Chapter 6: Coffee Friend

4.4K 144 7
                                    

Lulugo-lugo ako habang nag-aabang ng masasakyan papuntang Cafe Shop bago dumiretso ng trabaho. Medyo na late na naman kasi ako ng gising ngayon, dahil sa best friend ko na ayaw ako tantanan kahapon at kagabi. Kinukulit kasi ako nito na pumunta ng bahay nila at kung hindi  raw ay magtatampo siya.

Kapag ganoon kasi alam kong may pakulo na naman sila ni Kevin at dahil wala ako sa mood sa pantitrip niya at harapan si Kevin kaya naman mas ginusto ko nalang na magkalat ito sa bahay ng kung anu-ano kaysa ang pumayag sa gusto niya. Alas deyes na yata ng gabi bago ito magpasyang umuwi. At dahil panay kalat ang iniwan nito sa aking bahay kaya naman naglinis na muna ako bago natulog and guess what? Pasado alas dose na ako natapos, dahil sa mga nagkalat na papel at tissue na sinadya talagang gawin ng kaibigan ko. Minsan talaga napa-immature niyang tao, napapaisip nalang din ako kung minsan kung bakit ba naging kaibigan ko siya. Joke! Mahal ko naman iyong babaeng iyon kahit na nakakainis ang pagiging childish niya kung minsan.

Pagbaba ko ng tricycle ay halos patakbo na akong naglakad papasok ng Cafe Shop. Nagdadawang isip din ako kung papasok pa ba ako o hindi na, dahil sigurado ako na may ibang tao na naman ang nagbayad at nag-order ng Ice Coffee para sa akin. But well,  I have no choice. Kailangan ko ng kape para naman magka-energy naman ang katawan ko kahit papano.

"Hi Cath! Good morning!" Magiliw na bati sa akin ni Kate pagkarating ko palang sa counter.

"Hi..g-g-good morning!" hinihingal na bati ko rin dito. Ngumiti ito sa akin at kaagad na inabot ang Ice Coffee sa kamay ko.

"Mas okay kung bibilisan mo ang kilos diyan para hindi ka mahuli sa trabaho mo at maabutan mo ang Princess charming mo." Dire-diretsong sabi nito sa akin sabay kumindat.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa huli nitong sinabi. At halos matisod na ako sa bilis ng mga hakbang ko palabas ng cafe Shop nang narealized ko kung ano ang ibig nitong sabihin. Narinig ko pa ang tawa ni Kate bago ako tuluyang makalabas ng Cafe Shop.

At tila ba yata, nag-slow motion ang lahat para sa akin ng makita ko nang muli babaeng ilang araw ng gumugulo sa isipan ko. Ang babaeng dahilan kung bakit lutang ako palagi at kinakain nito ang buong imahinasyon ko. Ang babaeng hindi mawala-wala sa isipan ko at pilit na nagsusumiksik, na kahit maging sa pagpikit ko ay nakikita ko ang maamong mukha nito.

I can't believe na nasa harap ko na siyang muli ngayon. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang kinaroroonan niya, may kausap ito sa kanyang cellphone at para bang hindi maganda ang mood niya. Pagkakataon mo na ito Catherine! Excited na sabi ng aking isipan sa aking sarili.

Ngunit kasing bilis din ni Flash na biglang sumakay ito sa kanyang sasakyan at na agad nitong pinasibad papalayo. OH NO!

"Shit!" Wala sa sariling napamura ako habang tinatanaw ko ang papalayong sasakyan nito at frustrated na napahawak sa aking noo.

Panay parin ang buntong hininga ko hanggang sa makarating sa trabaho. Sobra akong nadidismaya sa nangyari kaya't hanggang ngayon ay hindi parin ako makalimot.

Pinag sabihan ako ni Bianca dahil sa pagiging late ko ngunit kaagad ko rin itong binalewala at mas piniling hindi na lamang magkumibo.

Siya naman itong dahilan kung bakit ako na late ngayon. Hmp! Pagmamaktol ko sa sarili.

