Chapter 15

12.2K 506 40
                                    


"Magandang umaga po Ma'am,"Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay sa akin habang busy ang mga ito sa kaka ayos ng dapat ayusin.

"Magandang umaga din po sa inyo." Nakangiting bati ko din sakanila.

"Ay Ma'am, kumain na po kayo. Parating na po ung mag me-make up sa inyo mamaya."

"Thanks....nasan mga kapatid ko?" Hanap ko sa tatlo.

"Ay Ma'am... Maagang umalis sila Ma'am Athena kasama si Ma'am Althea kanina pa po busy mga un sa kaka-alis at kababalik dito sa Mansyon."

"San sila pumunta? Bakit nag lalakad pa si Althea, eh ilang oras na lang kasal na niya."

"Eh Ma'am... Di ko po alam, narinig ko din po na pinag sabihan siya kanina ng Kapatid niyo pero di siya nakikinig."

Napa iling na lang ako at umupo muna sa may couch,

"Eh si Arabella?" Tanong ko while scrolling my phone.

"Nasa garden po, may kausap siya sa telepono."

Napatango lang ako bilang sagot habang di inaalis ang mata ko sa cellphone ko.

"Pero Ma'am....." Bulong ng kasambahay nila Mama sa akin kaya napa angat ako ng tingin.

"Kanina ko pa naririnig na parang may kaaway sa cellphone niya. Kulang na lang nga po basagin ang teleponong hawak niya sa sobrang inis." Pag papatuloy pa nito.

"Ok, thank you." Tanging na sagot ko bago tuluyang tumayo at pinuntahan si Arabella sa garden.

Pag ka labas ko di ko agad ito nakita dahil sa dami ng mga tao na busy sa pag hahanda ng kasal ni Althea. I roving my sight's searching for Arabella pero di ko talaga ito makita.

"Iha!"

Napalingon naman ako sa kanan ko ng makita ko si Mama Ofelia na nag mamadaling lumapit sa kinatatayuan ko.

"Ma,"bati ko dito at hinalikan ko ito sa pisngi.

"Bakit di kapa nag hahanda? Ilang oras na lang mag sisimula na ang kasal ng kapatid mo."

"Eh kasi Ma, hinahanap ko si Ara. Nakita niyo po ba siya?"

"Nasa may Gazebo anak.... Pinag sabihan ko n din yun kanina na mag handa na, kaso mukhang importante ung kausap niya sa phone kaya hinayaan ko na lang."

"Sige, susunduin ko na lang siya Ma, para sabay na kame maka pag handa. At saka Ma, wag nga kayo mataranta.... Eh ang ikakasal nga relax lang, kayo itong napaka nerbyosa."

"Naku anak.... Talagang di ako mapakali, hanggang ngayon kasi di parin ako makapaniwala na ikakasal na ang isa sa mga baby ko." Mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Ma....." Pag lalambing ko dito dahil talagang iiyak na eh.

"Ano lang man kayo noon... Parang ang bilis ng panahon talaga, parang kelan lang karga-karga ko lang kayo, pinapadede sa mga chopon, tatakbo takbo na naka diaper lang. Ngayon ikakasal na ang isa sa inyo."

At gaya ng sinabi ko, di na nga napigilan ni Mama Ofelia ang umiyak.

Napatawa na lang ako dahil sa pinag sasabi ni Mama.

"Excuse me po Ma'am Ofelia. Dumating na po ang Cake, san po namin ipwe-pwesto?"

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now