Ika-sampung Yugto

4.5K 71 0
                                    

Luz's PoV

Sinundan ko siya nung lumakad siya papunta sa kusina. Tinignan niya ang laman ng ref ko at pati na din ang mga kabinet na pinaglalagyan ng mga gamit pangkusina. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa cr at pati doon ay nagkalkal.

Pagkatapos ay lumakad siyang muli papunta sa sala at akmang aakyat siya ng hagdan upang tignan din ang itaas ng pigilan ko siya. Baka magising niya ang mga bata. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" Tanong ko na puno ng pagtatakha.

"You have the nerve to fight now huh?" sabi niya at ngumisi pagkatapos ay inilapit ang mukha sa mukha ko. Nagulat naman ako kaya napaatras ako ng bahagya.

"Of course! After many years that you've gone, a lot of things happen that gives me a reason to fight." Especially for the kids. Nais ko sanang idugtong ngunit pinigilan ko ang aking sarili. "Just tell me what do you want. If none then the door is open for you to leave." dagdag ko at hinatak na siya paupo sa sofa.

"Aggressive. Nice!" sabi nito at pumunta sa likod ko. Ikinagulat ko ang kaniyanh sinabi ngunit mas nagulat ako nung pinisil niya ang dibdib ko.

"Bastos!" bahagyang sigaw ko upang hindi marinig nung mga bata pagkatapos ay pinaghahampas siya. Tumawa lang siya pagkatapos ay biglang nagseryoso at hinawakan ang magkabila kong pulso na nagpatigil sakin at napatingin sa kaniya.

Doon ko napansin na magkalapit na ang aming mga mukha kaya naman muli akong napaatras at naupo na sa single sofa. "What do you need?" sabi ko at tinignan siya sa mata.

"What do you mean? Of course I will be here because you're my wife. And if you don't want here then my car is ready for us to go in manila, in our house." sabi niya at ipinakita ang susi ng kotse niya.

Inismidan ko siya. "Umuwi ka na. Matagal ng tapos ang relasyon natin kung nagkaroon man. Hindi ba napirmahan mo na ang divorce papers natin? Kaya umalis ka na." Pinatayo ko siya at tinulak palabas. Akmang magsasalita siya ng isara ko ang pinto at ilock ito.

Napasandal ako sa pinto at napabuntong hininga. 'Muntik na naman akong bumigay.' sabi ko sa isip. Napaayos ako ng tayo ng makita ang mga anak ko na pababa sa hagdan. Inaalalayan nina Sky at Al si Zel na bumaba na siyang nagpangiti sakin. 'Mahal na mahal talaga nila ang kapatid nila.'

Lumapit ako sa kanila. "Magandamg umaga mga anak ko!" sabi ko ng may masiglang boses at ngumiti sa kanila. Nang makababa na sila'y tsaka yumakap sa akin. "Magandang umaga din, ma." sabi nila.

"Tara na? Nakahanda na ang pagkain sa kusina." pag-aaya ko sa kanila at iginaya na sila sa kusina. Inalalayan ko silang makaupo bago naupo sa tabi nila. At nilagyan ng pagkain ang kanilang mga plato pagkatapos ay nagdasal kami. "Kain na mga anak." aya ko sa kanila pagkatapos naming magdasal.

"Mommy anong pangalan ni daddy?" sabi ni Zel pagkalunok ng kinain.

"Zel." may diin na sabi ni sky at tumingin ng nakakunot noo kay zel.

"Bakit kuya?" inosenteng tanong ni zel.

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok ni Zel pagkatapos ay dumukwang ng bahagya upang alisin ang pagkakakunot noo ni Sky. "It's okay. Ang pangalan niya ay Escuro." Sabi ko at muling sumubo.

"Hindi pangkaraniwan ang kaniyang pangalan, mama." sabi ni Al na ikinatango ko naman.

"May halo kasi siya. At siya ang nagmamay-ari ng maraming mga hotel, restaurant at marami pang iba." sagot ko naman.

"Tingin ko sa kaniya kami nagmana, mama. At tila ba wala kaming namana sa iyo kahit man lang ilong." sabi naman ni Sky.

Tumango tango naman sina Zel bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sky.

Napangiti naman ako sa kanila at nag thumbs up. "Ganoon nga. Ngunit magkamukha naman kami ni Zel, diba? Mukhang inaaral niyo ngang mabuti ang lengguwahe ko, ah?" sabi ko sa kanila.

"Siyempre naman po! Para maayos na naming maintindihan ang iyong sinasabi, mama." may pagmamayabang na sabi ni Zel.

"Mabuti naman kung ganoon. Kumain kayo ng gulay o." sabi ko pagkatapos sumandok ng gulay na agad naman nilang sinubong tatlo.

"Ano pong pinagkakaabalahan ni daddy, ma?" di maiwasang tanong ni Sky.

"May business siya, anak." sagot ko naman.

"Bakit hindi natin siya kasama? Galit ka po ba sa kaniya?" sabi naman ni Zel.

"Tumigil na kayo sa kakatanong. Kumain na lang kayo." sabat ni Al bago pa man ako makasagot.

Tumahimik ang dalawa at nagpatuloh na sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagligpit na kami at napatigil nung tumunog ang doorbell. "May hinihintay ka po ba, ma?" tanong sakin ni Al na ikinailing ko.

Lumakad siya papunta sa pinto habang hawak ang kaniyang spear. Ibinigay iyon ng pinsan na si Marco. Siya ang palaging mahirap kumbinsihin na tigilan ang pagbibigay ng mga bagay na makakasakit sa tao. Pero naiintindihan ko siya.

Minsan na siyang binully ng mga batang kasing edad niya noon kaya wala akong magawa. Ayaw lang naman daw niyang matulad at maranasan ng mga anak ko ang ganoonganoon kaya hinayaan ko na lamang.

Binuksan ko ang pinto ngunit nasa likod ako nung pinto. Itinapat ni Al ang kaniyang spear sa bukana ng pinto ngunit agad ding ibinaba pagkatapos ay tinulak agad pasara ang pinto bago ko pa man masilip kung sino iyon.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya at nagsalita. "Sino yun?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay hinila na ako papasok sa kusina. Napatingin naman ako sa may pinto dahil patuloy pa rin ang pag-doorbell ng kung sino doon.

"Maghugas ka na lang po diyan ma." sabi nito sa akin at tinuro ang hugasin.

"Oo na po." Kunwari'y pilit na sabi ko at napailing-iling na lamang ako. Natawa naman siya. "I love you, ma." sabi nito at pumunta na sa sala. Ginawa ko naman na ang sinabi niya. 'Mabuti pa nga.'

Pagkatapos maghugas ay tinignan ko kung anong ginagawa nila at napangiti ng makita silang tatlo na magkakayakap at natutulog sa sahig na may maliit na sapin at tanging kanilang mga likod lamang ang may sapin.

Author's Note:

Sorry kung nadodoble yung UD ko sa chapter na ito. Nagloloko kasi yung Watty. Happy Reading

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now