Chapter 34

11K 420 43
                                    

Zoe

"You're doom." Dinig kong bulong sakin ni Athena at pinag unlakan ako ng isang nakaka bwisit na ngiti.

Bwisit!! Kanina pa iyak iyak pa siyang nalalaman!! Tulungan kaya niya muna ako sa kapatid niya na sa tingin ko di na maganda ang timpla ng mukha, habang pabaling baling ang tingin samin.

"W-wala... Nag uusap lang k-kame Yael." Napalunok naman ako dala ng kaba.

Sino ba namang hinde, seryosong nakatingin lang ito sakin, habang ang kakambal niya nakuha pa akong asarin! Sarap bigyan ng isa sa mukha eh!! Masyado na siyang nabibinggo sa akin!

"Then? Why are you still hugging with her?"

Huh?

Agad naman akong kumawala kay Athena at sinamaan siya ng tingin, dahil sa pinipigilan niyang tawa.

Humagikhik pa eh!

"Nanansing pa kasi--ouchh!!"

Isang malakas na sipa ang binigay ko dito kaya palundag-lundag pa itong umatras habang himas himas ang kanang paa nito dahil sa pag sipa ko.

"You!! Spoiled Brat--"

"Athena! Leave." Simpleng salita lang, pero puno ito ng diin at utos.

"She kick me!" Sumbong nito Sabay turo sakin habang hinimas himas pa nito ang kanang paa.

"I SAID! Leave!"

"Ok...ok... Fine Tsk." Pag susuko nito sabay irap pa sakin.

Habang Paika ika pa itong bumaba ng hagdan. Napa lakas ata sipa ko.

"At ikaw... Ano pang ginagawa mo?"

"Ahh hehehe..." Ngiting alanganin ko rito.

"GET.IN."

Agad naman akong pumasok sa loob para di na ito lalong magalit.

Dumiretyo naman ito sa banyo na sa tingin ko mag sha-shower dahil sa agos ng tubig na lang ang naririnig ko.

Kasalanan lahat ng Athena na un, sana di na lang ako nag padala sa iyak niya kanina. Nang iiwan kasi sa ere!! Tuwang tuwa pa kapag nakikita niyang nagagalit kakambal niya.

Napatigil naman ako sa pag sisi sa sarili ko ng lumabas si Yael mula sa banyo at agad umupo sa harap ng malaking salamin.

Shit!!! Galit parin ata, isa ito sa mahirap pagdating kay Yael. Hirap niyang suyuin.

Total di naman maganda ang naabutan niya, at mali ang inaakala niya kaya ako na ang maglalambing una.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now