Ika-siyam na Yugto

4.4K 86 0
                                    

ILANG BUWAN na ang lumipas simula ng bumalik sa pilipinas sila luz. Gabi-gabi ay bumibisita ang pamilya niya upang sabay sabay sila kumain. Dalawang linggo narin ang lumipas simula ng ienroll niya ang mga anak sa isang pampublikong paaralan. At pinag-iisipan niya rin kung pupunta ba siya sa magulang ng 'asawa' niya upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

Madalas mapansin ni Luz ang pagiging malungkutin ng dalawang anak na lalaki at ngingiti lamang kapag nakita siya o nariyan ang anak niyang babae. No'n niya lang nalaman na totoo ang sinabi ng anak niyang babae. Ang mga ito nga ang mas naaapektuhan at nakakamis sa kanilang ama.

Nang minsan niyang sinundo ng maaga ang mga anak ay nakita naman niya ang anak na babae na tinutukso at nang dumating ang dalawang anak niya na lalaki ay agad naman ng mga ito inawat. Malamig pa na pinakitunguhan ni Al ang mga kaklase lalo na ang mga lalaki na lumalapit sa anak na babae habang si Sky naman ay palaaway at mainitin ang ulo.

Minsan na siyang ipinatawag dahil sa pananapak ng anak sa kaklase na humalik sa pisngi ng anak niyang babae. Kagaya na lamang ngayon. Nag-aalalang pumunta siya sa Guidance Office ng paaralan upang alamin ang kalagayan ng anak dahil nanapak ito.

Noong unang pagtawag sa kaniya ay hindi niya nakita ang batang sinapak ng anak. Sinundo na daw kasi ito agad ng yaya nito at late na siyang nakapunta kaya naman hindi niya na naabutan ang nga ito. Wala din naman daw'ng kaso sa kanila dahil may kasalanan din ito na siyang ikinabahala niya.

Gustuhin niya mang ihack ang CCTV nila dito upang makilala ang bata ngunit hindi niya na itangka dahil baka lumaki pa ang gulo at ngayon naman ay ipinatawag siya sa parehong dahilan at parehong bata.

Nag-aalala siya lalo't nalaman niyang gumanti ang sinapak ng anak na ngayon lang nangyari. Pagkarating sa GO ay agad siyang nilapitan ng mga anak upang siya'y yakapin ngunit huminto sa harap niya si Sky at nakayuko lamang ito.

Nag-aalalang niyakap niya ito at tinignan ang mukha ni Sky at bahagyang napangiti nang makitang wala itong natamong sugat o pasa. 'Mukhang ginagamit talaga nito at natutunan niya sa Japan' sabi niya sa isip.

"Bakit mo naman siya sinapak, anak? Halik lang naman sa pisngi iyon, diba? Wala naman siyang ginawang masama, diba?" Sabi niya sa anak.

"Kasi mamma... He halik halik our princess' pisngi." sabi niya at tinignan pa ng masama ang bata na nasa tabi.

"Kahit na... At sa kaparehong bata pa... Hindi magandang idahilan iyan upang manakit ng kapwa. Sana'y naiintindihan mo ako, anak." malambing kong sabi rito at kinausap ang guro upang hindi na sila magkaroon ng record.

"Sorry po mamma." sabi naman ni Sky ng nakayuko. Iniangat niya ang mukha niya at hinalikan siya sa pisngi. "Huwag mo ng uulitin iyon, okay?" tanong niya sa anak at sinagot naman siya ng tango ng anak.

Pagkatapos ay lumapit sa bata na parang maiiyak na marahil totoo nga ang sinabi ng guro nito na kahit kailan ay hindi pumunta sa isang pagtitipon ang magulang nito.

"Hey..." pagkuha niya ng atensiyon nito. Agad naman itong tumingala sa kaniya. Naupo siya na pa squat upang magkapantay kami. Ang mga anak niya naman ay nasa likod ko lang.

"What?" May inis na sabi nito. Napansin niya na parang anak mayaman ito kaya nagtaka siya ngunit itinikom niya na lamang ang sarili niya. At iniba ang iniisip niyang sabihin. "Is it okay if I'm going to accompany you to your house?"

"And why is that? I hurt your son, you should be angry at me. Unless... You doesn't care about him too." Sabi nito at malalim na bumuntong hininga na parang ang lalim ng pinanghugutan ng sinabi nito.

"Nag-aalala ako ngunit mas nag-aalala ako sayo. Tinamaan ka ng sapak niya, baby. Gumanti ka man mas napuruhan ka naman." sabi niya at bahagyang hinaplos ang pasa sa gilid ng labi ng bata.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat