Chapter 46

424 12 0
                                    

(Jiyo Povs)
Sa ilang oras ko na pag hahanap sa kakahuyan ay bumagsak ang katawan ko sa lupa ng makita ko ang isang bagay.

"J-j-jonas"-me

Nakita ko ang isang bagay na alam kong pag mamay ari ni Jonas. ang baril niya at ang singsing na binigay ko sa kaniya nuong kaarawan nila ni Jason.

"H-h-hindi"-me

Naiyak na lang lamang ako dahil napalilibutan ng dugo ang singsing na iyon.
Nag vibrate ang phone ko pero agad din itong namatay dahil lowbat na.

"AHHHHHHH"

Inis na inis ako na sinuntok ang isang puno habang hawak hawak ang singsing saka ang baril na iyon. Sana pala sinundan ko na siya simula palang. Bigo ako na protektahan siya kahit na ilang beses niyang sabihin sa akin na kaya niya ang sarili niya.

Tila wala ako sa sarili na bumiyahe pauwi ng hotel na tinutuluyan namin na naging dahilan pa para pag usapan ako ng mga tao sa paligid. Wala ng bala ang baril na iyon kaya dahan dahan nabubuo ang mga kurokuro sa isip ko na kinatatakot ko.

*ding dong*

Bumukas ang pinto ng hotel na tinutuluyan namin. Nakangiti sila. Masayang masaya sila.

"Buti naman at nakarating kana"-Taya

Inis na inis ako na tinulak si Taya palayo at saka pumasok. Laking gulat ko ng makita ko ang isang di kilalang lalaki na nakagapos at kaharap ni Up. Sa isang banda at di ako makapaniwala sa nakita ko.

"Jonas?"

Wala siyang malay at puro benda ang kamay at may dugo ang damit. Agad ako lumapit dun.

"Jonas???"

Sabay tapik ko sa pisngi niya.

"Dumating siya kanina dala yang lalaki na yan. Mukhang matindi yung naging labanan nila"-Jason

Napaluhod ako at napahinga ng malalim. Tangina. Akala ko wala na siya. Akala ko kung ano ng nangyari.

Napatingin ako sa lalaking iyon at saka lumapit sabay sapak dito sa mukha.

"Bwisit ka"-me
"Jiyo mag pahinga ka nga muna"-Taya

Sabay hatak sa akin ni Taya paupo. Nakita ko pa si Ella na nasa loob ng isang kuwarto at nakahiga kasama si Mikey saka Marie.

"Ayos na ang lahat"-Up

Napatingin ako sa kanila at tinignan sila isa isa.

"Ayos na? Paano niyo nasabing ayos na? Eh buhay pa yung mga larmiento? O kaya di pa sila nakukulong"-me

Nag tinginan sila sa isat isa. Mukhang may mga pinag usapan sila habang wala ako.

"Ano?"-me
"Nangako ako sa kanila na ibibigay nila sa atin si Ella at ibibigay naman natin sa kanila si Chaeyoung na pinsan ni Hansel"-Up
"Yung babaeng gusto kumuha kay Marie,Jonas saka Jason?"-me
"Siya nga. Nasa pilipinas siya ngayon. Hawak ni Daniel"-Up

Napahinga ako ng malalim sabay tayo at dahan dahan na lumapit kay Up.

"Initindi ko yung sitwasyon ni Daniel at pinag bigyan kayo sa naging desisyon niyo na pag bigyan siya mabuhay at manahimik kahit na tinraydor niya tayo dati. Ngayon.... yung babaeng gusto kumuha sa mga kasama natin ay hinayaan niyong makasama ang lalaking matagal niya ng nakasama na kahit anong oras ay puwede niya utuin para makalaya. Pinag bigyan ko rin kayo dun. Pero ngayon... yung papalayain natin siya at ibibigay sa mga larmiento kapalit ni Ella? Gago kaba?"-me

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now