Chapter 34: I'm In Trouble

2.8K 91 8
                                    

Ganun lang nga kabilis lumipas ang panahon. Parang kailan lang si Jared ay tatlong taon pa lamang, ngayon naman ay limang taon na ito at syempre, nag-aaral na.

Masaya ako dahil tuluyan na akong nakawala sa sakit na dulot ni Catherine sa pang-iiwan nito sa akin. At napatawad ko na rin ito ng tuluyan. Handa na rin ako sa bagong simula at bagong buhay pag-ibig na darating. Kung may darating pa man. Haha.

Magbubukas na rin ako ng branch sa New York para sa expansion ng sarili kong kompanya. At sobrang excited na ako para roon. Masaya dahil kahit na anong  mga pagsubok at problema ang dumating, nalampasan ko ang lahat ng iyon ng mag-isa. Kinaya ko ang lahat ng mag-isa.

Minsan hindi mo naman pala kailangan ng taong makakasama sa pagkamit ng mga pangarap mo. Minsan sapat na, na gawin mong motivation ang sakit na naidulot sayo ng mga taong akala mo masasamahan ka hanggang huli. At sa pag-iisa, doon natin napapatunayan sa mga sarili natin na kaya nating tumayo on our own. At mas pipiliin nating bumangon para sa mga taong nandyan pa, sa mga tao na meron pa tayo at binibigyan tayo ng halaga.

"Congratulation ma'am Breeze! Sa nalalapit na pagbubukas ng branch ng kompanya sa New York." Masayang pagbati sa akin ni Jessica. Ang sekretarya ko. Pagkatapos nitong maiabot sa akin ang mga dokumento na kailangan ko ay nakipag kamay pa ito sa akin.

Napangiti ako rito. "And thanks to your hard work too Jessica! Keep up the good work." Pagpuri ko naman dito. Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kasing sipag at bait na katupad ni Jessica.

Isa itong masipag at mabuting asawa at ina ng dalawa nitong anak na lalaki. At ang asawa naman nito ay nagtatrabaho bilang isang teacher sa isang pampublikong paaralan sa Tarlac. Mag-isa lamamg itong nakikipag sapalaran dito sa Maynila. Kaya naman, kapag nakikita kong medyo pressure na ito ay ako na mismo ang nakukusa na pauwiin ito sa kanila. Para naman makasama nito ang kanyang pamilya.

Napangisi ako ng may mabasa ako na isang article habang tinitignan ito sa laptop ko. "Uhmm, Jessica. You may go now." Sabi ko sa kanya. "Thanks for the documents." Pagpapasalamat ko sa iniabot nito sa aking mga bagong dokumento.

"Naku! Wala yun ma'am Breeze. Sige ho, babalik na ako sa office ko."Pagpapaalam nito sa akin.

Napatingin ako sa suot kong relo. Mag aalas kwatro na pala ng hapon. Papalabas na sana si Jessica ng muli ko itong tinawag.

"And Jessica!" Tawag ko rito.

"Yes ma'am? May kailangan pa ho ba kayo?" Agad na tanong nito sa akin pagka harap.

"Please paki cancel na muna ang naiiwan ko na appointment this afternoon." Pakiusap ko sa kanya. Napakunot ang noo nito.

"Pero ma'am, ito ang pinaka importanteng appointment mo sa araw na ito--- sabi ko nga po. Icacancel ko na." Pagpayag nito dahil tinignan ko ito ng masama.

Naiiling na napatingin nalang ako sa kanya ng tuluyan na nga itong nakalabas ng Opisina ko. Kaagad na iniligpit ko na ang mga gamit at nilinis ang mga nagkalat na papeles sa ibabaw ng aking lamesa.

Tamang tama pagsakay ko ng kotse ay tumunog naman ang cellphone ko. Saglit ko pa itong tinignan kung sino ang tumatawag bago iyon sinagot.

"I'm on my way Bianca." Sabi ko rito pagsagot. Magkikita kasi kami ngayon. Mayroon daw kasi itong proposal tungkol sa magbubukas nito na building para sa kanyang negosyo.

Rinig ko ang paghinga nito ng malalim sa kabilang linya. "Mabuti naman. Dahil kanina pa po ako naghihintay sayo madam." Sarcastic na sabi nito sa akin bago ako binabaan na ng telepono.

Anong akala niya sa akin hindi marunong magbilang ng oras? Usapan namin five o'clock in the afternoon, magbibiyahe pa ako papunta sa kanya. Naisip niya ba yun? Isama mo pa ang mahabang traffic. Tss!

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon