Chapter 6

13.2K 450 14
                                    

Ayesha

Maaga akong nagising para maipag luto si Arabella ng agahan, dahil napansin ko na puro fastfood ang kinakain nya o di kaya nag papadeliver lang ito.
Parang si Athena din kasi ito di marunong mag luto, samantala kame ni Althea ang binayaan sa galing sa pag luto.

Narinig ko ang pag urong ng upuan sa may lamesa kaya napalingon ako rito. Naka lumbaba ito na parang may problema ang kapatid ko, ano kaya nangyari dito? Di ko kasi naramdaman ang pagdating nya kagabi dahil tulog na tulog na ako dala ng pagod.

"Ara? May problema ka ba?" Nag aalalang tanong ko rito.

Huminga ito ng malalim at inabot ang coffee maker at nilagyan ang mug nito, diko muna pinilit dahil parang may di nga magandang nangyari. Hinanda ko na lang ang makakain nya at umupo sa tabi nito.

Tahimik at walang imik lamang ito habang sinusubo ang almusal namin. Tinuloy ko na lang din ang pagkain ko at di na nag tanong pa, dahil knowing Arabella pagdating sa personal nyang buhay ayaw na ayaw nyang binubuklat ang problema niya.

Una kong naubos ang pagkain ko kaya napatayo na ako at dinala ang pinggan sa lababo. Aalis sana ako ng narinig ko ang pag hikbi ni Arabella, kaya lumapit ako rito at nag tatakang tumingin kung bakit siya umiiyak.

"Why are you crying?"

"No I'm not."

"Yes you are Ara. Bakit?!"

"Wala nga, may nakikita ka bang luha sa mata ko?"

"Wala."

"See--"

"Pero humihikbi ka."

"Tsk...kulit mo din no?"

Tiningnan ko na lang sya ng makahulugan dahil talagang ayaw nyang e- share ang problema nya.

"I'm fine Ayesha...." Hinila ako nito palapit sakanya at niyakap ng mahigpit.

She really know how to dismiss a topic. Dahil sa oras na ginanyan ka na nya means...she don't want to talk about it.

At sa tingin ko... May duda na ako kung bakit nakaka ganito ang babaeng ito.

"May plano ka na ba ngayon? San mo gusto pumunta? Sasamahan kita."

"Don't give me that look Ara, alam kong busy ka dahil sa gagawin nyong issue ng magazine kaya alam ko sunud sunod ang mga shots nyo from different country."

"Aaaiissshhh....sad to say yes, perooooo magagawan ko ng paraan for you."

"Arabella....ilan beses ka ng tumatakas jan sa trabaho mo. Ayaw ko na maka problema ka one day, besides...I can take care of my self."

"Pero Ayesha... Baka anong mangyari sayo at saka mananagot ako kina Daddy at Mom kapa--"

"Ara, ano ka ba. Malaki na ako Ok, alam ko na ang pauwi at pabalik. Kaya sige na maligo at mag bihis kana dahil alam kong may shoot ka."

"How did you know?"

Tinuro ko ang schedules nya na naka paskil sa may ref. Napataas naman kilay nya at sumimangot.

"Tsk... Baklang yon. Talagang inilagay nya jan para wala akong kaligtaan. Eh alam ko naman bawat schedules ko ano. Hayyshhh makaligo na nga."

Tumayo na ito at umakyat muli sa kwarto niya. Kaya tinuloy ko na lang ang pag linis ng buong bahay bago ako umalis, Plano ko kasing mag simba ngayon.

Saktong natapos ang pag lilinis ko ng pababa naman si Ara at bihis na bihis na ito.

"Ayesha... Nag bakasyon ka para hinde mag linis ng bahay, may pumupunta naman dito every Wednesday para mag linis ng bahay. Buti pa maligo kana at sumama ka sakin."

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now