Ikalawang Yugto

5.6K 100 8
                                    

Luz's PoV

Iniayos ang aming  mga gamit nung kami'y pumasok sa trabaho ng araw din na iyon kaya naman pagdating nami'y nakaayos na ang lahat pati na ang kwarto namin na siyang ikinagulat ko. Ilang linggo na kaming hindi nagkakausap o nagkikita man lang. At sinasadya ko yun. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin o magiging reaksyon niya. Hanggang sa dumating ang araw na ito. Naglilinis ako ng bahay ng dumating ang kaniyang kotse kaya naman binuksan ko muna ang gate ngunit laking gulat ko ng pumasok na siya sa bahay.

May kasama siyang magandang babae na kilala ko bilang modelo. Nakaakbay siya dito at hinalikan ang pisngi nito. Dumaan sila sa harap ko na para bang wala silang nakitang tao. At sobra akong nasasaktan ngayon. Alam ko naman na ganun na talaga siya bago pa man kami maikasal kami pero... bakit pa kasi ako umasa?!

Naluluhang tinapos ko na lamang ang paglilinis. Ilang araw at buwan pa ang lumipas at mas lalong lumalala ang pambababae nito. Kadalasan pa sa tuwing wala siya ay sinasaktan ako ng ilan sa mga babae niya sa pag-aakalang nagsisinungaling ako sa kanila kapag sinasabi kong wala siya sa bahay. Laman na rin sa balita ang pambababae niya at madalas na din akong kwestyunin ng aking mga kaibigan.

Sinabi ko kina Chrysanthemum at Megan ang nangyari at kinomport naman ako ng mga ito. Ngunit pagkauwi ko sa trabaho ay laking gulat ko ng nandoon na ang asawa ko at mukha itong galit. Nang mapansin ako nito ay agad niya akong nilapitan at mahigpit na hinawakan ang aking braso bago magsalita.

"What did you tell to your friends?!" Galit na tanong nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"T-the t-truth..." kinakaban na sabi ko at mahahalata sa aking mukha ang sakit ng kaniyang paghawak.

"The truth?! Don't you know what will happen when my parents get that news?!" Gigil na sabi nito at binitwan ang aking braso upang talikuran ako. Narinig ko ang ilang ulit na pagbuntunghinga nito bafo muling magsalita. "GO! Don't make me see you for a while." Mababa ang tonong sinabi nito.

Naluluhang sumunod ako dito at pumunta sa kwarto upang magbihis at agad dumiretso papasok sa pinto na nakatago sa aking walk in closet. Doon ako namamalagi upang matulog o magtago kapag may dala siyang ibang babae at hindi niya ito alam na madalas sanhi kung bakit siya nagagalit sakin. Hindi daw kasi niya ako makita upang pagsilbihan sila ng babae niya.

Swerte niya naman? Sinasaktan niya nga ako aalipinin niya pa ako? What a thick face!

Pero siyempre di ko yun sinabi at nanahimik lamang mamaya masampal pa niya ako eh. Nakakatanggap din ako ng mga pagbabanta na kung hindi ko daw lalayuan ang aking asawa ay papatayin nila ako. Ngunit hindi ako natakot kahit isa man sa mga iyon.

Binuksan ko ang laptop ko at inaccess ang CCTV na nakalagay sa buong paligid ng bahay. (At ngayon ko lang nalaman na pati ang cr ay mayroon maliban lamang sa kinaroroonan ko.) What the-- sandali! ang alam ko ay mayroon siyang pass dito ah? The heck> Ibig sabihin nakikita niya akong... Ay HAHA ASA naman ako. Nagulat ma'y tinuon ko na lamang sa iba ang aking mata at napansing tila ba'y magkakaroon ng party dahil sunod-sunod ang pasok ng mga tao sa bahay habang ang walang'yang asawa ko naman na alam nang kalilinis ko lang kahapon ay nagsisimula ng magkalat.

Napabuntong hininga na lamang ako at natulog. Kinabukasan ay nagulat ako ng malinis na ang mga kinalat nila kagabi. Kaya naman napagpasiyahan ko na lamang na magbihis na upang pumasok. Simple lang na pagkain ang hinanda ko at kumain. 

Pagkahugas ko ng aking pinagkaina'y agad na akong umalis upang pumasok. At dahil maaga pa napagpasiyahan kong dalhin pati ang aking laptop.

Pagkadati'y binuksan ko agad ang aking laptop at nagsimula ng maghanap ng mapaglilipasan ng oras. Ngunit wala akong games kaya naisipan kong manghack na lang ng kung anu-anong website hanggang sa mapadpad ako sa isang website na puno ng mga maga-gwapong lalaki.

