Zoe
Isang katok ang pumukaw sakin mula sa himbing ng pagka tulog. Napatabon ako ng mukha dala ng pagkainis dahil kanina pa nila pinuputol ang pag kahimbing kong tulog.
"Ma'am Zoe? Gising napo ba kayo?"
Gusto kong mapa irap sa tanong niyang un. Well Duh??!!! Sino di magigising sa katok niyang pa ulit ulit.
"Ma'am?--"
"Could you please leave!!?" Ganting sigaw ko.
Bwisit nakaka irita.
"Pero Ma'am... Pinapatawag po kayo ng Daddy niyo. Bumaba na daw po ka---"
"Fine!! Now get lost!"
"Si--sige po Ma'am."
Dinig ko naman ang mga yabag nitong papalayo. Kaya napa upo na ako sa kama at hinilot hilot ang sentido ko, I check the time and damn..... It's already past 12 pm.
Another day na naman na di ako naka pasok.I pick my phone and there's a lot of miss calls and text. At galing lahat sa mga friends ko, asking for hang out and out of town. And the another one came from Bianca.... Telling me na nag tatanong na ang mga professor kung bakit ako absent ng absent...
I think every week 2 to 3 times na lang ako puma---
"Oh.... Look who's awake already?? Ang prinsesa ng mga Villamor."
Napatigil naman ako sa kaka isip ng may nag salita sa harap ko. Napa irap naman ako at bumaba sa kama para dumeretcho sana sa banyo, pero napahinto naman ako ng bgla akong nakaramdam ng pagka hilo at pag susuka.
muli itong nag salita kaya napatigil ako.
"Akala ko di kana magigising.... Sayang..." Sarkastikong sabi nito.
"Alam mo Ate, kung pumunta ka lang dito para awayin lang ako, mas mabuti pang umalis ka na lang sa kwarto ko." Diing pambabara ko dito.
Talagang di kame nag kakasundo ni Ate Rachel sa kahit ano mang aspeto. She never treat me like her sister. Dahil tingin niya sakin kaaway, kaagaw at kakumpitensiya niya,
Napataas namn ito ng kilay at sinamaan ako ng tingin at unti unting lumapit sa kinatatayuan ko, pero di nman ako nag patinag dahil di na ako ang dating Zoe na takot sakanya at sunud sunuran.
"Di ako pumasok sa kwarto mong ito para maki pag talo sayo. And why should I? Sino ka ba para pag asayahan ko ng oras at panahon? Pina punta ako ni Dad dito para sabihin na dalian mo raw dahil may pag uusapan kayong dalawa."
Tumingin pa ito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sakin.
"Or should I say.....may pag uusapan kayo na di nagustuhan ni Daddy. Kaya good luck little Sister." Naka smirk na babala nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/180209478-288-k457538.jpg)
YOU ARE READING
#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)
RomanceThis is a book 2 of my story kaya you need to read First by book bago ito para di kayo mahilo. This is Guevara's Sibling story. _____________________________ Ayesha is the second of the Guevara's sister. She is kind and heart whelming girl.. Isa la...