Chapter 35: Mission Accomplished

4.3K 103 23
                                    


"So where do we begin dude?" Tanong ni Billy sa akin habang nakaupo kami pareho dito sa loob ng isang restaurant. Nakatakip pareho sa mukha namin ang menu para lamang hindi makita ang mga mukha namin. Mahirap na, baka makita at mamukhaan pa kami.

Maaga pa lamang ay pumunta na ito sa bahay para lamang ipaalala sa akin ang bagay na hindi ko alam kung itutuloy ko pa bang gawin o hindi na.

Napahinga ako ng malalim. "Wag ko nalang kaya ituloy?" Nag-aalangan na tanong ko rito. "Kinakabahan ako eh." Dagdag ko pa.

"Dude, pagkakataon mo na 'to! Sasayangin mo pa ba?" Pagkukumbinsi naman nito sa akin.

Muli ay napasilip ako. "Pero.."

"Tsk! Dude wala ng pero, pero. Go! Grab the opportunity!" Nauubusan na ng pasensya na sabi nito sa akin.

Napakamot ako sa batok at dahan dahan na napatayo. Mabuti na lang at nakasuot ako ng cap ngayon. Wala masyadong makakakita ng itsura ko. Hayyyy. Sa buong buhay ko hindi ko naisipan na gawin ito. Ang mag mistulang stalker dahil sa isang babae. Ngayon lang!

Pasalamat siya at mahal ko siya. Ehem! Oo na. Aminado na ako na hanggang ngayon eh mahal ko parin si Catherine. Wala eh. Sa aming dalawa ako yata talaga ang martyr at hindi siya.

Dahil kung hindi, at sa dami ng babae sa mundo hinding hindi ko talaga ito gagawin para sa kanya.

Marahan na tinulak ako ni Billy papunta sa direksyon kung nasaan naka pwesto at prenting nakaupo si Catherine. Dalawang lamesa ang pagitan bago ang lamesa kung saan naman kami naka pwesto ni Billy.

Habang abala ito at nakatutok lamang ang mga mata sa kanyang laptop ay sinamantala ko na ang pagkakataon na lumapit sa kanya.

Nang makarating ako sa tapat ng kanyang kinauupuan ay inayos ko muna sandali ang sobrerong suot ko. Pagkatapos ay napatikhim muna ako bago nagsalita.

"H-hi." Damn it Breeze ayusin mo yang dila mo. Stupido! Dismayadong saway ko sa sarili.

"Ehem! Is this seat taken?" Tanong ko rito. Hindi ko alam pero nanginginig ang mga tuhod ko ngayon. Hindi naman ako ganito dati sa kanya ha. Ano bang nangyayari sa akin?

Parang slow motion na nag-angat ito ng mukha at napatingin sa akin. Sandali pa akong napasinghap ng magtama ang mga mata namin. Grabe! Mas lalo talaga siyang gumanda ngayon.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkagulat nito ng makita ako. Napalunok din ito bago napaiwas na ng tingin mula sa akin. Pagkatapos ay ituloy na nito ang kanyang ginagawa.

"No?" Patanong na sagot nito sa akin.

"How about you?" Hindi ko rin inaasahan na lalabas iyon sa mga labi ko. Kapwa kami nagulat ng maitanong ko iyon sa kanya.

"I mean..." Napalunok ako. "Pwede ba akong makiupo? Kung okay lang naman."

Pormal ang mukha na muling nagbaling ito ng paningin sa akin. Napahinga pa ito ng malalim bago tuluyan ng itiniklop na ang kanyang laptop. Ngumiti ito sa akin, iyong ngiti na sobrang tamis. Shit!

I'm trying really hard to not act how I feel. But damn, I missed her smile, so bad. I miss looking into those big but beautiful brown eyes of her. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko lalo na ng makita ko ang mapuputing mga ngipin nito. "Sure! Of course you can. Paalis na rin naman ako eh."

At walang sabi na tumayo na nga ito at mabilis na umalis sa harapan ko. Napapamura na lamang ako sa sarili pagkatapos at dismayadong napaupo sa upuan na iyon.

Ilang sandali lamang din ay narinig ko na ang malakas na pagtawa ni Billy habang naglalakad ito papunta sa akin. Nakakahiya siya. May iilan tuloy na napapatingin na sa amin at pinagbubulungan kami.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon