Chapter 3

14.9K 516 24
                                    

Zoe

"Kabagin ka sana! " sabay irap sa bff kong walang tigil sa kaka tawa sakin.

Kanina pa yan eh nung nasa kumbento pa kame lagi akong inaasar.

"Best nman kasi....... Ang epic talaga ng mukha mo kanina, kung makita mo lang itsura mo para kang naluging instik eh. "

Diko na lang siya pinansin,  tumutok na lang ako sa laptop dahil gumagawa ako ng report ko dahil dito nakasalalay ang last school year ko.  I'm taking B.S Accounting,  while itong bestfriend ko ay isang future designer.  Pareho sana kame kukuha ng course kaso si Daddy ang nag d'side na accounting kukunin ko,  alam nyo na next heir ng mga Villamor.

"Alam mo best...... " sumandal ito sa likod ko at inilagay ang baba sa balikat ko.

"Sa totoo lang nanghihinayang din ako sa Ayesha na yon,  ok aaminin ko lakas ng karisma nya...... Pero best di kayo talo,  madre pala un eh hahahaha. "

"Tsk.... Alam mo kung mang aasar ka lang umuwi kana.  Badtrip ka eh kanina ka pa kontrabida. " sabay tulak ko dito pa labas ng kwarto.

"Oo na.....  Oo na...  Pikon kasi. " bubulong bulong pa ito.

Tinulak ko sana ito ng nasalubong ko si Ate Rachel na naka cross arm sa harap ng pinto.

"Bakit? May kaylangan ka?" Tanong ko rito.

"Wala.....  May nag hahanap sayo. "

"Sino? "

"Ang detective  mong walang kwenta." Naka smirk na sagot nito at tumalikod na sa amin.

"Minsan may pag ka maldita din yan kapatid mo.  Parang laging walang magandang gagawin. "

"Ssshhhhh......  Baka marinig ka.  Sige na paki tawag na lang ung detective at ipaakyat mo dito."

"Sige...  Kita na lang tayo bukas. " paalam nito.
_______________________

"Anong balita? " agad kong tanong rito.

"Ma'am ganun parin eh.... Ang hirap hanapin ang pinapahanap nyo. " habang pakamot kamot pa ito ng ulo.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim dahil ilang taon ko ng pinapahanap ang taong ito ay di parin nila makita kita.

"Wala kang balita????  Di kita binabayaran para lang sabihin mo lang sakin na wala kang balita.  Detective Rancho tatlong taon mo na yan hawak ang pinapahanap ko sayo at tatlong taon mo na rin yan sinasabi sakin na laging walang balita!! " medyo napataas na boses ko dala narin ng frustration.  Pano ba naman hinde......  Pang labing limang detective na ata itong hinayr ko puro naman palpak.

"Eh kasi maam talagang mahirap po ang pinapahanap nyo,  ilang taon na nag daan Ma'am.  Malamang malaki nato at nag bago na ang itsura nito.....  Ma'am  ang binigay nyo sakin larawan eh musmos pa.... Anim na taon pa lang ata sya rito o pito ba?  Eh Ma'am  malamang binata na to ngayon. "

"Kaya ka nga tinawag na detective diba?  Trabaho mo ang ungkatin ang pangalan ng pagkatao ng batang nasa larawan na yan. Hanapin mo halughugin mo ang buong mundo iharap mo lang sakin ang batang nasa latawan. "

"Eh ma'am??? " kakamot kamot pa ito ng batok. 

"Si-sige..... Subukan ko po--"

"Wag mong subukan!!  Gawin mo!  Para di masayang binabayad ko sayo. Wag kang babalik dito hanggat wala kang balita. "

"Si-sige po Ma'am. " Lumabas na ito ng kwarto ko.

Napatingin nman ako sa kaisa isang picture frame na tanging alaala namin ng kababata ko.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now