Ika-dalawampu't Apat na Kabanata

1.9K 33 0
                                    

Luz's PoV

"Can you teach me how to cook?" tanong ni Sam sa akin.

"Oo naman."

"Great! Then can I come to your house whenever I have time? Or! I can come to your house!" She excitedly said.

"Sure! Pwede naman kahit ano." sabi ko.

"That's great! Can I get your number? So that we can call each other and update each other!" sabi niya na may malawak n ngiti.

Tumango ako at binigay ang numero ko. Bahagya pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga napuntahan na naming bansa at humingi narin siya ng payo sa pag-aalaga sa bata dahil nga hindi pa niya iyon naranasan maliban sa ilang buwang pagpapahinga niya na itinuon niya sa pag-aalaga kay Grey nung kapapanganak pa lang niya.

Paminsan minsan ding nagsasalita si Black na siyang asawa ni Sam at ama ni Grey. Madalas tahimik lamang itong nakikinig sa usapan namin at nakayakap lamang kay Sam.

Maya maya pa ay nagising na ang mga bata at hapon narin kaya naisipan naming bumalik na sa loob. Pagkapasok namin ay nagsipag-diretsuhan ang mga bata sa sofa at binuksan ang tv upang manood ng cartoons.

Habang ang mag-asawa naman ay nagpaalam muna upang umakyat sa kanilang pansamantalang kwarto. Ako naman ay hinayaan muna ang mga bata sa salas at umakyat upang puntahan sila Night sa ginagawang kwarto ng mga bata ngunit dahil naka lock ito ay naisipan kong baka tapos na sila at pumunta na sa kwarto namin.

Doon ay nakita ko si Night na kakalabas lang ng CR at ang tuwalya ay nakabalot pa sa kaniyang baywang. Ngumiti ito sa akin ng makita ako at nilapitan agad ako upang lumingkis na hinayaan ko naman dahil alam kong pagod siya sa paggawa ng kwarto ng mga bata.

"Kamusta na ang kwarto ng mga bata?" tanong ko sa kaniya at hinawakan ang braso niyang nakalingkis sa bewang ko habang hinahalik-halikan ako sa leeg.

"Finished." sabi niya na may malawak na ngisi.

"Talaga? Bilisan mong magbihis para mapakita na natin sa mga bata." sabi ko at bahagyang tinapik ang braso niya bago tanggalin ang pagkakayapos nito.

Sumunod naman ito at habang nagbibihis ay kinakabahang nagtanong. "Do you think they will like it?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ko rin naman nakikita pa dahil tuwing sinusubukan kong tignan eh bigla kayong susulpot at pagbabawalan akong tanggalin ang mga telang nakataklob."

Narinig kong bumuntong hininga siya bago muling lumapit sa akin pero sa pagkakataong ito ay nakabihis na siya. Tahimik na niyakag niya akong bumaba habang nakapokus siya sa cellphone niya at may kung sinong tinawagan.

"Get up, asshole." sabi lang niya pagkatapos ay pinatay na agad.

Pagkababa namin ay agad kaming nilingon ng mga bata at nagsipagtakbuhan sa amin maliban kay Grey na ngumiti lang sa amin.

Ngumiti ako pabalik kay Grey bago pinaghahalikan ang mga anak ko na matapos akong halikan ay tumakbo na sa ama nila na agad naman silang kinarga.

Naglakad kami hanggang makaupo sa sofa. Pinanood kong magkuwentuhan ang mag-aama tungkol sa ginawa nila. Nakababa na rin ang magulang ni Grey at may kung anong pinag-uusapan sng magpamilya.

Maya maya lang ay nakita naming sabay sabay na nagsilabasan ang mga kalalakihan sa elevator at ang bungad sa amin ay "let's go?" sabi nila na may halong kaba at excitement sa mga boses.

Halatang mga bagong ligo ang mga binata dahil basa pa at tumutulo pa ang buhok ng iba. Mapapansin ding tila nagmamadaling magsuot ang mga ito ng damit at nagusot pa ang damit ng ilan.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now