Naroon din ang mga impormasyon tungkol sa mga ito. Nakita ko ang dito ang lahat ng lalaking dumating kagabi. Yung mga kainuman ng asawa ko pero ang ipinagtataka ko lamang ay nang mabasa ko ang impormasyon tungkol sa aking asawa ay SINGLE ang nakalagay.

Panira talaga yun ng araw! Naisip ko na sinagot naman ng boses sa utak ko.

Nasasaktan ka lang eh?

Napabuntong hininga na lamang ako at pinigilan kong maluha. Inayos ko ang mga papeles na kailangan pirmahan ng boss ko at inilagay iyon sa office niya pagkatapos ay napagpasyahan kong patayin na ang laptop ko at pumunta sa office nila Chrysanthemum at Megan.

Nakangiti akong lumapit sa kanila habang silang dalawa naman ay masyadong busy sa pagtatrabaho. Binigla ko ang paghawak ko sa kanilang balikat na siyang sanhi sa kanilang pagkagulat.

Natawa ako ng makita ko ang mga mukha nila ng tignan nila ako. "Luz! Kahit kailan talaga...  yang kamay mo!" mataray na sabi ni Chrysanthemum sa akin.

Napatigil ako sa pagtawa at tinignan ng may pagtataka at nagtatanong si Megan. "Gaga! Wala yan ngayon! Ikaw kasi nanggulat ka pa. Ang bigat ng kamay mo noh? Aba! Tsaka bad trip yan. Hahaha!"

"At bakit ka naman nagsusungit diyan Chrysanthemum???" seryosong tanong ko rito.

"Kasi naman! Hindi ko ma-access yung website na matagal ko ng pinag-iipunan kasi nagtaas na naman ang bayad." inis na sabi nito at ipinakita sa akin ang website na kaniyang sinasabi.

"A ito ba? Madali lang yan! Wala ka ng babayaran. Akin na... " Sabi ko at nagsimula ng magkalikot sa kaniyang computer.

"At saan mo naman natutunan yang pinaggagawa mo, luz?" tanong ni Megan.

"Ikaw na babae ka, ang dami mong tinatago sa amin!" halong inis at pagkamanghang saad ni Chrysanthemum.

Nang matapos na ako'y ipinaubaya ko na sa kaniya ang computer. Agad naman silang dalawa na naging busy sa kakatingin at kaka scroll sa computer at hindi na ako pinansin.

Nakangiti ko lamang silang pinagmasdan at tinignan ang oras. Nagulat ako ng magta-time na upang magtrabaho kaya naman naisipan kong tapikin na ang dalawa ngunit bago ko pa man matapik sila'y nabingi na ako sa kaniyang tilian.

"WAAAHH!!! ANG GAGWAPO!" sigaw ng mga ito.

"Huy grabe naman kayo! Oras na po para magtrabaho kung ayaw ninyong matanggal sa trabaho tigilan niyo na yan." sabi ko sa kanila.

Para namang natauhan ang mga ito at tinanggal na ang website at nagsimula ng magtrabaho. The Kings. Yun ang nakalagay sa website.

The hell? At kailan pa naging hari ang mokong na yun?! Naisip ko at napailing habang nasa loob ng elevator.

Pagdating sa aking upuan ay wala akong makitang kailangan gawin kaya naman hinilig ko na lamang ang aking ulo sa aking lamesa at nakatulog. Wala pa naman sigurong pupunta rito dahil mamaya pang alas dose ang meeting na naka schedule kay sir at hindi naman siguro ako makikita ng boss ko.

Nagising ako ng makaramdam ako ng mababaw na pagtapik kaya naman iniangat ko ang aking ulo at tinignan ito ngunit dahil malabo pa ang aking mata'y kinusot ko ito.

"Bakit?" tanong ko ng makita ng maayos ang lalaking tumapik sakin.

"Uhm... You don't know me?" Takang tanong nito.

"Ah... Kailangan ba?" takang tanong ko.

Tumawa ito na nagpaangat ng aking kilay. "Oh! Sorry. It's just that... You're the first person I've ever met that doesn't know me."

"A ganun ba? Ano naman ngayon?"Takang tanong kong muli.

"Nothing! Really. Haha. Anyway, my name is Lelouch Ken Kaneki but you can call me Ken."

"Pwede ba? Nakita mong natutulog ako tapos gigisingin mo ako para lang malaman ang pangalan mo. Alam mo? Kahit di mo sabihin kaya kong malaman halos lahat ng detalye tungkol sayo at nagpakilala ka na. Ano? Okay na? Pwede umalis ka na?" Halong antok at pagtataray na sabi ko rito. At bumalik sa pagyukyok sa lamesa.

"Woah! I didn't mean to make you angry, okay? Peace." rinig kong sabi nito sa huling sandali at nakatulog na ako.

***

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now