Prologue

15.7K 155 12
                                    

AKO SI LUZ ROSE ABERNATHY. Ang engrande ng pangalan noh? Pang mayaman. Kaya lang hindi naman ako mayaman. At wala akong alam kung sino ang magulang ko.

Sampung taon na ang nakararaan ng magising ako. Sabi ng doktor ay apat na taon daw akong comatose. At hindi nila mahanap ang magulang ko.

Doon din sa ospital na iyon ako nakita kila Mrs. Martinez at laking pasasalamat ko sa kanila ng ako'y kanilang ampunin. At bilang kapalit tumutulong ako sa paglilinis ng kanilang bahay.

Wala ring makuhang kahit anong bagay na magtuturo sa aking mga magulang at ang tanging nasa akin lamang ay ang kwintas kong may nakalagay na LRGQ.

"Ang gwapo talaga ni sir!"
-chrysanthemum

"Oo nga! Nakakalaglag ng panty!"-Megan

"Loka ka! Hawakan mo yang garter ng panty mo meg! At maghunos dili nga kayo! Nakakahiya baka marinig niya tayo." sabi ko.

Nasa canteen kami dito sa kumpanya ng mga Martinez. Ang mga Martinez ang tumulong sa akin makapag-aral kaya naman malaki ang utang na loob ko sa mga ito at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya makabawi lang sa kanila.

Kaya naman ng makapagtapos ako ng pag-aaral ay dito ko na naisipang magtrabaho at kahit may sapat na akong ipon at may sarili na akong kumpanya ay nanatili padin ako dito.

At ang batang Martinez naman ay narito upang mag-training sa nalalapit nitong paghawak ng kumpanya. Pag ito na ang may hawak ay maaari na akong mag-resign yun ang sabi ni Mrs. Martinez

"Sus! Kung makapagsalita ka naman. Ang selfish mo! Hahaha!"

"Pero wag kang mag-alala dahil hindi ka naman namin aagawan."

"Alam ko naman yun. Sige na magpatuloy na tayo sa pagta-trabaho, baka marinig at makita pa tayo ni boss na nagku- kuwentuhan lang dito magalit pa yun."

"Oo na po. Ikaw talaga. Ikaw ang pinakabata satin pero ikaw pa itong matured mag-isip hindi katulad ng isa diyan! Ang tanda tanda na isip bata pa rin!"

"Hoy! Kung makapag-salita ka naman diyan! Buwan nga lang tanda natin sa isa't-isa."

"Hahaha. Sige na tumigil na kayo. Babalik na ako at tapos na ang breaktime. Bye girls!"

Sumakay na ako sa elevator at hindi pinansin ang mga taong naroroon. Pagkadating sa floor na pinaglalagyan ng office ko ay agad kong inayos ang mga papeles na naroon.

Wala ngayon si Mr. Martinez dahil namimiss daw ito ni Mrs. Martinez at ipinagbilin nito na tignan ko ang mga papeles kung importante ito at nangangailangan ng kaniyang pirma.

At kung mayroon ay dalhin ko daw iyon sa kanilang bahay. Kaya naman inihihiwalay ko ang mga papeles at iniipon ko na muna ang mga papeles na importante para isang puntahan na lamang doon.

Pagkatapos kong maayos ang lahat ng kailangan kong gawin ay napahilot ako sa mata. Ang sakit talaga sa mata ng computer.

Pagkapahinga ko ay agad kong nilagay ang mga papeles na nangangailangan ng pirma sa aking bag at kumatok sa opisina ng anak nila Mrs. Martinez.

"Pasok." malamig ang boses na sabi nito.

Binuksan ko ang pinto at dumungaw muna sa kaniya bago naglakad palapit sa kaniya nang makitang hindi siya nakatingin sakin.

Pumasok ako at nilapag ang ibang papeles na hindi masyadong mahalaga. Nakadikit din doon ang sticky note ko bilang pagpapaalam na ako'y aalis na.

Pagkalapag ay agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis. At habang nasa taxi na maghahatid sakin sa mansiyon ng mga Martinez ay naalala ko ang ilang memorya na naaalala ko na.

Mga alaala ko at nangyari bago ako mawalan ng alaala. Pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko iyon. Dahil sa alaala kong iyon o sa panaginip kong iyon ay nasa loob ako ng kastilo.

Napakalaki nun at madaming mga taong nasa paligid ko na palagay ko'y nagbabantay sa akin. At doon ay pinagsisilbihan ako.

Napabuntong hininga ako. Mukhang panaginip lamang talaga iyon. Malabong alaala ko iyon.

Sakto namang dumating na ako sa mansiyon. Lumabas ako at nagbayad. Hindi pa ako kumakatok ay bumukas na ang gate.

Napangiti ako. Kilala na talaga ako ng mga tagapagsilbi ng mga Martinez. Lumakad ako papasok at binati ang lahat ng makakasalubong ko.

Tumigil ako sa labas sa harap ng pintuan. Nang makita ako ng isang katulong ay nilapitan ako ng nga ito. Ngumiti ako dito at ibinigay ang mga papeles.

"Luz! Gumaganda ka yata? Nadiligan ka na ba?" nakangiting sabi ni marie at niyakap ako.

"Naku marie! Hindi ka parin nagbabago. Ang halay mo paring mag-isip."

"Anyway highway, bakit ka nga pala naparito? Hindi ako maniniwalang binibisita mo lang ako dahil ikaw pa! Mas gugustuhin mong makita ang mga papeles kesa sa makita ako."

"Marie naman, wag ka ng magtampo hahaha! Anyway, pwedeng pasuyo naman nito. Pakibigay kila madam." Nakangiting sabi ko.

"Naku luz ha? Ayan ka na naman. Maaari ka naman kasing pumasok." nagtataka nitong sabi.

"Sige na, marie." pakiusap ko.

Bumuntong hininga ito at napailing-iling bago kinuha ang mga papeles. Pagkaalis nito ay hinintay ko itong makabalik upang makapagpasalamat.

"Luz pinapapirma ni sir." sabi nito at inabot ang isang folder.

Para saan naman 'to?

Nagkibit balikat na lamang ako at pinirmahan na iyon at ibinalik kay marie.

"Salamat marie ah? Sige mauuna na ako. Magpapahinga na ako. Nakakapagod sa trabaho." sabi ko.

"Kasi naman luz! Bakit umalis alis ka pa dito? Sige na magpahinga ka na. Mag-ingat ka ah? Gabi pa naman na."
Paalala nito.

Tumango ako at niyakap siya bago tumalikod at naglakad paalis. Dumiretso na akong pauwi sa bahay at dahil nga sa sobrang pagod pagdating sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at agad nakatulog kahit hindi pa ako kumakain.

ESCURO NIGHT SAAVEDRA MARTINEZ. The most handsome and richest bachelor in the whole wide world. He has a lot of company, Corporate and so, in each country. He's so famous businessman. Especially for the girls.

In everywhere he goes, he has a lot of women. Like he's the man of the women. He's indeed a womanizer. And he just date a woman in 1 to 3 days and after that, he'll find a new one. Well, he doesn't need to find though, because the woman's the one who would come close to him.

But despite of being handsome, he's considered as a devil by the people who he encountered. He loves his parents so much and became jealous when he saw how his parents treated the girl they save in the hospital.

And because his parents saw the jealousy in his eyes, his parents explained it to him. Then he decided to ignore the girl and focus to what he wanted to do.

Night became successful and his parent's so proud of him. And make him handle their company that he gladly take. He take over the company and acknowledge that the girl is working there.

He acknowledged also that the girl didn't want to get her payment and insisted that it'll be her payback to what they did for her. And that's what makes him curious about her.

*knock and sound of the door (opening)*

Night heard a hurrying footsteps but he didn't raise his head to know who it is because before he could be able to raise his head, the person already placed the papers that he needed to sign and hurriedly walk out.

"Tsk..." Night as soon as he raise his head, the door is closing.

After work, he go straight to his house because he's tired. He just cooked an egg and eat it before going to bed to sleep.

***

070619

Ds02JGQ

Edited: 071420
Proofread:

The Broken Wife (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant