Chapter 36

9.9K 381 45
                                    

Zoe

"Ssshhh"

Bulong nito sakin at hinila ako papasok sa kwarto.

"Hhhmmmppp" hingi ko ng tulong baka sakaling may makarinig sakin.

Pero sa kasamaang palad masyadong malakas ang paka takip nito sa bibig ko.

Kaya buong lakas kong kinagat ang kamay nito at inapakan ang paa nito agad.

"Aaahhh"

Rinig kong sigaw nito para mabitawan niya ako, pero agad akong napalingon ng makilala ko ang boses nito.

"Yael??"

"You bit me?!" Di maka paniwalang tanong nito.

"So-sorry... Akala ko masamang tao eh... Sorry.... diko sinasadya."

Sinamaan lang ako ng tingin nito habang sinisipat ang paa nito.

Pero Ya-Yael may tao sa kwarto ni Athena."

"Kaya nga kita hinila dito dahil alam kong may naka pasok sa bahay."

Napangiwi naman ang mukha ko,
Marahil napalakas ata kagat ko sa palad niya at sa pag apak sa paa nito.

"Nakontak mo ba si Althea?'

"Out of coverage ang kapatid mo."

"Ano? Ngayon pa talaga......Tumawag ka ng police at sa security ng village."

"Sandali san ka na naman pupunta?"

"Pupuntahan ko si Athena."

"Bingi ka ba?kasasabi ko lang nga na may tao sa kwarto niya!"

"Kay---"

Napatigil sa sasabihin si Yael ng may narinig kameng taong nag tatalo sa labas ng kwarto.

"Pare!! Bilisan mo nasa baba na sila!"

"Tulungan mo kaya ako ang bigat nito!"

Napa silip naman kame ni Yael kung ano ang ninanakaw nila. Pero napa laki naman mata ko ng makita naming buhat buhat nila si Athena.

"Yael..... Dala nila si Athena."

"Dito ka lang."

Tumayo ito at kinuha ang baseball bat niya na nakatago sa maliit na tokador.

Dahan dahan itong sumilip at lumabas.

"Yael...." Tawag ko dito para pigilan siya. Baka kasi mapahamak pa ito.

Pero sinenyasan niya muli ako na tumahimik.

Inangat nito ang baseball bat para paluin sana mula sa likod ng biglang lumabas si Mommy Sandra.

"Sino kayo?! San niyo dalhin ang anak ko!"

Napahinto si Yael at napa atras ng kaunti.

"Lintik!! Harangan niyo!"

Agad naman tumalima mga ibang kasama nito para sugurin sana ang dalawang Ina ni Yael. Pero agad lumabas si Yael para tulungan ang Ina nito.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now