Chapter 41

8.9K 359 30
                                    

Zoe

"Ano yon?!" Gulat na tanong ni Ate Rachel ng makarinig kame ng nag pa-palitang putok.

"Boss nakatakas ang magkapatid!!"

"Habulin niyo!!" Utos ni Ate sa mga tauhan niya.

Agad niyang hinawakan si Athena ng mahigpit para di ito maka alis sa tabi niya. Pero agad din siyang tinulak ni Athena para mawalan ito ng balanse.

Agad kinuha ng pagkakataon para lumapit sakin si Athena at hinila ako patakbo para makatakas na din,

"Ayen!!! Bumalik ka dito!!!"

Dinig naming sigaw ni Ate habang hinahabol din niya kame ni Athena.

"Dalian mo Zoe, maabutan tayo ng Ate mo."

"Kaylangan muna natin mag tago Athena, mahahabol tayo ni Ate," nanginginig kong paki usap.

Di kasi ako sanay sa putok ng baril, kinakabahan ako sa mga ganitong pangyayari.

Dinala ako ni Athena sa likod ng tambakan ng mga lumang lata.

Nanginginig akong napa upo habang yakap-akap ko ang magkaparehong tuhod. Wala paring tigil ang putukan sa paligid, nag aalala ako para kay Yael, nasan na kaya siya? at sa mag kakapatid na Guevara.

Baka mapahamak sila sa kamay ni Ate, napatingin ako kay Athena na kanina ko pa napapansin ang pamumutla niya.

"Athena? Are you o---"

Diko ba natapos ang sasabihin ko ng agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ssssshhhhh....." Bulong nito sa tenga ko habang hawak ang bibig ko.

Nakikiramdam lang ako sa paligid ng makarinig kame ng yabag na papalapit sa kinaroroonan namin.

Napatingin ako kay Athena, ng maramdaman ko sa likuran ko ang mabilis na pag taas baba ng dibdib ni Athena.

Wag mong sabihing inaatake siya ng hika niya.

"Boss wala dito!"

"Wala rin dito Ma'am."

"Mag sikalat kayo at tulungan niyo ang iba para dakpin ang ibang Guevara, kaylangan ko pa sila. Ako ng bahala sa kapatid ko at kay Ayen."

"Opo boss!"

Narinig na lang namin ang papalayong yabag ng mga tauhan ni Ate,

Nag hintay pa kame ng ilang minuto bago dahan dahang binitawan ni Athena ang pagkatakip sa bibig ko. Nag aalalang napalingon ako sakanya at napansin kong lalong lumalakas ang kanyang pag hinga, na parang kumukuha siya ng hangin.

"Athena, inaatake ka ng hika mo. Nasan ang gamot mo? Nasan ang inhaler mo?"

"Andito, pero--pero w-wala ng laman y-yan."

"Nasan ang gamot?"

"Na-nasa... Nasa kotse.. Nasa ko-tse ko."

"Bakit di mo dinala? Alam mo naman na pwede ka atakihin kahit anong oras." Naiinis kong sagot dito.

Habang shine-shake ko ang natitirang gamot sa inhaler niya.

Maputlang maputla na tlaga siya, kaylangan ko siya mailabas.

Aalalayan ko sana siyang mapatayo, pero pinigilan niya agad ako at umiling iling sakin.

"Hi-hindi k-ko na kaya Zoe, nangh-hihina na ako. Kaw--kaw na lang.. Tumakas kana--"

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now