Chapter 44

10K 400 39
                                    

Ayesha

Pag katapos ihatid namin sa huling hantungan si Rachel, ay dumaan muna kame sa bahay nila Zoe para maka bihis si Zoe,

Mag iisang oras na ako sa baba kaya napag pasyahan kong umakyat sa kwarto niya. Naka ilang katok na ako pero walang sagot sa loob.

Kaya dahan dahan kong pinihit ang doorknob at wala akong makitang Zoe sa higaan nito. Marahil ay nasa loob ng banyo, kaya napag pasyahan kong iligpit ang mga marurumi niyang damit na naka latag sa sahig.

Minsan kasi napaka burara ng babaeng ito, palibhasa lumaki na laging may kasambahay sa paligid niya. Napa iling na lang akong inilagay ito sa laundry bag.

Napa itlad naman ako ng may nasagi akong flower vase. Minsan tlaga may pag ka clumsy ako, baka magaliy sakin si Zoe nito. Sabay kamot ko sa batok ko.

Kaya kumuha ako ng dust pan at walis, habang nag liligpit ako ng higaan ni Zoe ay bigla akong nagulat ng biglang sumigaw si Zoe sa loob ng banyo.

"Oh My God!!!"

"Zoe?!! Anong nangyayari jan?" Habang kinakatok ko ang pintuan niya sa banyo.

Pero wala akong makuhang sagot sa loob, kaya inilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang nangyayari kaso puro bulong lang ang naririnig ko.

"Zoe?!" Muli kong hampas sa pinto nito.

"Ano bang nangyayari jan---" diko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto nito.

Naka taas ang kilay pinag titigan ko siya.

"Anong nangyari?" Sabay pasok ko sa loob ng banyo at tiningnan ang kabuuan nito.

Pero wala naman akong makitang kakaiba.

"Nothing..."

"Eh bat ka sumisigaw sa loob?"

"W-wala.. May... May nakita lang akong gagamba,"

Napataas muli ang kilay ko siyang pinag titigan.

"Your not good in lying Zoe."

"Wala nga... Buti pa pumunta na tayo sa kapatid mo."

Pag didismis nito sa usapan, at dinaanan lang ako,

Bat ang sungit nito?

napatingin muli ako sa loob ng banyo kung may kakaiba ba sa loob pero wala naman, nakibid balikat na lang akong lumabas at sumunod dito.

_____________________________________

Dumiretcho agad kame sa hospital para kamustahin si Athena, tulad kahapon nanatiling tulog parin ito, naabutan naman namin sila Mommy Sandra at Mama Ofelia na naka bantay rito.

"Ma," tawag pansin ko rito.

"Anak," sabay halik nito sa pisngi ko at ganun rin kay Zoe.

"Zoe iha.. Condolence"

"Thanks Ma, nagising napo ba si Athena?" Tanong ni Zoe,

Dumiretyo muna ako sa lamesahan para ipag timpla ng tsa si Zoe.

Ginabay kong mapa upo si Zoe sa sofa at inabot rito ang tinimpla kong tsa'a.

"Nagising na siya kanina," masiglang sabi ni Mama Ofelia.

"Pero di namin nabanggit sakanya ang tungkol sa---sa kapatid mo Zoe, sana maintindihan mo."

"Naiintindihan ko po Ma," nakangiting alanganin nito.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now