Chapter 23

12.4K 471 15
                                    

Zoe

Kinabukasan wala parin kameng imikan ni Yael, at mababakas sa dalawang matanda ang pag tataka.
Habang ang isang kakambal ay nagawa pa akong pag tawanan ng palihim.

Kaya napa irap na lang ako at tinuloy ang pag subo kay Atasha.

"Bakit ang tahimik niyong dalawa?" Takang tanong ng Ina ni Yael.

"May problema ba?" Segunda naman ni Mama Ofelia.

Napatingin ako kay Yael kung sasagutin ba niya ang tanong ng kanyang dalawang Ina, sa halip ay
Nilinis niya muna ang kanyang bibig bago ito sumagot.

"Wala Ma, walang problema." Pag tatanggi nito.

Psshh Liar!

"Tita Athena said you are both fighting." Sabat naman ng anak ko.

Pareho kameng napatingin ng masama kay Athena na ngayon ay tinataas lang ang dalawa niyang kamay.

"Oooppss my bad." Nakangiting pang aalaska sa kakambal niya.

"Are you?" Muling dinig kong tanong ni Atasha.

"Baby we're not ok." Sabay pisil nito sa pisngi ng bata habang pangiti ngiti pa.

"Ok.... But I'm not convince, kiss Mama Zoe if you really not mad at her."

Bigla naman napalaki mata ni Yael sa request ng anak niya.

Good job anak!! Good job, buti na lang mana ka sakin.

Naririnig ko ang pag pigil ng tawa ni Athena.

"Ha? Ah... Kasi anak--"

"Before I forgot Mommy Yael... I got five star yesterday." Sabay angat ng pad paper niya at pinag yayabang sa kanyang Ina.

"Really?" Masayang turan naman ni Yael.

Ppssshhh bwisit... Nakatakas pa!! Bakit mo kasi pinalitan ang topic anak. Nandun na yun eh!!!

"Yes... I forgot to tell you, I've got exhausted yesterday because of grandpa."

Napatigil naman sa pag subo si Mama Ofelia at Mommy Sandra sa narinig nila.

"Galing ka sa koreksyonal?" Tanong ni Mommy Sandra kay Yael.

And I can sense she's mad, pero bakit? Correctional?

"Y-yes Mom."

"Di ba sinabi kong wag ka o kayong pumunta doon?! Dinala mo pa ang bata."

Napansin kong Nag katinginan ang dalawang kapatid, at nakikita ko sa mata nila ang sakit at lungkot, At wala man sino sakanila ang nag salita.

At kahit si Mama Ofelia ay bakas din ang lungkot, ano ba ang nangyari? Bakit nakakulong ang Ama nila? At bakit may galit ang tunay na Ina nila sa Ama ng Quadruplets?

"Why?? Are you mad at my Lolo? Bakit po siya nakakul--"

"Sshhh Atasha, ano sinabi ko sayo pagdating sa usapan ng mga nakakatanda?" Pag pipigil ko dito.

"Wag maki sali po."

"And what are you doing?"

"I'm sorry..." Nakayukong hinging paumanhin nito.

"Go to your room at mag handa kana, dadating na ung tutor mo mamaya."

"Opo Mama Zoe."

Aalis na sana ito ng biglang lumaki ang mata nito at tumakbo dahil nakita niya pala ang Tita Jade niya.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now