Ika-dalawampu't Isang kabanata

2.3K 44 1
                                    

Luz's PoV

Nsgising akong masakit ang ulo kaya naman hawak ko ang ulo kong naupo. Para itong pinupukpok. "Ang sakit..." bulong ko habang hawak ang aking ulo.

Sakto namang pagbangon ko ay bumukas ang pinto kaya hawak ang ulong tinignan ko si Night na siyang nagbukas ng pinto. May dala siyang pagkain at tubig at tingin ko ay may gamot din doon.

"Good morning, love." bati ni Night.

Ngumiti lang ako bilang sagot dahil masakit parin ang ulo ko. Inilapag ni Night ang tray na hawak niya sa lamesa sa tabi ng kama pagkatapos ay tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa ulo ko pagkatapos ay minasahe niya ito na nakapagpangiti sa akin.

Nang bahagya ng mawala ang sakit sa ulong nararamdaman ko ay nagsalita na ako. "Magandang umaga. Anong oras na ba at dinalhan mo pa ako ng pagkain?"

"It's 11 o'clock already. You sleep too much, well it's expected after the activity that we've done yesterday night." kaswal na sabi nito na siyang ikinapula ng aking mukha.

Hinampas ko ang bibig niya at kinuha na ang pagkain. Tumawa naman siya sa inasal ko at pagkatapos ay tumayo na at naglabas ng damit ko sa damitan ko at inilapag ito sa may kama. Inihanda niya ang mga gamit ko pagkatapos ay tumingin sa akin na kakatapos lang kumain.

"After thirty minutes, take a shower and wear this, okay?" sabi niya.

Tumango naman ako bilang sagot at nilingon ang damit na inihanda niya. "May pupuntahan ba tayo?" tanong ko sa kaniya.

"I'm going to tour you and the kids on the island." sagot niya sa akin.

"Talaga?" masaya kong sabi pagkatapos ay ininom na ang gamot para sa sakit sa ulo.

"Yeah. I'll go change the kids' clothes." paalam ni Night sa akin. Tumango ako bilang sagot at lumabas na siya.

Ako naman ay kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa night stand. Nagbasa basa ako ng mga mensahe na natambak dahil busy ako sa pag-aalaga sa mga bata at sa pag-aasikaso sa kanila. Nabasa ko ring may mensahe akong natanggap na galing kina chrysanthemum na siyang kinakamusta ako.

Tinignan ko rin ang notes ko kung saan nakalagay madalas ang mga dapat kong gawin. Nakita ko roon ang mga plano ko noon bago ko pa makita si Night. Binalak kong bisitahin ang dalawa kong kaibigan bago pa man ako pumunta kay Night upang ipakilala ang mga bata ngunit dahil naudlot ay hindi ko na nagawa at nakalimutan ko narin.

Pagkatapos ay pinahinga ko na ang aking mata ng sampung minuto bago naligo. Pagkaligo ay sinuot ko na ang damit na inihanda ni Night upang suotin ko. Akmang kukuha ako ng pulbo ng makita ko ang isang note na nakadikit sa salamin. Kinuha ko yun at binasa.

"Don't put a make up on. You're already a beauty."
-Your man

Napailing-iling na lamang ako at kinuha na ang pulbo at naglagay sa mukha ko pagkatapos ay naglagay ng lip balm upang hindi mag chop ang lips ko. Tsaka ako nagpasyang lumabas na upang tignan ang mga bata.

Nakita ko sina Al at Sky na nakabihis na ngunit wala pa si Zel kaya naman nilapitan ko sila. "Nasaan na si Zel, mga prinsipe ko?"

"Hindi pa po nakakapagbihis, mom." sabi ni Al.

"Panigurado po namimili na naman po iyon ng damit na susuotin. Ayaw nga po papasukin si daddy sa loob eh." sabi naman ni Sky.

"Eh kung ganoon nga, nasaan na si daddy niyo?"tanong ko sa mga ito.

"Lumabas po muna, mom. Aasikasuhin daw po niya muna yung sasasakyan natin." sagot ni Al.

Tumango tango naman na lang ako at muling umakyat upang tignan kung napano na ang prinsesa namin. Pagpasok ko ay nakita ko na naman siyang natutulog at nakabihis na.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now