---

Saglit na huminto si Bianca at bumaba sa nadaang naming Drug store. Pauwi na kami ngayon galing sa trabaho, ngunit dahil sa nangyari kaninang umaga na sobrang dinibdib ko ay heto, sumama ang pakiramdam ko at feeling ko ay lalagnatin yata ako. Wag naman sana.

"Oh heto! Inumin mo na kaagad yan. May tubig na ring kasama yan." Kinuha ko ito at inilagay sa may lap ko.

"Thank you." Tipid na sabi ko rito.

Tingnan ako nito na para bang may iniisip na hindi maganda. "Ano bang nangyayari sayo? Kung hindi ka lutang, masama ang pakiramdam, minsan naman..hay ewan!" Iiling-iling na sabi nito habang muling binuhuhay ang makina ng sasakyan. Ako naman, sinimulan ko ng buksan ang bottled water na nabili nito kasama ng mga gamot.

"Minsan nga iniisp ko kung buntis ka ba?" Halos maibuga ko sa mukha nito ang tubig na iniinom ko na nasa bunganga ko na. Naubo ako ng iling beses bago ako muling nakapagsalita. Natawa lang naman ang bruha sa naging itsura ko.

"Ang dumi dumi talaga ng pag-iisip mo Bianca. Kadiri ka!" Saway ko rito at parang nandidiri na tinignan siya.

Ngunit pinagtawanan lamang ako nito. Naiiling na lamang ako habang naiinis na tumingin sa labas ng bintana.

Kung hindi pa ako ginising ni Bianca hindi ko pa malalaman na nasa tapat na pala kami ng building ng apartment ko.

"Ayos ka lang ba? If you want, I can stay here with you just for tonight bes." Concern na tanong nito sakin. Kaagad na umiling ako sa offer niya, mas gusto kong magpahinga ng walang kasama kaysa ang may kasama nga ako, sakit naman sa ulo.

"Galit ka ba sakin?" Muling tanong nito sakin. Tinignan ko siya sa kabuuan ng mukha niya. Hayyy, matitiis ko ba ang babaeng ito? Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Wag kana mag-alala diyan, ayos lang ako. Thank you pala ulit sa gamot at tubig." Pagpapasalamat ko rito atsaka siya kinurot sa tagiliran at mabilis na lumabas ng kotse niya. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato nito sa akin habang hinihimas ang parte ng katawan na nasaktan.

Tatawa-tawa naman ako na nag flying kiss dito at tuluyan na ngang isinara ang pintuan ng kotse. Hindi ko na hinintay itong makalayo ang sasakyan nito at pumasok na rin ako sa apartment.

Bad day. Sabi ko sa loob ko habang nakahiga sa sofa sa may sala at nakapikit ang mga mata.

Isang malawak ngiti ang pinakawalan ko at biglang napabangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Isang ideya ang aking naisip upang muling makita ang mahiwagang babae na iyon. Tama!

Excited na nagtungo ako sa kwarto upang makapaglinis na ng katawan at makapagpahinga ng mas maaga.

---

Pa kanta kanta pa ako habang naliligo kanina. Ang ganda yata ng gising ko! Hehehe. Hanggang sa makarating ako dito sa Cafe Shop ay walang humpay ang kakangiti ko. Ewan ko ba, kung gaano kabigat kahapon ang loob ko ay ganoon naman kagaan ang nararamdaman ko ngayong araw na ito.

Today is my day!

Iyan ang tanging nakatatak sa isipan ko simula pa noong magising ako. Nakakaproud lang dahil kinaya kong magising ng mas maaga kaysa sa nakasanayan ko.

Ilang sandali pa akong naghintay. Tanaw ko mula rito sa inuupuan ko ang exit at entance ng Cafe Shop, sinadya ko talagang dito maupo dahil gusto ko pagpasok palang niya ay kaagad na makikita ko na siya.

Yes! Tama nga kayo nga hinala. Sinadya kong magpaaga ngayong araw na ito dito sa Cafe shop. Dahil hindi ko siya naaabutan sa 'twing pumupunta ako rito at palaging siya nalang ang sumasagot sa Ice Coffee ko, today is my turn!

Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Bianca. Saglit na nawala ang focus ko sa may entrance na binabantayan ko at sinagot sandali ang tawag.

"H-hello bes?" Sagot ko sa tawag.

"Asan ka? Himala yata at ang aga mong nawala dito sa lungga mo?" Mapang-asar na sabi nito sa akin.

"Well, nauna na ako sayo. See you nalang sa work beshy. Love youuu!"  Magsasalita pa sana siya ng pinatayan ko. Hehehe.

Agad na natigilan ako ng makita ko na may pamilyar na awra ng babae na nakatayo sa may counter at kausap ang barista upang mag-order. Sandali ko pa siyang pinagmasdan habang abala ito sa pakikipag-usap.

Nakasuot ito ng kulay maroon na fitted dress na hanggang tuhod ang haba at hanggang siko naman ang manggas. Naka pony tail din ang mahaba at kulay brown nitong buhok na mas lalong nagpa-amo ng kanyang itsura. She was stunning woman with a goddess look and curvy figure.

Humarap ang katawan nito sa direksyon ko, her eyes searching for someone or something and then in one snap, our eyes meet once again.

Napasinghap ako at kaagad na napaiwas ng tingin mula rito dahil biglang ngumisi ito at ang mga tingin nito ay sobrang nakakapaso, hindi ko siya kayang sabayan. At isa pa, heto na naman ang weird feelings na meron ako, pati narin ang malakas na pagtambol ng puso ko na kulang nalang e,  kumawala at magtatatalon sa sobrang saya.

Agad na napayuko ako ng napansin na papalapit na ito sa akin. Ngayon palang, parang gusto ko na tuloy pagsisihan ang naging disesyon na nagawa ko. Bakit ko ba kasi naisipang gawin ito?

'Gotcha!' Bigkas nito ng makarating sa tapat ko.

"H-ha?" Medyo utal pang tanong ko saka nag-angat ng tingin para muling salubungin ang magagandang mata nito. Doon ko lang din naalalang may sinulat ako sa isang maliit din na bahagi ng papel, na ipinaabot sa barista sa kanya at ngayon ay hawak-hawak na nito at binasa ang nakasulat doon.

"Salamat sa Ice Coffee. Today is my turn. - Cath" Pagbasa nito ng malakas sa nakasulat roon.

"Uhmmm.."Ang tanging nasabi ko at muli ay napaiwas ng tingin rito. Yung mga titig niya kasi, para bang may sinasabi at nangungusap ang mga mata nito ngunit hindi ko mawari kung ano.

Hinila nito ang upuan na nasa harap ko at printeng naupo roon. Inilapag din nito sa ibabaw ng lamesa ang hawak-hawak nitong Ice Coffee na inorder ko para sa kanya, hindi ko sigurado kung magugustuhan niya ba ang flavor na napili ko. Binasi ko lang naman iyon doon sa Ice Coffee na, na aksidenteng nakuha ko na hindi ko alam ay para pala sa kanya.

Napatikhim ako ng mapansin na walang gustong magsalita sa aming dalawa. Pagkakataon ko na ito, ngayong nandito na siyang muli sa harap ko ay hindi ko na ito palalagpasin pa.

"M-Ms. Ay este, uhmm. S-sorry pero.." Saglit na tumigil ako sa pagsasalita at palihim na kinagat ang dulo ng dila ko. Ano ba naman Catherine bakit ngayon ka pa nauutal?

Amused naman na napatingin ito sa mukha ko. "Pero?"

"G-gusto.." Sandali akong napahinto para kalmahin ang sarili dahil sa kaba na nararamdaman.

"Gusto ko lang magpasalamat sa pagttreat mo ng Ice Coffee sa akin. Pero hindi mo naman kailangang gawin iyon." Pwew! Dirediretsong sabi ko rito at sa wakas ay natapos ko ng hindi na nautal pa.

Natawa lang naman ito ng bahagya. Hayyys. Kinakabahan kaya ako ng sobra ngayo na nasa harap ko na siya, kung alam lang niya na ilang araw siyang hindi mawaglit waglit sa isipan ko at ilang araw din niyang ginugulo ang na tahimik buhay ko. Tapos ngayon, pagtatawanan lang niya ako? I can't believe it! Palatak ko sa isipan ko.

