Chapter 2: Getting used to.

9.9K 175 12
                                    



Ang inti! At ang ingay ng paligid. Teka..nasaan ba ako? Bakit ang dami yatang tao? Kahit saan ako lumingon, napakadaming tao. Ano bang lugar ito? Lumakad ako ng konti, napansin ko kasing may pinagkakaguluhan sa may unahan. Makikitsismis muna ako. Nakipagsisikan ako hanggang sa makarating sa gitna ng maraming tao, napalilibutan ako ng mga ito at lahat sila nagsisisgaw, nagtititili. At doon, hindi ko akalaing mapapatulala ako sa isang..

Babae. Ang ganda niya! Napaka ganda niya!

Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Pinagtitinginan ito at pinagkakaguluhan ng maraming tao. Ang daming tao!  Ngumiti ito, at ang puti ng mga ngipin nito, kumikislap kasabay ng pagtirik ng mainit na araw, napaka amo ng kanyang itsura na animoy isang diwata na napakasarap titigan. At ang mga mata niya, hindi ko man makita mula sa kinatatayuan ko kung ano ang  kulay ng mga ito, ngunit para akong nalulunod dahil dito. Para nitong inaangkin ang buong pagkatao ko. At ang mapupulang mga labi nito. Para itong isang putahi na kay sarap lasapin at tikman. Napakunot ang noo ko.

Lasapin at tikman?! 

Nahihibang na ba ako? Bakit ko naman naisip ang mga iyon? Babae siya at babae rin ako, kaya bakit naman..Hay naku! Hayaan na nga. At muli akong napatingin sa unahan ngunit wala na ang ang magandang babae. Teka, nasaan na yun? At nasaan narin ang napakaraming tao na nandidito lamang sa paligid ko kanina. Paano naman nangyari na naglaho nalang silang lahat na parang bola? 

Napahawak ako bigla sa kaliwang bahagi ng aking pisnge, biglang sumakit ito. Ano bang nagyayari sa akin? 

"Catherine Tingzon!" 

Bigla akong napabalikwas sa gulat, pawis na pawis din ako. Hinihingal na napahawak ako sa dibdib ko. Para akong nakipagkarera sa isang daang kabayo sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Bes?" Takang tanong ko rito ng makita si Bianca na nasa harapan ko. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa. Ngunit pinagtaasan lamang ako nito ng kilay. Doon ko lang napansin na naka suot panlakad na ito. Isang puting blouse na pinatungan ng itim na coat at paldang maiksi na may konting hiwa sa gilid. Nananaginip lang pala ako, sabi ko sa aking isipan.

"Oo. Bes ka talaga! Nag-uungol ka diyan eh, kung hawakan mo pa ako sa mukha kanina para mo na akong hahalikan!"Napahalukipkip ito.

"Dumaan ako dito para sunduin ka."Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama ko atsaka inayos ang suot na damit nito. Doon ko lamang din naalalang nandito si Bianca para sunduin ako at para narin masigurado na hindi na ako muling malalate pa sa trabaho.

 "Kaloka ka! Hayan tuloy nasampal kita. Kung alugin kita kanina parang wala ng bukas, kaso ayaw mo paring magising." Atsaka ko lang din muling naramdaman ang medyo mahapdi parin na pisnge ko, napahawak ako dito. Tinignan ko ito ng masama.

"Masakit?" Tanong nito sa akin at muling lumapit. Napatango lamang ako na parang bata at napanguso. "Ikaw naman kasi eh! Ano ba kasi yang panaginip mo at kung maka-ungol ka e para kang--

"Hep! Wag mo ng itutuloy yan. Hindi ko gustong marinig pa." Putol ko sa sasabihin nito. "M-mag aasikaso na ako para makaalis na tayo. Baka malate ka pa dahil sa akin." Dagdag ko pa habang inaayos na ang sarili, para makapaghanda na sa pagpasok sa trabaho.

"Aba'y dapat lang, dahil ang buong akala ko pagdating ko dito ay handa kana sa pagpasok. Hindi parin pala. Sige na, lalabas na ako at hihintayin nalang kita sa may sala. May dinala na rin akong pagkain para makapag-almusal ka na." Tumango lamang ako dito bilang sagot at tamad na tamad na nagtungo sa banyo.

Nabuhay ang buong katawan at natutulog kong kaluluwa ng madampihan ng malabig na tubig ang mga balat ko. Ngunit bigla naman akong napatulala ng maalala ko ang nasa panaginip ko. Dismayadong napabuntong hininga ako ng maisip na panaginip lamang pala ang mga iyon. "Hmp. Hindi naman ako interesado kung ano man yun. Panaginip lang yun." Paalala at pangugumbinsi ko sa sarili. Talaga ba? Eh bakit ka  mukhang dismayado? Hindi ako dismayado. Period.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon