Chapter 33

12K 432 56
                                    

Zoe

"Un momento Señora."

Napa mulat ako ng mata ng marinig kong may kausap si Yael.

"Quie?"

"Harisue, cun un sigundu.... Ken subidi por pabor."

"Graçias."

Nakatulalang pabaling baling ang tingin ko sa Private Stewardess at kay Yael ng may sinabi itong di ko naman naintindihan.

Kaya ng umalis ito ay agad ko siyang tinanong kung ano ang problema.

"Anong sabi niya Yael?"

"Sabi niya lalapag na tayo, nasa Pilipinas na tayo Zoe." Napa upo ito ng matuwid at sinilip ang kakambal niyang himbing din na natutulog sa kabilang upuan.

Pati ako ay napatingin rin dito, mukhang bumabawi siya sa ilang araw na pag ka balisa.

Well kasama lang naman namin si Arabella pabalik ng pilipinas. Ginamit namin ang private plane ng mga Guevara para hinde siya ma trace kapag sa airport kasi siya dadaan ay siguradong haharangan siya doon ng mga pamilyang kinakasuhan siya.

Bago kasi kame umalis ng Santarini ay may mga chismis ng nag kakalat sa buong America. At napakalaking eskandalo ito para sa kakambal ni Yael.

Humingi kasi ng tulong samin si Arabella na ilabas siya muna ng ibang bansa, balak sana siyang di tulungan ni Yael dahil sa kinakasangkutan niya dahil ayaw niya din ng gulo.

Pero bilang isang kapatid, di parin niya na tiis ang kakambal niya. Kaya napag pasyahan niyang iuwi muna si Arabella sa Pilipinas, para kausapin pa ang ibang kapatid nila bago makarating sa mga magulang nila.

Di nga sana ako dadalhin ni Yael, pero di naman ako makakapayag na mag isa lang siya dito sa Pilipinas, dahil napakadelikado.

Kaylangan ko pang harapin si Ate Rachel at may kaylangan pa akong kumpirmahin.

"Hey... Andito na tayo, let's go." Yaya sakin ni Yael at kinuha ang iilang gamit namin.

"Arabella.... We're here, wake up."

Napabangon naman si Arabella at tumingin sa may bintana ng eroplano.

"Bilis naman, inaantok pa ako."

"Sa bahay mona ituloy yan. Dalian na natin at mahaba pa ang byahe."

Kaya walang nagawa ito kundi kunin din ang ilang gamit niya at sumunod samin palabas ng eroplano.

"Ma'am Ayesha, dito po!!"

Napatingin ako sa may waiting area kung saan kumakaway kaway ang family driver nila Yael, kasama nito si Nanang Fe na asawa nito.

Nag tatakang palinga linga ako sa paligid kung bakit sila ang sumundo sa amin.

"Kala ko ba si Althea ang susundo?" Bulong ko kay Yael.

"Sa pag kaka alam ko din, na susunduin tayo ni Althea at Athena, pero bakit ang mag asawa ang andito." Sagot nito sakin.

"Magandang tanghali Ma'am Ayesha, Ma'am Arabella at Ma'am Zoe." Bati samin ng matandang Lalake.

"Magandang Tanghali naman po," ganting bati namin ni Yael.

Habang ang isang kakambal ni Yael ay nakatingin lng sa dalawang matanda. Napaka maldita talaga ng babaeng ito, di man lang binati ang Yaya nila.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now