Chapter 3: First met

7.7K 271 32
                                    



Dahil weekend ngayon, kaya naman kahit tanghali na ako magising ay ayos lang. Hindi ko akalain na alas onse na pala ng umaga ako magigising. Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay kaagad na dumiretso ako sa banyo para maligo.

Hindi na pala ako nakapag palit man lang ng damit kagabi bago matulog. Masyado na yata akong nagtagal sa loob ng banyo, halos isang oras na rin akong nakababad sa tubig sa loob ng banyo ng hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom, hindi ko pa mapapansin na tanghali na at oras na para sa tanghalian.

Dali dali akong nagbihis ng damit, isang polo shirt na kulay light blue at kulay puting short na hanggang tuhod ang haba at white sneaker shoes. Balak ko kasi sana na, sa Cafe nalang muna tumambay habang nag-iisip ng mga bagong designs at doon narin mananghalian. Isa pa, namimiss ko na ang lasa ng paborito kong Ice Coffee.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ay nasa Cafe narin ako, malapit lang naman kasi ito sa apartment ko, walking distance lang kaya naman mabihis lang ako nakakapunta rito kahit anong oras ko man na gustuhin. Oo nga pala, dito ako unang nagtrabaho noon. Ito ang Cafe Shop na, isa sa pagmamay ari nina Bianca.

Pagkatapos kung mag-order at magbayad na rin ay, humanap na ako agad ng mapupwestuhan. Sa may medyo tago na sulok ng Cafe ang napili ko, sa isang pandalawahang tao na lamesa at syempre may dalawang magkaharap na upuan. Weekend ngayon, kaya naman madaming tao sa mga Cafe Shop na ganito lalo na at mainit ang panahon. 

Nang makaupo na ako ay inilabas ko na ang sketch pad pati na rin ang laptap ko at doon ay sinimulan ko ng muli ang hindi natapos kahapon na gawain. Makikiuso na muna ako sa ibang nagtatambay sa mga Cafe Shop, na oorder lamang ng isang milk Tea or Coffee tapos hihinge na ng pass word ng wifi. Ehem! Bato-bato sa langit ang tatamaan ay wag magalit.

Mamaya maya lang din ay dumating na ang inorder kong pagkain. At dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko ay kakain na muna ako bago ko gawin ang mga dapat na gawin. Pansin ko na medyo dumadami na tao sa loob ng Cafe, medyo umiingay na rin ang paligid dahil sa mga kabataang natatambay dito sa loob.

Nang maramdaman ko na medyo busog na ako ay itinabi ko na ang aking pinagkainan at ninamnam ang lasa ng Ice Coffee. Pagkatapos ay kinuhang muli ang sketch pad at muling itinuloy na ang gawain.

Saglit akong natigilan ng makaramdam ako ng pangangalay sa aking batok, kaya naman itinigil ko muna saglit ang gawin at nagrelax muna ng sarili. Habang ikinakalat ko ang paningin sa loob ng buong Cafe ay bigla akong napatulala sa nakita ko. Bigla akong nakaramdam ng kung ano, lumakas ang pintig ng puso ko na para bang gustong kumawala nito. Saglit na pinagmasdan ko pa ito mula sa kinauupuan ko, mukhang naghahanap ito ng mapupwestuhan.

Bigla akong nagbawi ng tingin at napayuko ng magtama ang mga mata namin. Kumalma ka, please. Sabi ko sa sarili. Muli kong kinuha ang lapis at sketch pad at ituloy ang gawain. Ngunit wala pang ilang segundo ay mayroong tuhikhim sa tapat ng lamesa na aking kina-uupuan.

"Hi." Bati nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili, ngunit tila ba nagtayuan ang lahat ng aking mga balahibo ng marinig ko ang tinig nito.

Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang mga mata nito. Saglit pa akong napasinghap ng magtama ang aming paningin. Para bang may kung anong ibig sabihin ang mga ngiti nito sa akin. Ngumiti lamang ako ng tipid dito.

"Are you waiting for someone?" Tanong nito sa akin. At muli na naman siyang napangiti. Grabe! Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang babae. Hindi kaya artista siya? O baka naman model? Yung kutis niya, napakakinis! Yung mga mata niya na kulay-abo. Ang mahabang buhok nito na nakalugay lamang at ang bango niya! At ang sexy pa!

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon