang kapatid niya.

"Tumigil ka"-me

Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Na didistract ako at ayoko nang may umiiyak sa paligid ko.

"Sinabi nang tumigil kana"-me

Hininto ko ang pag mamaneho ng motor ko at nilingon siya.

"Di kaba titigil?"-me
"Akala ko nag bago na siya.. akala ko wala na siyang problema.. bakit ang ate ko nanaman ang pupuntiryahin niya? Ayoko ng mawala si ate"-Mikey

Tinignan ko lang siya habang umiiyak.

"Hindi na makakatakas sa atin ang nga larmiento tandaan mo yan. Basta lagi mong isipin, yang tiwala mo sa amin mo lang ibibigay"-me

Huminga ako ng malalim at saka nag maneho paalis. Tumigil naman siya pero ramdam kong humihikbi hikbi parin siya sa likod. Maya maya pa ay nakarating na kami sa mansyon at kami ang huli na nakarating. Sira na ang gate pati narin ang pinto. Agad na tumakbo papasok si Mikey dahilan para mapatakbo rin ako at sundan siya. Nakita naming nag kakagulo sila Jiyo sa taas kaya agad kaming nag tungo dun.

"Jonas wag ka lalapit"-Seun

Di na ako nag patinag at agad na ako pumunta dun. Nakita ko si Jason na nakahandusay at walang malay na naliligo sa dugo.

"JASON!"-me

Agad ako lumapit dun at tinapik ang pisngi niya.

"Jason Jason gumising ka"-me

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si marie na umiiyak sa sulok habang si Up ay walang malay na inaasikaso nila Jiyo.

"Ahhhh"-me

Inis na inis ako na umalis dun dala ang katawan ni Jason. Saktong pag labas ko ay may nag datingan na ambulansya at sinalubong ko sila.

"Jason... please..wag kang mawawala."-me

Agad na nag labas ng stretcher ang ambulansya at inilapit sa amin.

"Yung kambal ko please.."-me

Pinatong ko siya agad dun at agad naman siya inasikaso ng mga medic.
Halos mabaliw ako kaka ikot ikot at kakalakad habang tinitignan si Jason na nag aagaw buhay. Tumutulo ang luha ko at sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit ako nag tawag sa diyos.

Panginoon ko, wag niyo po pababayaan si Jason. Mahal na mahal ko po yung kambal ko. Wag niyo po siya kunin sa akin. Kahit ako na lang po. Ilipat niyo sa akin ang lahat. Wag si Jason parang awa niyo na.

"Jonas pasensya na"

Umiiyak na lumapit sa akin si Marie sabay yakap ng mahigpit.

"Sinubukan niya kami ipag laban ni Ella pero nabigo siya.. kinuha nila si ella"-Marie

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Mikey na umiiyak sa lupa at pinapatahan nila Dane.

"AHHHHHHH"-me

Inis na inis akong tinulak si Marie palayo ay sinuntok suntok ang lupa sa inis.
Unang beses ko yun na makita si Jason na ang aagaw buhay na siyang kinatatakutan ko. Mas matindi pa ang galit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa nararamdaman ko noon.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now