Ika-tatlong pu

5.1K 73 16
                                    

"Oo nga pala ano yung nalaman kong hindi tayo, na-annul ha, Night?" biglang tanong ni Luz dahil naalala niya ang sinabi ni Happy noong sinabihan niya itong nanliligaw muli sa kaniya si Night.

Dahil sa tanong ni Rose ay kinabahan si Night at hindi alam ang isasagot sa babae. Nais man niyang sabihin dito ang totoo ngunit natatakot-- o mas madaling sabihin--- kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Rose.

Napakamot siya sa batok niya. Tumingin siya sa mga anak niya. Si Al ay tinignan lamang din siya, si Sky naman ay umiwas ng tingin sa kaniya at si Zel naman ay sumenyas na lagot siya sa asawa.

Totoong hindi niya ipinasa sa korte ang papeles para na kinakailangan sa paghihiwalay nila. Hindi niya ito magawang masabi kay Luz ngunit nagawa niya itong ikwento sa mga bata dahil mausisa ang mga ito.

Kinailangan niya itong ikwento kahit may posibilidad na hindi maintindihan ng mga ito iyon. Ginawa niya iyon para lamang tulungan siya ng mga ito sa pagpapaamo kay Luz.

"I'm sorry, Rose... I just love you too much that even though I'm not yet sure, I wouldn't let my stupidness lead me to lose the chance to be with you, forever. I won't let you love another man, my love. You're mine and mine only." nasabi na lamang niya at lumipat pa sa likod ni Luz upang yakapin ito mula sa likod.

Tahimik lang na nakiramdam siya at ang mga bata pagkatapos ay nagsenyasan. Noong una ay ayaw pang umalis ng mga ito pero napilit din sila ni Night.

Nilambing siya ng nilambing ni Night hanggang sa mapunta ang lambingan nila sa may kama. Doon ay pinaramdam nila sa isa't isa kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Unang beses pa lamang na nakausap niya ang pamilyang Martinez para alukin siyang maging miyembro ng pamilya ng mga ito ay alam niya ng mababait ang mga ito.

Pero sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam pa rin siya ng panginginig ng kaniyang katawan. Sabi ng doktor niya ay marahil naninibago siya sa pakikitungo ng mga ito sa kaniya.

Nasanay na raw kasi ang kaniyang katawan sa marahas na pagtatrato at sa mundong puno ng karahasan. Iyon din daw ang dahilan kung bakit natagalan siya sa ospital at nagkaroon pa ng physical and mental breakdown.

Her body chose to shut down itself to protect itself from any collateral damage that her environment can give to her. It makes her forget all those things instead of accepting it that's why her Psychologist concluded that it was too much for her to take that it will take many years before she remember it again.

Inaruga at pinag-aral siya ng Martinez at unti-unting nagbago ang pakikitungo niya sa mga ito dahil doon. Kung noon ay nanginginig ang katawan at hindi makatingin sa mata ng mga ito, ngayon ay nagagawa niya na ito.

Siya'y nakapagtapos sa kursong nais ng mga Martinez para sa kaniya. Business Ad. Matapos niyon ay nagtrabaho siya sa kumpaniya ng mga ito.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now