Ika-labing Tatlong Yugto

4.8K 72 4
                                    

Luz's PoV

Kinuha ko ang kamay ni Kuya Leo at hinatak siya papunta sa sala at hinarap na siya. "Bakit siya nandiyo, kuya?"

"Because I know you and the kids needs him." simpkeng sagot nito na nakayuko lang.

"Kuya..." hinawakan ko ang kaniyang mga pisngi upang iangat ang kaniyang mukha. "Salamat... Pero tingin mo ba handa na ako?"

"Of course my princess. You need too. For the kids and for yourself, okay?" sabi nito at niyakap ako. "I want you to be happy, princésa." bulong niya sakin at hinalikan ang aking noo na siyang ikinapikit ko.

"Arigatou gozaimasu, onii-chan." sa ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

"You're always welcome, princésa. Don't forget that I'm always here for you." sabi niya at hinalikan na ako sa noo bago ako pakawalan.

Pinunasan niya ang pisngi ko na hindi ko namalayang basa na pala ng luha. "Now go and explain everything to the kids." sabi niya at tumingin sa likod ko kaya napalingon din ako at nakita ang mga bata doon na nakatayo at nakatingin lamang samin.

Lumapit ako sa mga bata at naupo na pa-squat. Bago pa man makapagsalita ay agad na nagsalita si Zel.

"Mom, totoo po bang siya yung ama namin?" tanong nito at lumapit sakin upang yakapin ako.

"Oo naman. Ayaw niyo ba nun? Nandito na siya. Makakasama niyo na siya?" sabi ko at hinaplos ang kaniyang likod habang tinitignan sina Sky at Al.

Nakita kong bumuntong hininga lang si Al at si Sky naman ay umiwas ng tingin sa akin. "Halika na? Puntahan na natin si daddy?" aya ko at kinarga na si Zel upang maglakad papuntang kusina.

"Mom, nakita ko pong tumulo yung luha ni kuya Sky kanina. At napansin ko din pong kuminang ang kaniyang mata nung makumpirma namin na iyon ang tatay namin." bulong sakin ni Zel. "Ang saya ko, ma. Sobrang saya po."

"Masaya rin akong malaman na masaya kayo, mga anak ko." sabi ko at pasimpleng pinunasan ang aking luha na tumulo dahil napalingon ang dalawa.

Nginitian ko sila. Ngumiti pabalik sa akin si Sky pero si Al ay kumunit noo lang na siyang ikinailing ko. Ang kaniyang facial expression kasi ay parang nagtatanong anong problema, ma? Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Pagdating namin sa kusina ay agad na nagsialisan ang aking mga pinsan ngunit bago tuluyang lumisan ay hinalikan nila ako sa pisngi pati na ang mga bata. Nagkatinginan kami ni Night ngunit agad akong umiwas ng tingin at ibinaling ang aking mga mata sa mga bata.

"Sige na mga anak. Puntahan niyo muna sina tita Happy... Okay lang ba? Mag-uusap lang kami ni daddy." tanong ko sa kanila.

"Ano pong pag-uusapan niyo, mommy?" tanong ni Zel. Humarap si Al kay Zel at kinabig ito palapit upang akbayan. "Huwag ka ng magtanong, princess. Halika na." sabi niya sa kapatid pagkuwan ay humarap sakin at nagsalita.

"Okay po mom." sabay na sabi naman ni Al at Sky.

Naglakad na ang tatlo paalis at ng kami na lamang dalawa ay naisipan kong maupo dahil ako'y nanghihina. "Ahm..." pagsisimula ko ngunit agad siyang nagsalita.

"Why didn't you tell me? You don't know how I feel when I first see those kids... It's like I'm getting crazy! Why? I just saw two kids who exactly looks like me!" pagalit na sabi niya.

"Hindi mo rin alam ang naramdaman ko ng makita kitang may kasamang babae. At kung hindi pa nakatulog ang mga anak natin ay makikita pa nila ang kalokohan mo." mahina ngunit may diin na sabi ko.

"And now you're the one who's angry?! And what are you talking about?! Don't you know how I suffer everyday?! Every time I talk to my parents?! Seeing their smiles but with a sad eyes?!"

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now