Chapter 16

11.2K 456 18
                                    

Ayesha

"Care to explain what just happened during on your Sister's wedding" diretyang tanong ni Mama Ofelia.

Andito kame ngayong apat mag kakapatid sa office ni Mommy Sandra, dahil pinatawag niya kameng apat dahil may pag uusapan kame, regarding sa incident na nagyari sa kasal nila Althea at Jade.

Dalawang araw na din ang nag daan mula ng sumugod si Zoe sa kasal ng kapatid ko, alam ko na nag kamali lang siya na inakala na ako ang ikakasal. And besides walang kaalam alam si Zoe tungkol sa mga kakambal ko, at sigurado ako nong sinabi ng Ama niya ang tungkol sa kasal na mangyayari I'm sure di niya pinatapos ang sasabihin ng Daddy niya. Knowing that Brat walang pake alam basta susugod susugod siya.

Kahit ata sa mga nag kakalat na artikulo tungkol samin mag kakapatid ay di din niya binasa basta basta na lang nag wala sa kasal ni Althea at nagawa pang mag all black sa kasal. Daig niya pa ang nag luluksa sa kasal ng kapatid ko nakakahiya talaga.

Buti na lang at alam ni Althea ang tungkol sa nakaraan namin ni Zoe dahil kundi...kahit magka sundo kame ni Althea ay sigurado akong titirisin ako non sa sermon.

"Wala bang mag sasalita?" Muli kong dinig kay Mommy Sandra.

Nagkatinginan kameng apat na parang di namin alam pano at saan mag sisimula, dahil sa oras na sabihin ko ang totoo I'm sure aatakihin sila dalawa ni Mama Ofelia at Mommy Sandra.

Saming apat, kame lang nila Althea, Arabella at ako ang may alam tungkol kay Zoe. Well may alam dn si Athena but hindi lahat....specially sa bata. Ang alam lang ni Athena ang tungkol sa one night stand ko pero hindi sa bata.

"We're waiting girls." Bakas ang Nawawalang pasensya ni Mommy Sandra. Now I know kanino nag mana si Althea.

"Again.... we're asking one last time! Sino ang mga yon na nag gate crushed sa kasal ng kapatid niyo? Athena!!?"

"Bat ako? Ni diko nga kilala ang babaeng yon, at saka ngayon ko lang siya nakita sa tanang buhay ko. In short di ko siya kilala."

"You can't blame us Athena... Noon pa man ikaw na ang mahilig... Well I'm sorry for my term... Ang mahilig mang iwan ng Babae."

"Yes.... I admit it naman about that. Pero this time I'm telling the truth, diko kilala ang mga un. And besides I've never had a child, remember? That little kid called Althea Mommy...baka anak un ni Althe---"

"She's not mine for God sake Athena. Baka marinig ka ng asawa ko na nasa labas lang ng kwartong ito."pag iirap ni Althea.

"Then di din sa akin yon. Tinagurian lang akong playgirl pero never akong mag kaka ana-- wait..."

Napatigil naman ito sa pag uusap at tumingin sa akin bigla.

"It's yours!!" Sabay turo sa akin na parang di maka paniwala.

Napalunok naman ako at tumingin sa  dalawa kong ina na ngayon ay nakatingin na sa akin bakas din ang gulat.

"What are you talking about Athena? Panong ma eenvolp si Ayesha sa usapang it--"

"Because she got laid with that girl, I remembered may kinuwento sa akin si Jade noon about sa naka one night stand mo sa Barcelona." Diretyang pahayag ni Athena.

"What?!! It's impossible Athena.... She a Nun, kaya imposibleng yang mga sinasabi mo."

"Yes she is.... But she never accept her Final Vows... Sa madaling salita she still NOT an officially a Nun. Di ba kayo nag tataka? Ilang taon na ang nag daan she still not accepting her Vows... Why Ayesha? Because you committed a sin."

Napayuko na lang ako sa sinabi ni Athena. Dahil masakit man, ay totoo lahat ng sinabi niya.

"Athena!!" Sabay na sigaw nila Mommy.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now