"It seems like, you don't like it, don't you?" Tanong nito sa akin. Kusa namang napailing ang ulo ko bilang sagot sa tanong niya.

"N-no---

"No?" Mabilis na putol nito sa sakin.

"No! Ang ibig kong sabihin, hindi mo naman kailangang gawin iyong mga iyon para sa akin." Wow. Congrats self! Hindi ka na nautal pa. Sa halip na sumagot ito ay tinignan lamang ako nito sa mukha. Kaya naman, nagpatuloy ako.

"Kaya ko naman bumili ng para sa sarili ko, isa pa hindi mo pa naman ako kilala para pag aksayahan mo ng pera at panahon mo." Ngunit hindi yata nito nagustuhan ang nasabi ko. Lihim na napapatampal na naman ako sa aking noo.

"Sinabi ko bang libre iyong mga iyon?" Nanlaki bigla ang mga mata ko ng marinig ko ang mga katagang iyon.

"A-ANO?!" Gulat na gulat na tanong ko rito. Wag niyang sabihin na pababayaran niya ang lahat ng nagastos niya sa akin? Hindi ko naman sinabing bilihan niya ako araw-araw, umaga at hapon ah. Tapos sasabihin niya hindi pala libre iyong mga yon?! Nagbibiro ba siya?

Halata ko na pinipigilan lang nitong matawa sa naging reaksyon ko ngunit mabilis rin niya iyong naitago.

"You owe me, Cath!" Patayo na bigkas nito. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ang bilis naman uminit ng pwet nito. Halos kauupo lang niya, tapos ngayon tatayo na agad siya?

"Stop arguing with yourself. You're getting late, come on! I'll take you to your work."

Mind reader ba siya? Paano niya nalaman na.. Teka, shit! May work pa pala akooo!! Anak ng! Dali-dali akong nag ayos ng gamit ko. Lagot na naman ako nito kay Bianca.

Paglabas na paglabas ko ng Cafe Shop ay naabutan ko siyang nakasandal sa may driver seat na pinto ng kotse niya. Sumenyas ito na sumakay na ako.

Nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi? Nakakahiya kasi pero..hays sige na nga malalate na ako eh.

Nang makalapit na ako sa may kotse ay umikot ito sa may passenger seat at pinagbuksan ako ng pintuan. Infairness, gentlewoman huh.

Nangmakasakay na ako, sumakay narin ito sa driver seat. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan ngunit bago iyon ay bigla nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko, as in sobrang lapit. Bigla tuloy akong nanigas sa kinauupuan ko, hindi ako makagalaw dahil sa oras na gawin ko iyon ay pweding maglapat ang mga labi namin. Nagpapanick na rin ako sa loob ko. Anong gagawin ko? Sobrang magkalapit ang mukha namin. Naaamoy ko ang mabangong perfume na gamit nito at hindi masakit sa ilong, nalalanghap ko na rin ang hininga niya, hindi iyon amoy Coffee kundi amoy marshmallow. Marshmallow?

Napapikit na lamang ako at hinintay ang susunod na gagawin nito ng biglang..

'click'

Dahan dahan kong iminulat ang dalawang mga mata ko. Seat belt lang pala, sabi ko sa loob ko at nakahinga ng maluwag. Ngunit ganoon na lamang ang kahihiyang naramdaman ko ng makitang naka ayos na itong muli ng upo sa driver seat, habang may mapanuksong ngiti sa mga labi nito.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo mula sa katawan ko papunta sa mukha. Napatingin na lamang ako sa bintana habang handa na nitong baybayin ang kalsada ngunit bago iyon ay nagsalita itong muli.

"You okay?" Malamang sa malamang hindi. Nakita mo naman, hindi ba? Ngunit mas pinili ko na hindi na lamang kumibo pa o humarap dito dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang mapanuksong mga tingin at ngiti nito kahit na hindi ko siya tignan.

"I'm Breeze, by the way. Breeze Sullivan."

Awtomatikong napaharap akong muli sa Dyosang kasama ko ngayon, piling ko nagnining ning ang aking mga mata ngayon habang pumapalakpak naman ang aking mga tenga dahil sa narinig. Finally! I got her name... OH. MY. GHAAAD!

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon